Thursday, July 10, 2008

Life

kanina nung papasok ako nagtatawag ako ng tricycle sa guard house. nung naka sakay nako bigla akong kinausap nung driver, tinatanong kung magkano daw ang lote dun samin. sabi ko diko alam ( diko naman talaga alam ) kasi binigay lang samin yung bahay. tapos bigla sya nag kwento na noong araw daw eh 200 pesos per square meter lang daw dun. (gosh! kung ngayon yan eh bibili nako ng malaking lote para sa mga kotse na ginagawang parking lot ang daanan! susme! bibili ng kotse wala namang parking naka harang sa daan dun sa subdivision namin. hehehe) tapos sabi nya na palayan daw dati yung subdivision. kahit diko sya masyadong naririnig, kasi ingay ng motor nya eh tuloy tuloy pa rin sya sa pag kwento. college graduate sya, tapos nag trabaho sa bangkobilang teller. sabi nya ang sweldo nya is 12k a month minus bawas daw na 4k a month. so mga 8k na lang nauuwi nya sa pamilya nya. kulang daw kasi hindi daw pwede 8k para makapag aral (diko narinig sino nag aaral anak ba nya o kapatid) kaya nya napag desisyonan namag byahe na lang ng tricycle. itatanong ko sana if mahigit pa sa 8k nakukuha nya kasi kung ganun pag tricycle driver ko na rin lang si jim hahahaha! joke! wala pang tax! joke ulit! hay! hirap talaga ng life ngayon.

No comments: