Monday, December 08, 2008
early christmas gift
Saturday, December 06, 2008
Coffeebreak ver 1.46 and 1.47
super late coffeebreaks again. = D hindi lang sa coffeebreak ako late pati sa mga blog post late na rin. wala kasi akong internet last week. kainis. anyway balik tayo sa coffeebreak. here's my answer.
~ what are the simple things that make me smile? pagnakikita ko anak ko pag dating namin na naka smile as in tuwang tuwa sya na dumating na kami ng dad nya yun! it makes me smile. pagnililbre ako ng sister ko ng coffee sa starbucks =D text message ng mga friends ko or simple hi or hello sa YM ng mga friends ko. mga side comments ng asawa ko na wala sa hulog. = )
~0~
~diko na maalala kung anong year yun basta yun yung christmas na puro bag ang nakuha kong gifts. masaya kasi yung mga bag na nakuha ko may lamang pera hahahaha!
~yung year na kumpleto na kami ulit dahil umuwi na si papa ko. masaya kasi kumpleto na kami ulit after 10 years na hindi dito nag xmas si papa. = )
thanks Jan!
Monday, November 24, 2008
coffeebreak ver 1.45 / richwell loots
~0~
speaking of xmas gifts. tapos na kami mamili ng mga gifts for our inaanaks. lahat galing sa richwell = ) merry christmas inaanaks!
Friday, November 21, 2008
Pahirap ng Pahirap...
Wednesday, November 12, 2008
coffee break ver 1.43 and 1.44
2 coffeebreaks... na miss ko yung last time ngayon ko na lang sasagutan.
ito yung first...
siguro para sakin yung milestone sa buhay ko nung naging mommy na ako. diko talaga ma explain yung naramdaman nun. takot ako na sobrang saya naman. laking nagbago sa buhay ko nung nagkababy nako. complete na ang life ko = )
hehehe. the only reality tv shows na pinanood ko eh PBB (teens and celebrity) at yung PDA 1st season. baduy ko no? hehehe. di kasi talaga ako mahilig manood ng tv. i work for a tv station kasi kaya feeling ko buong araw na nga akong puro tv tapos pag uwi ko ng bahay eh tv nanaman. kaya ayaw ko na manood ng tv. makikipag laro na alng ako sa anak ko. = )
thanks Jan!
Toy Kingdom Toy Sale
Tuesday, November 04, 2008
TV 5 Halloween Party
Thursday, October 30, 2008
coffee break ver. 1.42
Jan's coffee break:
habang nag didinner kami, 3 uncles ko ang nasa labas. pumasok isang uncle sabi nya na naiwan yung headlight nung sasakyan na naka on. nag taka naman yung isa kong uncle na nag drive nung sasakyan kasi nasa kanya yung susi so pano yun bubukas? sinundan si mama nung friend nya hanggang sa bahay namin. natakot na si mama so nagligpit na kami ng gamit namin kasi sa house na lang kami ng lola namin matutulog.
habang naghihintay na matapos yung maid namin mag ligpit. yung isa kong uncle ewan ko na anong trip nun at parang binuyo nya yung spirit nung friend ni mama. sabi nya di daw sya naniniwala na nagpaparamdam to. nakasilip ako sa bintana nun nakikita ko yun uncle ko na nagsasalita na parang kausap yung sasakyan. yun pala sinasabi nya na pakitaan pa sya nun ng mas matindi daw para maniwala sya. tapos biglang umilaw ulit yung headlight nung sasakyan tapos bigla syang nag start yung makina ng walang driver. nagsigawan na kami lahat sa sobrang takot. feeling tumaas lahat ng hair ko nung nakita kong umilaw at nag start yung sasakyan grabe talaga.
akala ko dun na sa house namin matatapos yung pagpaparamdam. pagdating namin sa house ng lola ko nag paramdam sya ulit. nasa room kami ng cousin ko. yung aircon sa room nya nasa may taas binuksan namin yun sa number 1. tapos nagdasal na kami kasi natatakot kami. habang nagdadsal kami biglang may nag switch nung aircon. wala naman ibang tao dun kasi kami nag dadasal lahat. di na lang namin pinansin para tumigil na lang.
