Monday, July 28, 2008

Albert & Karen's Wedding and other kwento

last saturday wedding ng aming dear friend na si albert. sa st. ignatuis cathedral sa camp aguinaldo sila kinasal at sa AFPCOC yung reception. akala ko maaga kami makakarating kasi 2pm pa lang umalis na kami sa bahay. aysus na traffic kami sa may katipunan. kaya yun pagdating namin nandun na yung couple. pero atleast di pa nag start yung wedding. pumasok na kami ni jim sa church dun namin nakita si mark. ako umupo na at silang 2 pumila na kasi secondary sponsors silang dalawa. nag start na yung kasal nung dumating si ryan HS friend namin ni jim and ang groomsman nung kasal. sabi ko sa kanya pila na sya kasi sila na yung next na maglalakad. tinawag ko yung coordinator para papilahin na si ryan. ayos umabot sya. mga 10mins na nagstart yung wedding nakita ko naglalakad sa labas yung 3 DT. so lumabas ako para e meet sila. butina lang nasa loob na lahat nung bumuhos yung ulan. nung picture taking na ang lakas nung music di masyado marinig yung nagtatawag para sa order kung sino na susunod. kaya nung tinawag yung bridesmaid and groomsman eh di narinig ni ryan. nakakatawa kasi tinawag pa sya nung partner nya na sila na yung magpapapicture hehehe. tapos siguro di narinig masyado nila jim at mark yung nagtatawag sabi kasi "relatives of the GROOM" eh groom lang at narinig nila kaya pinapunta nila si ryan ulit sa harap. kami naman ng mga girls eh nagtataka bakit nandun si ryan.... kelan pa nya naging kamag anak si albert? yun pala nag kamali sya nyahahaha! kaya yun ang running joke nung gabing yun na lahat kamag anak ni ryan. nauna kami ni jim sa reception kasi hahatid namin sila bing at cris para makapag picture sila. so sa registration tinanong ko kung anong table number namin. table 20 daw. so pumasok nako nakita ko na may nakaupo na sa table 20, 3 silang nakaupo na. so nagbilang bilang ako di kami mag kakasya sa table kasi 10 seater lang eh 8 kami so kulang ng 1 chair. so lumabas ako para kausapin yung coordinator sabi ko kulang yung chair. sabi nya sakin papadagdagan daw nya ng chair. ganun?! 11 kaming uupo? so sinabi ko kay mark na 11 kaming uupo dun kaya yun kinausap nnya yung coordinator kaya nilipat kami ng table. 1 table kaming lahat. kainan tapos watch nung mga games tapos picture picture na. 730 ata tapos na yung program. umalis na kami kasi pupunta pa kami ng wake ng dad ni bevs. dumating kami sa christ the king ng mga 830 siguro. sabi ko kay jim mga 9pm uwi na kami hehehe. kaso nung mga 9pm dumating yung ibang classmate namin kaya yun di kami makaalis. 10pm na ata kami nakaalis. paalam namin eh magaalaga pa kasi kami ng bata hehehe. nung palabas na kami eh nagkayayaan mag papa kape si ryan kasi birthday nya nung July 25. kaya yun nag libis muna kami. sa startbucks dapat kaso puno kaya sa coffee bean na lang kami. yung kwentuhan nanaman to the max tungkol kay "Great Wall of China" and wendy. hehehe. sana maging sila kasi really nice friends magkakatuluyan parang kami ni jim hehehe. nung nagyayayaan na sana ulit umuwi biglang sabi ni ryan na dadating daw yung mga friends namin. so hinintay namin sila ulit. ayun napatagal kami lalo. 1am na nung magkayayaan ng umuwi. nagyaya pa sana mag inuman. ok sana ako kaso yung iba eh talagang gusto ng umuwi. kaya yung umuwi na lang kami. di bale nagkikita naman daw kami ulit this weekend. nakakapagod na arw pero super saya. basata may chismis masaya ako nyahahaha!!!!





No comments: