Tuesday, July 22, 2008

Our Weekend Again

o Saturday samin ulit natulog sila papa. Dahil sale sa Sta Lucia niyaya ko si ate na mamasyal. Maghahanap kasi ako ng barong ni jim para sa kasal this Saturday. Dapat kaming 2 lang ni ate aalis, kaso si jc nag umarte at nabobore daw sya sa bahay. Nagpatawag ako ng tricycle eh biglang dumating kaya yun nagmamadali kaming lumabas. Pati si waki nagmamadali, akala nya kassama sya. Hehehe. Bigla ba naman nag iiyak kasi di sya nakasakay sa tricycle. Si papa naiwan kay waki para mag alaga. Hehehe.

o Hay! Sunga sunga talaga ko sa daan. Akala ko yung nearest sa sta lucia na foot bridge eh yung kulay pink na MMDA. Mali pala ako hehehe. Dapat dun kami dumaan sa isa. Inis tuloy si ate sakin kasi hilong hilo sya sa pagtawid sa foot bridge. Eh niloloko pa naming ni jc na ayaw naming sya hawakan.

o Pagkarating sa sta lucia derecho kami agad sa barong section. Dahil hindi ko alam ano gusto ni jim nag ask na lang ako sa sales clerk na picturan ko na lang yung barong tapos babalikan ko na lang.

o Dahil kasama naming si jc di pwedeng hindi kami dadaan sa toy section. Madali naman kausap eh sabi ko walang bibilhin. Ikot ikot kami, naghahanap kasi ako ng basketball court para kay waki. Dahil wala kaming nakita umakyat nalang kami sa planet toys. Nagikot ikot kami. Nakakita ako ng court kaso di ko gusto yung base nya parang babagsak agad. As usual pumunta ako sa baby’s section at dun ko nakita ang pasalubong k ko kay waki. 2 in 1 walker and rider na playschool. Tagal tagal ko ng gusting bumili nun. Kasi hanggang ngayon di pa rin marunong mag lakad si waki. Im just lucky kasi sale sya. Buti na lang di ako nag bid nung 2nd hand na ganun sa ebay. 800 pesos sa ebay tapos pick up sa paranaque. Kung nagkataon eh lugi pa kami.

o Sa BAYO kami next. Dun kami nakabili ni ate ng blouse 170 lang. sulit talaga. Tapos sa kamiseta naman kami kaso wala akong nagustuhan. Then sa bench para bumili ng pants. Binilhan ko na rin si ate ng pants nya gift ko para sa birthday nya. Tapos un umuwi na kami.

o Sunday- puyat sila kasi di sila makatulog kasi ikot ng ikot si waki. Tapos 430 nagising si waki hehehe wawa naman si papa kasi sya bumangon para makipag laro kay waki hehehe.

o Lunchtime nag defrost yung angel ko ng ref tapos nun ayaw na lumamig nung ref! hay! Siraniko talaga tong angel kong ito. Tuloy nakilagay na lang kami sa kabilang house ng mga e grocery ko.

o Merienda time nag luto kami ng pancake. Dahil wala kaming cold water nagpabili si ate ng softdrinks. Pinainom nila si waki ng royal. Nasarapan naman si wangkito hehehe.

o Dahil sa sobrang mahal ng bilihin ngayon kaya nag decide ako na ilipat sana si waki ng milk. Kasi ba naman yung 1.6kg na gatas eh 1 week lang hay! Eh 880 yung 1 lata. Hay! Ulit. Kaya yun bumili ako ng small box ng anchor 1+ yun lang kasi nakita kong vanilla flavor. Ang kaso nakita ni MIL yung karton ng gatas. Tinanong ako ngayon bakit anchor 1+ dun. Syempre sinabi ko totoo na mahal masyado yung enfagrow. Bigla ba naman ako sinabihan na wag ko daw e diet yung apo nya. Eh di ko naman dinadiet eh. Balak ko lang palitan ng milk. Pihado next week may dala dala ng gatas yun pag punta sa bahay naming hehehe.



2 in 1 walker na nabili ko.

1 comment:

jan celiz-magtoto said...

hi! nakita ko nga yung multiply photos mo ng lifehouse. kaiinggit kaya yun no kase ang lapit mo and mas personal! san ba yun?