Wednesday, October 29, 2008
2nd confinement in 1 year = (
3am nasa Marikina Valley na kami. sabi ng doctor e admit na alng kasi baka ma dehydrate. so pumayag nako kaso ang problema no room available. hay! kainis! so advise kami na sa salve regina pumunta kasi yung pedia namin affiliated in dun. so go kami dun. on the way papuntang salve regina bumalik na kulay ni waki di na sya maputla. pagdating namin ng salve ganun pa rin advise samin na e admit na lang. ang problem? they dont accept medicard. anak naman ng pating oh! kakainis! so sabi sa Garcia kami pumunta.
dahil hindi ako mapakali kahit bumalik na kulay ni waki eh tumuloy pa rin kami sa garcia. pag dating dun eh meron pang nasa ER na naka ambo bag at parang cpr ng mga doctors. kakatakot kasi nakikita ko na nag flatline na yung sa monitor. sa kasamaang palad eh di nila na revive yung manong. hay! may he rest in peace. so na admit na nga kami. walang available na private room sa sa semi private kami tapos sabi ko if may available na private lilipat na kami. kinabitan si waki ng swero 6 adults kami nakahawak. grabe lakas ng anak ko. sabi ng doktor if may sakit ba daw talaga kasi 4 na kaming nag hahawak. buti naman eh 1 beses lang eh nakabit na agad ang swero.
540am admitted na kami sa ospital. so nung sinabihan na kami na pwede ng umakyat tumayo nako at hinanap ang elevator kasi naman sa 4th floor pa yung room. aysus! walang elevator! naman! eh ako may karga kay waki. pagdating namin sa room nagulat ako kasi meron 4 beds. eh halos kasing laki lang ng room namin yun sa bahay. ang sikip sikip namin. buti na lang kami pa lang sa room so parang solo na rin namin.
after 2 hours natanggal ang swero ni waki. nag wala aksi sya at pinalo yung hand nya with swero ayun natanggal. nakakainis kasi 3 nurses pa tumingin sa swero bago tinanggal. heller! parang hindi mga nurses nagpapasahan pa. parang walang sakit anak ko kasi ang likot likot sa loob ng room. sabi ko kay jim baka pwede na kaming umuwi. mga 5pm nun. so bumaba si jim sa nurse station para sabihin na uuwi na kami. di na daw pwede kasi sarado na billing.
tinawag na kami ng nurse para daw ikabit ulit yung swero. heller! sa er pa daw ikakabit yung swero. ano ba naman yun! pag baba namin tinawag kami sa may xray room asi may request daw yung pedia na e xray si waki. so 1st xray nag iiyak na.buti na lang nak xray sya. yung pangalawa naku! ayaw na talaga. eh kaka dede nya lang kaya yun nasuka tuloy. so diko na pinakunan kasi iyak ng iyak. after sa xray sa er naman para ikabit yung swero. ayun nag iiyak nanaman at nasuka ulit. pagkakabit umakyat na kami ulit sa room.
after a few hours eh natanggal nanaman yung swero. so ayaw ko na talaga ipakabit kasi uuwi na rin naman kami. sabi ng doctor if sumuka ulit si waki ikakabit ulit. di naman ulit sumuka kaya yun di na kinabit.
so hindi kami nakauwi. sa ospital kami natulog. kinabukasan 7am pa lang pinababa ko na si jim sa billing at gusto ko na talaga umuwi. hay! sarado pa. 10am dumating yung dr garcia check check kunwari yung chart ni waki. so tinanong ni jim if pwede na kami umuwi sagot ba naman kay jim eh di naman daw sya yung pedia namin so di sya mag decide. heller! eh bakit pa sya nag check check, kakainis! 2pm dumating na yung pedia namin. tapos binigyan nya na kami ng to go home. sobrang bagal nila mag process inabot kami ng 4pm sa ospital. nakakainis pa yung 1 doctor na wala naman ginawa eh nag charge pa ng pf samin. kapal ng mukha! wala anman ginawa!
hay! di na talaga ako babalik sa ospital na yun. nakakainis!
Wednesday, October 22, 2008
natalo ako = (
Tuesday, October 21, 2008
coffee break 1.41
Friday, October 17, 2008
coffee break ver. 1.40
"Ate, maganda sana kaso di bagay sa legs mo ang buhok eh"
hay! syempre diko binili yung shoes.
Thursday, October 09, 2008
coffee break ver. 1.39
Monday, October 06, 2008
PBA
well for the first time na nanood ako ng pba na hindi kinakabahan. dati kasi nung nasamin pa yung pba ayaw na ayaw ko manood. kasi sumasakit ulo sa nerbiyos. kasi halos ma memorize ko mga commercial na ipapalabas, so pag may nilipat sila bigla akong na stress kasi akala ko na na miss yung commercial hehehe. pero last sunday nag enjoy ako sa panonood. stress free nyahaha!
so sa bagong pba traffic i wish you luck. uminom ng madaming stresstabs! = )
Thursday, October 02, 2008
new ref
Monday, September 29, 2008
9.27.08 and michael's birthday
pagdating ko sa office nag aayos sila. nagbibigay ako ng instructions sa bago namin kasama ng bigla akong may narinig na may nalaglag na steel cabinet. gosh! nalaglag yung cabinet sa likod namin at naipit yung isa namaing officemate! my gulay! so napatakbo tuloy kami ni officemate 1 sa labas para humingi ng tulong. na off balance daw yung cabinet (hahaha!)
habang nag susurf sa net bigla akong nahilo. mga 5 seconds siguro. akala ko lumindol. tiningnan ko yung iba kong officemates eh no reaction naman sila. after 15 seconds parang inuga ako unit pero mas malakas. dun na may nag react hehehe. lumilindol na pala! hahaha! nakikiramdam lang pala kami sa isat isa kung sino unang magsasabi samin. hay!
230pm pumunta na kami ng las pinas para sa birthday party ng anak ng officemate ko. mahina talaga ako sa mga directions. buong akala ko eh sa aguinaldo st kami dadaan. aysus! nakarating na kami sa bamboo organ eh wala pa rin jollibee! nyahaha! yun pala imbes na kumaliwa kami dapat pala derecho. buti na lang at hindi gutom ang mahal kong asawa kundi patay! ako. saya ng party aliw yung host nila. nag enjoy naman si waki. ang ingay nga nya sa party. para syang boss mag sisigaw ng instructions nya, wala naman nakikinig hehehe. love ni waki jollibee spag! halos maubos nya yung spag na serve samin. picture picture then sumayaw si jollibee then uwian na.
after the party umuwi na kami. pagdating sa bahay tumawag ang kuya na ngayon na kami buy ng ref. condura 2 door 8 cubic binili namin. so ayun lumabas kami ulit 3 para bumili ng ref. ngayon e dedeliver yun. unti unti na rin nagkakalaman ng appliances ang bahay namin yahoo! after ng ref tv ulit nyahaha!
Friday, September 26, 2008
Jim's Big 3-0 = D
after sa post office sa nso kami tumuloy. sa may city hall kami nag park tapos nag jeep papuntang nso. daming tao grabe! yung number namin is 2400 tapos yung sineserve na number nasa 1500 pa lang ayos! nag merienda lang kami sandali sa jollibee then naghintay na kami sa nso. mga 1230 kami natapos. pagkatapos sa philhealt tumuloy naman kami sa sacred heart sa kamuning, para kumuha ng baptismal cert ko. dahil nandun na rin kami kinuhaan ko na rin si ate same lang naman yung church kung saan kami bininyagan.
after ng sacred heart pumunta kamisa e rod para pumunta sana sa may US surplus para bumuli sana ng car seat at high chair. pagdating namin sa e rod hehehe wala na dun yung shop naging persian kebab food na sya hehehe. dahil bigo kami eh sabi ko kay jim sa ikea sa kamias kami pupunta. binaybay namin ang kamias road. bad trip walang parking! so ayaw ni jimna bumaba kami. kainis! syempre birthday nya hindi nako nagpumulit pa. last hirit ko eh bibili ng lumpia sa lei's. dahil siguro nakita nya na nalungkot ako na hindi kami dumaan sa ikea kahit walang parking eh huminto pa rin sya sa tapat ng lei's. ayos! bumili ako ng 4 na lumpia. yummy lumpia dito promise! si mama ko dito pinaglihi si ate.
after sa lei's sa robinson liit kami tumuloy. bumili ako ng pang carbonara. after robinson umuwi na kami. nakipag laro sandali kay waki then nag pahinga muna kami. 6pm nag start nako magluto. carbona at pork chop ang handa ni jim. tiring day pero happy kasi marami kaming na accomplish ni jim.
