Monday, July 06, 2009
Amen!... Oh! Man!...
Thursday, June 25, 2009
patawa si dad...
Tuesday, May 05, 2009
sari saring kwento nung weekend
- naaliw ako kay waki. nakahiga kami sa kama tapos nag tetext ako kay ate. nung tapos nako mag mag nakita nya yung wall paper ko sa cel tapos sabi nya "lolo". nagulat ako kaya pina ulit ko sabi nya ulit "lolo" aliw! kilala na nya si papa.
- we went to mega mall last saturday. grabe nakakapagod wala naman kami halos nabili. yung pang swimming ni waki and yung pail and shovel nya. daming tao kasi nakakatamad mag magikot ikot.
- watched pacquiao and hatton's fight. nakakainis ang bilis ng laban. puro yabang lang si hatton hehehe.
- nag chat kami last sunday. nawawala si mamang. 11am na sa states di pa rin sya umuuwi. tapos nag text si ate mga 11pm na di pa rin daw nakikita si mamang (8am na sa states nun). yun pala nagtampo si mamang kay papang kasi usapan nila na babalikan nila si mamang ng 2pm eh 6pm na sila nakabalik. ayun pumunta si ammang dun sa house ng isang sister at dun nakitulog. ok na sila ngayon.
- sunday night nung pag uwi namin may aso dun sa bahay namin. sabi nung angel ko may nagbigay daw sa kanya. chihuahua yung breed nung aso. nakakatakot yung itsura nya hehehe. nakaka awa yung dog kasi ayaw kumain. pinainom na lang namin ng fresh milk. susme sana di maka sama dun sa aso.
- nakakainis! pumunta kami sa sm after manny pacquiao's fight. pagdating namin ng sm daming tao. meron kasing meet and greet mga gma artists. bumili ako ng surf shoes ni waki. dahil mag 5pm na nagmamadali ako. nung siniukat ko kay waki yung shoes sa right foot nya at nag kasya binayaran ko na agad. di ko na check na mag kaiba ng size yung sapatos! nakakainis kasi magkakabit yung shoes. ang siste yung resibo nadun sa skateboard ni jc. hay! buti na lang at sa sm nag wowork ang BIL ko kaya baka pwede paki usapan na to follow yung resibo.
- monday tinawag namin sa guard house na baka may naghahanap nung aso. sabi ko pa nga kay jim pag walang kumuha within 7 days amin na yung dog hehehe. binilhan pa namin ng food kasi ayaw kumain. natatakot ako baka mamatay samin yun dog. pag uwi namin monday night may naka post na sa bulletin board. tinanong ko yung guard if sinabi nila na nasamin yung aso di daw kasi di naman sya yung sinabihan nung nag hahanap eh nung tinanong ko sya kung sino yung nag post sabi nya sa kanya daw nag paalam yung nag post nung "lost dog" ang labo kausap ni kuya! pinatawagan namin yung naghahanap nung aso. nakakatawa kasi nauna pa sila samin dunmating. pag dating namin nandun na sila sa harap nung bahay namin. nakaka aliw kasi nung nakita nung dog yung babae (yung amo nya) tuwang tuwa yung dog (siguro sa loob loob nung dog "sa wakas makakakain nako ng masarap na food!" hehehehe) "giorgio" yung name nung dog. 2 houses away lang si giorgio nakatira samin. gabi daw nung nakalabas si giorgio. nakakatuwa yung amo nung nakita nya yung dog sabi nya "giorgio! sya nga! sya nga!" parang ang tagal nilang di nag kita hehehe. pati yung mga anak nya na nasa car eh tuwang tuwa.
Monday, April 27, 2009
nova weekend
pagdating namin sa nova nag almusal muna kami. tapos eh naglaro na sa at tumambay na lang kami sa bahay. si waki enjoy na enjoy sa paghabol ng mga chickens ni papa. yung kapitbahay nga namin pinakita kay waki yung rabbit nila. akala ko matatakot si waki, pero hindi hinawakan nya hehehe medyo hard pa nga pag hawak ni waki hehehe. tuwang tuwa di si waki sa broom broom nya. actually yung broom broom na yun eh yung regalo ko kay jc nung 6th birthday nya. dahil bigboy na si jc kaya binigay na lang kay waki. nakakatawa pa nga kasi ang init init sa may garahe eh kaso dun lang yung maluwang na space na pwede mag broom broom si waki. kaya ginawa ni papa para sa kanyang paboritong apo eh pinayungan habang nag lalaro si waki ng broom broom. hehehe.
after lunch nag latag kami ng banig, foam at duyan sa may sala at tigisa kaming electric fan magkakapatid hehehe. di naman kami nakatulog kasi nag kwentuhan lang kami. si waki nasa kwarto kasama lolo nya dun sila natulog. we ordered greenwich pizza pang merienda. after merienda nag basketball si waki at jc sa tapat ng bahay. 530 tumawag si jim uwi na lang daw kami sa bahay kasi di kami magsisimba.
next week ulit! ate pagaling ka na = )
Friday, April 17, 2009
thank you
Wednesday, April 15, 2009
appendectomy
9am na inakyat si ate (grabe 12 hrs syang nasa rr susmio!) ok naman operation. naka lakad at naka utot na sya agad kaya pinayagan ng mag clear liquid diet (jello and water only). its the first time na diko katabi si waki matulog. di ako nakatulog namimiss ko ang amoy ng aking anak hehehe. umuwi ako ng bahay 5pm na kinabukasan. ok na si ate baka tom maka uwi na sya. 2 weeks syang naka bakasyon.
Monday, April 13, 2009
holy week
palm sunday - my birthday sa house lang.
holy monday - sm moa. ate at aling (i forgot the name nung lutuan). my mil's birthday. (yup magkasunod kami ng birthday). nakita pa namin si kapitan boom hehehe.
holy tuesday and holy wednesday- sa office. halfday dapat ng wednesday kaso daming ginawa kaya parang whole day pa rin ako. kasi pag diko natapos yung work ko eh papapasukin pako ng saturday.
maundy thursday - my first time na mag bisita iglesia. ganun pa yun hehehe. nakakatawa kasi yung unang plan is to visit 14 churches sa laguna. my fil have listed mga churches to visit. come thursday na late kami ng alis kasi wala kaming angels (yup pinag bakasyon ko yung 2 angels ko) kaya natagalan kaming umalis. we're suppose to leave at 7am. we left manila 9am na hehehe. sa likod kami dumaan (antipolo) ang traffic. dumating kami ng laguna 11am na. dahil sa traffic na cut down into 7 churches na lang ang pupuntahan namin. 1st church is yung sa pakil, laguna. nice small church. daming tao. ganun pala yung nag pray sa bawat station (yun pala yung bisita iglesia) after my mil prayed sa 3 stations umalis na kami. next church dapat is paete. maganda daw dun kasi madaming santo yung church. kaso sa kasamaang palad naligaw kami. ewan ko ba kasi ginawa nila lahat na one way kaya yun naligay tuloy kami. dahil nag 12 na nag decide si fil na kakain muna kami sa exotik resto. naku buti na lang at super puno yung resto. eh gutom pa naman ako tapos yung pinag uusapan nilang kakainin eh frog ewwwww! diko nga mahawakan yung frogs tapos kakainin ko pa. hehehe. dahil di namin nakita yung paete church (sayang talaga) dumurecho na lang kami sa pagsanjan church. dahil sa gutom at ang likot na ni waki di na kami nakasama sa loob ng church. si mil na lang nag pumasok at kami nag hanap na lang kami ng resto kung saan kami pwede kumain. after lunch derecho na kami sa majayjay church. nice big church. dito tinapos na ni mil lahat ng station of the cross kasi malabo na umabot kami sa nagcarlan ng 3pm. after sa majayjay derecho na kami sa house ni tito mario. dito na nag enjoy si waki kasi may kalaro na sya. wala silang ginawa kundi nagtatakbo. tiningnan pa namin yung mga hamsters. grabe ang daming hamsters ibat ibang breeds pa. si waki di tapos ako di talaga ako lumapit. mga 5pm umuwi na kami. dumaan muna kami sa bae to buy monay. dahil traffic nag dinner na kami sa rsm sa pansol para derecho na ng uwi. pagkauwi sa bahay binaba lang ni jim lahat ng gamit tapos umalis ulit para isauli na yung sasakyan. so naiwan kaming 2 ni waki sa bahay. at ito ang nakakainis na nangyari. nasa may kusina kami iinom sana ako ng water tapos bigla na lang narinig ko si waki nag "psst! psst!" waaaaa!!!!! naalala ko yung sa commercial ng T2 nyahahaha! kaya yun binuhat ko si waki at nagmamadali kaming lumabas ng bahay. nyahaha... kaya nagulat si jim kasi nasa labas kaming 2 ni waki at bukas lahat ng ilaw sa bahay. hehehe.
good friday - sa bahay lang kami. dahil siguro sa pagod sa byahe nung thursday late na kami nagising. natulog lang kami buong araw. kinagabigan naisip ni jim na pumunta sa house nila. makiki internet kami. nakakatawa kasi pagdating namin dun kumpleto silang magkakapatid. 10pm na akmi nakauwi. di rin kami nakapag internet kasi naglaro silang magkakapatid ng star craft ba yun.
black saturday - 10am excited na si jim. bukas na daw kasi ang mall. excited sya kasi baka dumating na yung xbox nya. tumawag sya nga 1130 all smile sya kasi dumating na daw ang package from mother dear. kaya pag ka lunch eh umalis na kami para pumunta sa johnny air mega mall. wala pa kaming 10 mins umalis na din kami bitbit ang package nya. derecho kami sa ml kwarta padala para magpadala ng money sa aking 1 angel. 330 dumating kami sa cobo resort. dito ako minalas. di kasi ako nakapag swimming kasi meron akong monthly visitor. habang nag swimming si jim hawak ko si waki. nilagay ko yung camera sa lapag diko napansin na sumabit pala sa paa ni waki yung strap ng camera kaya yun pag buhat ko kay waki sumama yung camera nahulg sa pool. susmio! halos lumuwa mata ko nung nakita ko yung camera sa pool. kaya wala akong ma post na pic kasi wala kaming cam huhuhu sana hindi nasira.
easter sunday - sa bahay lang din kami. dumating na 1 angel namin kaya meron ng magluluto yehey! sila ate at jc lang dumating sa bahay. wala si papa may pinuntahan daw. 4pm umuwi na sila kasi aalis na kami. birthday kasi ni nadine. nag easter egg hunt kami. nag enjoy si waki makipaglaro sa mga cousins nya at nga neighbors namin.
Tuesday, April 07, 2009
three decades...
Friday, February 13, 2009
friday the 13th
Wednesday, February 11, 2009
preschool
Friday, November 21, 2008
Pahirap ng Pahirap...
Monday, October 06, 2008
PBA
well for the first time na nanood ako ng pba na hindi kinakabahan. dati kasi nung nasamin pa yung pba ayaw na ayaw ko manood. kasi sumasakit ulo sa nerbiyos. kasi halos ma memorize ko mga commercial na ipapalabas, so pag may nilipat sila bigla akong na stress kasi akala ko na na miss yung commercial hehehe. pero last sunday nag enjoy ako sa panonood. stress free nyahaha!
so sa bagong pba traffic i wish you luck. uminom ng madaming stresstabs! = )
Tuesday, August 05, 2008
HS kita kits and tita sol's bday
~0~
saturday dapat pupunta kami sa laguna. kaso dahilmaulan di kami natuloy. kaya namasyal na lang kami sa robinson tapos nag grocery after.
~0~
sunday birthday ni tita soli. 10am pa lang umalis na kami para bumili ng gift. 1130 dumating na kami sa COBO. dahil nung umalis kami sa bahay eh makulimlim di na namin dinala yung pang swimming namin. aba nung tanghali eh biglang umaraw. kaya yun napatawag si jim kay kuya para magpadala ng pang swimming namin. after kumain eh nag swimming na kami ni waki. nakakainis kasi mga 5mins lang eh biglang umambon! hay napaahon tuloy kami ni waki agad. after lunch nag pa bingo si tita sol. si jim at waki nanalo sila. 200 si jim tapos si waki 100. ako lang hindi nanalo. muntik pang manalo si jim ng grand prize 1 number na lang kulang nya hehehe. may singing contest pa. 500 pesos if mataasan mo yung highest score tapos 1k if maka 100 ka hehehe. sayang shy ako eh. hehehe as if naman nag score ako ng mataas hehehe. picture taking bago umalis.sabi ni mommy na may 5k daw next year yung may pinaka magandang ngiti hehehe. kaya smile to the max ako hehehe. Happy birthday Tita Soli and Tito Elmer! = )
Tuesday, July 22, 2008
Our Weekend Again
o Saturday samin ulit natulog sila papa. Dahil sale sa Sta Lucia niyaya ko si ate na mamasyal. Maghahanap kasi ako ng barong ni jim para sa kasal this Saturday. Dapat kaming 2 lang ni ate aalis, kaso si jc nag umarte at nabobore daw sya sa bahay. Nagpatawag ako ng tricycle eh biglang dumating kaya yun nagmamadali kaming lumabas. Pati si waki nagmamadali, akala nya kassama sya. Hehehe. Bigla ba naman nag iiyak kasi di sya nakasakay sa tricycle. Si papa naiwan kay waki para mag alaga. Hehehe.
o Hay! Sunga sunga talaga ko sa daan. Akala ko yung nearest sa sta lucia na foot bridge eh yung kulay pink na MMDA.
o Pagkarating sa sta lucia derecho kami agad sa barong section. Dahil hindi ko alam ano gusto ni jim nag ask na lang ako sa sales clerk na picturan ko na lang yung barong tapos babalikan ko na lang.
o Dahil kasama naming si jc di pwedeng hindi kami dadaan sa toy section. Madali naman kausap eh sabi ko walang bibilhin. Ikot ikot kami, naghahanap kasi ako ng basketball court para kay waki. Dahil wala kaming nakita umakyat nalang kami sa planet toys. Nagikot ikot kami. Nakakita ako ng court kaso di ko gusto yung base nya parang babagsak agad. As usual pumunta ako sa baby’s section at dun ko nakita ang pasalubong k ko kay waki. 2 in 1 walker and rider na playschool. Tagal tagal ko ng gusting bumili nun. Kasi hanggang ngayon di pa rin marunong mag lakad si waki. Im just lucky kasi sale sya. Buti na lang di ako nag bid nung 2nd hand na ganun sa ebay. 800 pesos sa ebay tapos pick up sa
o Sa BAYO kami next. Dun kami nakabili ni ate ng blouse 170 lang. sulit talaga. Tapos sa kamiseta naman kami kaso wala akong nagustuhan. Then sa bench para bumili ng pants. Binilhan ko na rin si ate ng pants nya gift ko para sa birthday nya. Tapos un umuwi na kami.
o Sunday- puyat sila kasi di sila makatulog kasi ikot ng ikot si waki. Tapos 430 nagising si waki hehehe wawa naman si papa kasi sya bumangon para makipag laro kay waki hehehe.
o Lunchtime nag defrost yung angel ko ng ref tapos nun ayaw na lumamig nung ref! hay! Siraniko talaga tong angel kong ito. Tuloy nakilagay na lang kami sa kabilang house ng mga e grocery ko.
o Merienda time nag luto kami ng pancake. Dahil wala kaming cold water nagpabili si ate ng softdrinks. Pinainom nila si waki ng royal. Nasarapan naman si wangkito hehehe.
o Dahil sa sobrang mahal ng bilihin ngayon kaya nag decide ako na ilipat
2 in 1 walker na nabili ko.
Friday, July 18, 2008
saddest night
Wednesday, July 16, 2008
absent ulit
1130 umalis kami ng kuya sa VV. sa Tayug na kami dumerecho. pag dating dun sa tayug nag aayos na yung mga taga funeral parlor. after a few mins eh nagstart na silang mag lakad papuntang church. MIL, ako and BIL R eh nag sasakyan papuntang church. nakakatawa kasi pag dating namin dun sabi ng MIL ko bakit parang iba yung sinusundan naming coffin, iba pala talaga susme! ngayon lang ako naka experience ng ganun 2 coffins sa misa. di naman sila magkamag anak. 12nn nandun na kami tapos mga almost 1pm na dumating yung pari hay! tagal. pero buti na lang nasa loob na kami lahat ng church nung bumuhos ang malakas na ulan. after nung mass meron kumanta ng "Doon Lang" fave song ni tito andoy. hay! grabe! naiiyak nako talaga kaso pinigil ko na lang. After the song nagpasalamat na si Etins (only daughter ni tito andoy) sa lahat ng nakiramay at tumulong sa kanila. tumuloy na kami sa loyola marikina. buti na lang tumila na yung ulan. pagdating namin dun nagpapa last viewing na yung pari tapos nagpasalamat ulit si Etins. e-nopen nila yung coffin para last hug and kiss si tito andoy and para sa mga gamit na ilalagay sa loob nung coffin. after nun nilibing na sya. umalis na rin kami after malibing. dumerecho kami sa riverbanks. buti na lang kasi gutom na talaga ako. di pa kasi ako naglulunch. treat kami ni MIL sa Greenwich. kwentuhan about dun sa isang brother nila na bihira magpakita sa kanila. after kumain umuwi na kami. sa shoe ave mercury drug na lang ako bumaba kasi wala na daw gatas ang mahal kong anak. nag hulog ako ng pera sa western union para kay ate kasi may sakit si jc. tapos nun umuwi nako at nakipag kwentuhan kay jim. kasi super bored na sya sa room namin. kaya pag umuuwi ako eh nakikipag kwentuhan muna ako sa kanya kahit 15mins lang. after nun bababa nako magpupunas, change clothes, kain tapos makikipag laro kay waki, watch My Girl then sleeping time na. = )
Monday, July 14, 2008
weekend updates
- sad news. last friday jim texted me that tito andoy( jim's tito mother side) died na. na sad talaga ako. i like kasi tito andoy, kamukha kasi ni waki = ) he's always present sa mga parties namin.
- saturday pumunta kami ni waki sa wake ni tito andoy.dahil hindi pa rin pwede lumabas si jim (may chickenpox). nakisabay lang kami kina kuya. pag dating namin dun dahil umuulan hindi na pinasama ni FIL si waki. pinaiwan na lang sa house nila. sus! wala pa ngang 5 mins eh narinig ko ng umiiyak si waki. natawa pa nga ako sa face ng FIL ko kasi parang gusto nya ng sumugod papunta sakin kahit umuulan kasi umiiyak si waki.
- sa house namin natulog sila papa kasi nga may sakit si waki help nila akong mag alaga. grabe di ako nakatulog hehehe. di nako sanay na katabi ko matulog mga kapatid ko. ang ingay nila matulog! joke! hehehe. sabayan pa ni waki na sobrang likot, nahulog nga sa sala buti na lang nasa baba lang yung tinutulugan ni papa at dun sya nahulog.
- na miss ata ako ng asawa ko.dahil nga may sakit sya pinag stay nya muna ako sa room usap daw kami. nag kwentuhan muna kami. hehehe. nakatakip lang bibig nya kasi baka mahawa ako sa kanya. kasi 2x a day lang kami nag kikita 1 sa umaga bago ako maligo tapos 1 sa gabi pagkarating ko. grabe namimiss ko na matulog sa bed namin. hay! sana gumaling na si jimboy...
Thursday, July 10, 2008
Life
Friday, July 04, 2008
dahil na bored ang nanay...
Wednesday, June 11, 2008
bullet post
- Waki's 1st birthday (May 30) sa house lang kami nag celebrate. ate cooked spaghetti. may mini candle blowing lang.
- Waki's Birthday Party (May 31) held it sa resort ng cousin ni jim. saya ng party, akala ko di mageenjoy si waki pero nung makita nya si Spongebob ahy! priceless talaga ang tuwa ng anak ko.
- June 1. napagkasunduan namin ni jim na after the party eh lalabas kaming 3. we went to ark avilon (will post pics soon), fun ranch, tiendesitas at SM pasig. hehehe. Di sulit ang 200 pesos sa ark avilon. ang konti ng animals at most of them eh tulog nung dumating kami (afternoon siesta hehehe)
- June 7, dinner with cousins kasi dumating si storky. i got na yung learn and groove drum ni waki. thanks very much storky!
- June 8, flu vaccine kami ni jim. ayaw ni tita sol na sya mag inject kay waki so bumili na lang kami ng vaccine sa kanya and the pedia will inject. dinner again with storky and hosalla clan kasi birthday ni stork. im not feeling well na kasi dahil daw sa vaccine... hehehe... feeling ko lalagnatin ako.
- June 9, holiday dahil sa June 12. stayed lang sa bahay kasi im not feeling well at parang may ubo si waki. nag linis kami ng bahay. sorted our clothes yung mga itatago at ipamimigay. asked my angel #1 to fold again yung mga damit na ipamimigay. my goodness! hindi ko alam kung ako may kulang sa sinabi ko or mahina lang talaga sya. after folding our clothes binalik nya ulit sa cabinet! hay! my gulay! i have to sort it again tuloy.
- june 13-15 nasa bora mga cousins ko waaaaaaaaa!!!!!!!!! ako lang naiwan dito waaaaaaaaaaa!!!!!!!! hehehe joke! i have work kaya di ako pwede sumama ang i cant leave my baby waki for 3 days.
- june 13, fiesta sa tayug. had dinner sa house ng in laws ko. maaga pa lang sinabi ko kay jim na umuwi sya ng maaga kasi sunduin nya si waki plus the 2 angles para to help sa house ng in laws. sabi nya wag na daw kasi wala naman bisita. hehehe yun akala ni jim pagdating namin dun may bisita sila. so no choice ako but to wash the dishes. hehehe. ok lang yun lang naman house hold chores that i love to do.
- june 14, duty ako. nagmamadali akong umuwi kasi manonood kami ng wanders. sus! sana hinintay ko na lang sila sa office ko kasi dun din sila dumaan. nagpagod pako. hehehe. waki enjoyed the show, specially the girls wearing bikini hahaha! maybe beacause shiny yung clothes nila aliw na aliw si waki na tingnan sila. we saw Gabby Concepcion pa sa Wanders. nagpa souvenir pic pa kami 100 per shot. ( i have to scan pa para ma post ko) nakipagtalo pako sa girl who's in charge of seating arrangement. kasi she kept on asking us to move kasi para ma accomodate yung mga bagong dating. i kept on saying to her na may nakaupo dun sa 2 seats na bakante pinilit pa rin nya na paupuin dun yung mga bagong dating. hay! i really dont know if di nya ako naiintindihan or ayaw nya kaming intindihin. kaubos ng dugo! heller kayo ang kulang ang seats hindi kami ang sobra. sinabihan pako na kandungin ko anak ko eh heller!@#$% may sariling ticket anak ko no. kainis talaga.
- june 15, fathers day. kakain sana kami sa rairai ken sa ble wave kaso masama pakiramdan ni ate kaya umuwi na lang sila at nag simba kami nila jim at waki. had dinner at outback. never liked eating there. feeling ko di sapat yung servings nila for its price. because its fathers day meron free picture from digiprint (hiramin ko kay mil yung pic para ma scan and ma post ko dito) and daddies got a bag. cute! belated happy fathers day to all!!!!