Ya, Happy Birthday! We Love You!
~ kai & waki ~
Tuesday, September 23, 2008
reunion
Tuesday, September 16, 2008
JC's Birthday... Manila Ocean Park... at iba pang kwento
dahil pupunta kami sa OP at may work si jim dahilsa bookfair sa MOA binitbit ko na lang si waki sa office, duty kasi ako. ahy! wrong decision pala. di ako nakapag trabaho. ni umihi eh diko magawa, hindi nga ako nakakain hay! diko dapat pinahiram yung stroller. sana kng may stroller eh hindi sya malikot hehehe. pero ok enjoy naman magbantay kay waki. nakakapagod pero masaya.
2pm dumating sila ate. sa wakas! makakapagtrabaho na rin. timing nga kasi tumawag na rin ang traffic. nag work lang sandali then pumunta na kami sa smx sa moa. akala ko makaka alis kami agad... hindi pala. pagdating namin eh di pa rin tapos si jim. naglibot libot muna kami tapos mga after forever natapos na rin si jim hehehe. sa kenny rogers kami nag dinner. 7pm dumating na kami sa OP. ninerbiyos pa ako kasi nakapila kami ni ate para bumili ng tickets tapos biglang nag mamadali si jc pumunta sakin kasi masakit ang dibdib ni papa. hay! hay! wala pa anman akong dalang wallet di ako makabili ng water... nanghingi pako ng pera kay papa hay! hay! tinanong ko kung bakit sumakit bidbid nya... kasi daw tumakbo sya hinabol si jc... tama ba naman yun? hay! nagpahinga lang sandali then pumasok na rin sa loob. ok na rin sana kaso nainis lang ako kasi si waki ( 1 yr 3 months ) may bayad ng 350 pesos sus naman! maganda palang gabi pumunta kasi wala ng tao masyado. ganda ng pics namin.
~0~
sunday,pumunta kami ulit sa bookfair. kailangan kasi ni jim mag work. grabe daming tao sa moa. tinanaong ko si jim if dadalhin yung stroller wag na daw kasi sya na lang mag bitbit kay waki. aba naman pagdating sa smx eh nag work na sya so ako nag alaga kay waki hanggang makauwi kami. rason nya kasi mag mamaneho pa daw sya. ay sus! sana eh dinala ko na lang yung stroller. hirap kaya ang bigat ni waki eh. after smx dapat mag grocery kami kaso sa sobrang pagod tumuloy na lang kami sa house nila jim at dun nag pahinga,then nag simba afterwards. after mag simba sa may petron sa katipunan kami kumain. habang naglalakad papunta sa petron sinabihanko si jim na ilipat yung car ng dad kasi aabutan kami ng 7pm mass. hay! di nya ako sinunod. so after dinner mga 730 ayun may naka bara sa may car so hinitay pa namin matapos yung mass. para tuloy twice kaming nagsimba hehehe.
Monday, September 08, 2008
Kumusta Naman?
Aug 24- divi day namin ni ate. grabe nakakapagod! di ko na ulit uulitin yun. hirap mag byahe kasi maulan. grane nakakainis yung ibang presyo nung mga binili namin. nung birthday ni waki eh 20 pesos ko nabili susme! mgayon eh 11 pesos na lang... kainis! sana naglakad lakad pa kami ng malayo layo para nakatipid kami nung bday ni waki.
Aug 28- kita kits kaming magpipinsan (espeña side) sa trinoma. kasi e meet namin yung cousin namin na hindi namin nakita for 15 years! (ganun katagal). mga 7pm nako dumating. grabe mas malaki na sakin ngayon yung cousin A! dati eh baby pa sya nung huli kong nakita. dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari eh kaya di na kami ulit nagkita. yung mga brothers nya hindi nya kasama kasi nag aaral sa batangas. nice seeing you again cousin A. see you sa Sept 20!
Aug 30- Jihane's Party. kakainis na late ako nagising! tuloy hinid maganda yung balloon decors namin. di bale nag enjoy naman mga kids sa party. costume party syempre naghanap kami ni jim ng kakaibang costume para kay waki. buti na alng rent ako ng f1 driver suit. nilagyan na lang namin ng mga stickers para kunwari patches sya. nanalong best in costume anak ko nyahaha! sama ng loob ng iba kong cousins. heller! naka family costume kaya kami no! pero kung ako tatanungin dapat si kaimah nanalong best in costume. ang cute ng suot nya.
Sept 6- pumunta kami sa sm marikina. sus daming tao. nakakainis mamasyal. parang puro tao na lang. maliit lang yung mall. umuwi kami agad. sayang nga bibili sana ako ng gald shoes eh kaso mainit na ulo si jim. siguro next week konti na alng tao dun. baka dun na kami mag grocery. sayang ang points! hehehe
Sept 7- @15 months ngayon lang naglakad si waki hehehe. delayed! actually marunong naman before pa kaso tamad. mas gusto nyang gumapang. pero ngayon grabe nakakapagod na kasi ayaw na nyang magpakarga. gusto nya lakad lakad lang. kaso para syang lasing maglakad. gumigilid! kakatawa! hilig nya makipag habulan ang kaso biglang lumiliko hehehe. happy pa rin kami kasi sabi naman nila late talaga mga boys.
Tuesday, August 26, 2008
Mark's Birthday
Tuesday, August 19, 2008
Boy Itlog
Friends Night
click here for pics
Monday, August 11, 2008
HS Kita Kits Again and Chelsy and Sam's Birthday
~0~
sunday... kahit puyat eh pumunta pa rin kami sa sm fairview. aga namin dumating dun. sabi kasi 10am daw. almost 11 na nag start yung party. simple party lang tapos nun ride all you can na mga kids. dahil bata pa si waki eh hindi ko na sya kinuhaan ng tag kasi sayang naman. after ng party ni sam pumunta kami sa house namin sa nova. dahil sa sobrang antok eh pinaalagaan ko na lang muna si waki kay papa at ate. syempre tuwang tuwa ang lolo nya. kami ni jim eh natulog lang buong hapon. hehehe. nagising ako kasi ginising ako ni ate umiiyak kasi si waki. walang makapag patahan sa kanya. pinapunasan ko na si waki tapos nun umuwi na rin kami.
Wednesday, August 06, 2008
Shoes Tag
{Start Copy}
What's your shoe size? Are your feet the same size as your mom's feet? How about your sister's feet? Can you borrow shoes from each other?
Post a picture of your latest shoe buy.
Tag the number of women of your shoe size, i.e. size 5 = tag 5 friends. Don't forget to drop a line in this blog when you're done. :)
1. Jenny and Belle
2. SAHMdom and Beyond
3. Jacque
4. The Happy Family (Rhea)
5. 'D Sandovals
{End Copy}
my mom's shoe size - 6 1/2 - 7
my size - 6 1/2 - 7
my sister's size - 7 1/2 - 8
because my mom and i share the same shoe size i always borrow her shoes (laking savings!) but when i got married i cannot bring her shoes with me. so now i only own 5 pairs of shoes (ang konti hehehe, mas konti kay jim 3 pairs lang hehehe).
Jim's recent purchase for me is this:
Tuesday, August 05, 2008
HS kita kits and tita sol's bday
~0~
saturday dapat pupunta kami sa laguna. kaso dahilmaulan di kami natuloy. kaya namasyal na lang kami sa robinson tapos nag grocery after.
~0~
sunday birthday ni tita soli. 10am pa lang umalis na kami para bumili ng gift. 1130 dumating na kami sa COBO. dahil nung umalis kami sa bahay eh makulimlim di na namin dinala yung pang swimming namin. aba nung tanghali eh biglang umaraw. kaya yun napatawag si jim kay kuya para magpadala ng pang swimming namin. after kumain eh nag swimming na kami ni waki. nakakainis kasi mga 5mins lang eh biglang umambon! hay napaahon tuloy kami ni waki agad. after lunch nag pa bingo si tita sol. si jim at waki nanalo sila. 200 si jim tapos si waki 100. ako lang hindi nanalo. muntik pang manalo si jim ng grand prize 1 number na lang kulang nya hehehe. may singing contest pa. 500 pesos if mataasan mo yung highest score tapos 1k if maka 100 ka hehehe. sayang shy ako eh. hehehe as if naman nag score ako ng mataas hehehe. picture taking bago umalis.sabi ni mommy na may 5k daw next year yung may pinaka magandang ngiti hehehe. kaya smile to the max ako hehehe. Happy birthday Tita Soli and Tito Elmer! = )
Friday, August 01, 2008
busy weekend
Tuesday, July 29, 2008
Papa's 60th Birthday
Monday, July 28, 2008
Albert & Karen's Wedding and other kwento
Friday, July 25, 2008
TV 5 Launch - Lifehouse!!!! Astig!
Tuesday, July 22, 2008
Our Weekend Again
o Saturday samin ulit natulog sila papa. Dahil sale sa Sta Lucia niyaya ko si ate na mamasyal. Maghahanap kasi ako ng barong ni jim para sa kasal this Saturday. Dapat kaming 2 lang ni ate aalis, kaso si jc nag umarte at nabobore daw sya sa bahay. Nagpatawag ako ng tricycle eh biglang dumating kaya yun nagmamadali kaming lumabas. Pati si waki nagmamadali, akala nya kassama sya. Hehehe. Bigla ba naman nag iiyak kasi di sya nakasakay sa tricycle. Si papa naiwan kay waki para mag alaga. Hehehe.
o Hay! Sunga sunga talaga ko sa daan. Akala ko yung nearest sa sta lucia na foot bridge eh yung kulay pink na MMDA.
o Pagkarating sa sta lucia derecho kami agad sa barong section. Dahil hindi ko alam ano gusto ni jim nag ask na lang ako sa sales clerk na picturan ko na lang yung barong tapos babalikan ko na lang.
o Dahil kasama naming si jc di pwedeng hindi kami dadaan sa toy section. Madali naman kausap eh sabi ko walang bibilhin. Ikot ikot kami, naghahanap kasi ako ng basketball court para kay waki. Dahil wala kaming nakita umakyat nalang kami sa planet toys. Nagikot ikot kami. Nakakita ako ng court kaso di ko gusto yung base nya parang babagsak agad. As usual pumunta ako sa baby’s section at dun ko nakita ang pasalubong k ko kay waki. 2 in 1 walker and rider na playschool. Tagal tagal ko ng gusting bumili nun. Kasi hanggang ngayon di pa rin marunong mag lakad si waki. Im just lucky kasi sale sya. Buti na lang di ako nag bid nung 2nd hand na ganun sa ebay. 800 pesos sa ebay tapos pick up sa
o Sa BAYO kami next. Dun kami nakabili ni ate ng blouse 170 lang. sulit talaga. Tapos sa kamiseta naman kami kaso wala akong nagustuhan. Then sa bench para bumili ng pants. Binilhan ko na rin si ate ng pants nya gift ko para sa birthday nya. Tapos un umuwi na kami.
o Sunday- puyat sila kasi di sila makatulog kasi ikot ng ikot si waki. Tapos 430 nagising si waki hehehe wawa naman si papa kasi sya bumangon para makipag laro kay waki hehehe.
o Lunchtime nag defrost yung angel ko ng ref tapos nun ayaw na lumamig nung ref! hay! Siraniko talaga tong angel kong ito. Tuloy nakilagay na lang kami sa kabilang house ng mga e grocery ko.
o Merienda time nag luto kami ng pancake. Dahil wala kaming cold water nagpabili si ate ng softdrinks. Pinainom nila si waki ng royal. Nasarapan naman si wangkito hehehe.
o Dahil sa sobrang mahal ng bilihin ngayon kaya nag decide ako na ilipat
2 in 1 walker na nabili ko.
Friday, July 18, 2008
saddest night
Wednesday, July 16, 2008
absent ulit
1130 umalis kami ng kuya sa VV. sa Tayug na kami dumerecho. pag dating dun sa tayug nag aayos na yung mga taga funeral parlor. after a few mins eh nagstart na silang mag lakad papuntang church. MIL, ako and BIL R eh nag sasakyan papuntang church. nakakatawa kasi pag dating namin dun sabi ng MIL ko bakit parang iba yung sinusundan naming coffin, iba pala talaga susme! ngayon lang ako naka experience ng ganun 2 coffins sa misa. di naman sila magkamag anak. 12nn nandun na kami tapos mga almost 1pm na dumating yung pari hay! tagal. pero buti na lang nasa loob na kami lahat ng church nung bumuhos ang malakas na ulan. after nung mass meron kumanta ng "Doon Lang" fave song ni tito andoy. hay! grabe! naiiyak nako talaga kaso pinigil ko na lang. After the song nagpasalamat na si Etins (only daughter ni tito andoy) sa lahat ng nakiramay at tumulong sa kanila. tumuloy na kami sa loyola marikina. buti na lang tumila na yung ulan. pagdating namin dun nagpapa last viewing na yung pari tapos nagpasalamat ulit si Etins. e-nopen nila yung coffin para last hug and kiss si tito andoy and para sa mga gamit na ilalagay sa loob nung coffin. after nun nilibing na sya. umalis na rin kami after malibing. dumerecho kami sa riverbanks. buti na lang kasi gutom na talaga ako. di pa kasi ako naglulunch. treat kami ni MIL sa Greenwich. kwentuhan about dun sa isang brother nila na bihira magpakita sa kanila. after kumain umuwi na kami. sa shoe ave mercury drug na lang ako bumaba kasi wala na daw gatas ang mahal kong anak. nag hulog ako ng pera sa western union para kay ate kasi may sakit si jc. tapos nun umuwi nako at nakipag kwentuhan kay jim. kasi super bored na sya sa room namin. kaya pag umuuwi ako eh nakikipag kwentuhan muna ako sa kanya kahit 15mins lang. after nun bababa nako magpupunas, change clothes, kain tapos makikipag laro kay waki, watch My Girl then sleeping time na. = )
Monday, July 14, 2008
weekend updates
- sad news. last friday jim texted me that tito andoy( jim's tito mother side) died na. na sad talaga ako. i like kasi tito andoy, kamukha kasi ni waki = ) he's always present sa mga parties namin.
- saturday pumunta kami ni waki sa wake ni tito andoy.dahil hindi pa rin pwede lumabas si jim (may chickenpox). nakisabay lang kami kina kuya. pag dating namin dun dahil umuulan hindi na pinasama ni FIL si waki. pinaiwan na lang sa house nila. sus! wala pa ngang 5 mins eh narinig ko ng umiiyak si waki. natawa pa nga ako sa face ng FIL ko kasi parang gusto nya ng sumugod papunta sakin kahit umuulan kasi umiiyak si waki.
- sa house namin natulog sila papa kasi nga may sakit si waki help nila akong mag alaga. grabe di ako nakatulog hehehe. di nako sanay na katabi ko matulog mga kapatid ko. ang ingay nila matulog! joke! hehehe. sabayan pa ni waki na sobrang likot, nahulog nga sa sala buti na lang nasa baba lang yung tinutulugan ni papa at dun sya nahulog.
- na miss ata ako ng asawa ko.dahil nga may sakit sya pinag stay nya muna ako sa room usap daw kami. nag kwentuhan muna kami. hehehe. nakatakip lang bibig nya kasi baka mahawa ako sa kanya. kasi 2x a day lang kami nag kikita 1 sa umaga bago ako maligo tapos 1 sa gabi pagkarating ko. grabe namimiss ko na matulog sa bed namin. hay! sana gumaling na si jimboy...