Tuesday, January 06, 2015

Achieve!

achieve! ako kahapon (Jan 5) naka uwi ako ng 6pm.saya ko lang kasi bihira samin ang umuwi ng 6pm. thankful ako kasi hindi gaano mahaba pila pauwi. by 7:45 nasa ligaya nako. nabutan ko pa mga bata na gising at natulungan ko pa si kuya gumawa ng assignment nya. sana everyday ganito. :)

Saturday, January 03, 2015

longtime no post

Im back. Naisip ko na mag blog ulit. Parang diary ko na rin. Para mailista ko ang mga bagay bagay na nangyari sakin/samin.

Thankful ako today kasi nakapag laro ng basketball si kuya. Sobrang happy sya kasi matagal na nyang gusto na maglaro sa may playground kaso laging may naglalaro. Kanina pinasali sya nung mga bata kaya sobrang happy sya.


Sunday, August 25, 2013

Waki anecdotes

While having breakfast....

W: mommy i want garlic bread from lola pops (J's tita na walang hubby). Its soo yummy.
K: ok i'll ask lola san nya yun binili
W: mommy how come there's no lolo pops?
K: ask daddy

Anak ng tokwa pano ko naman yan sasagutin.

--–------------

Kanina after mag grocery, sa loob ng car kumakain kami ng ice cream

W: tatay i cannot open the gate kasi im eating ice cream
J: eat fast para you could open the gate
W: i can't Jek gave me daming ice cream it's large
K: who's Jek? (Diko ko talaga kilala)
W: Jek is the one in mcdo who gave me the ice cream!

Taray anak close kayo? First name basis talaga?

Monday, December 14, 2009

aw-aw eyes

hay! grabe talaga kahapon. akala ko eh mapapa anak ako sa nerbiyos. nasa kabilang house kami kasi may party. nasa garahe kami waiting for other guests to arrive. si waki gusto din umupo kasi yung chair nila folding kaya sabi ko wag na sya umupo. eh makulit, pumunta sya dun sa kabilang dulo ng table at hila yung chair na hindi folding. dahil maliit lang yung space hindi kasya yung chair nung hinihila na sya. sabi ko kay jim tulungan si waki kunin yung chair. tumayo si jim dun sa chair na inuupuan nya. ang bilis nung pangyayari diko nakita nasa likod pala ni jim si waki naka sabit dun sa chair. narinig ko na lang si FIL na sabi "yung bata" tapos yun umiiyak na si waki nung nakita ko. nalaglag! hay! tapos nabagsakan pa nung chair. nakakainis!

nung lumapit ako sabi ni jim dumudugo yung ulo. hay! dun na sumakit yung tyan ko feeling ko manganganak ako. kinuha ko si waki dun ko nakita na yung talukap nung mata nya yung na sugat, yun yung dumudugo hindi yung ulo na kasi hindi naman tumama yung ulo nya sa floor. so nilagyan ko ng pressure yung sa eyes nya. iyak ng iyak si waki. "mommy wawa waki" yan palagi nya sinasabi. tinatanong ko kung awaw head hindi daw eyes lang awaw. kaya yun umuwi muna kami kasi pag pinapansin nya ng ibang tao iyak sya ng iyak. pina check ko muna sa BIL kong doctor. dahil wala kaming betadine eh sabunan ko na lang daw. ayun umuwi na lang kami. grabe nakaka awa talaga. sabi ko nga sana ako na lang yung nalaglag. hay! ang sakit talaga sa damdamin pag nakikita mo yung anak mong nasasaktan.

nung bumalik kami sa party pinasuot ko na lang sya ng shades para di mapansin yung eyes nya. kasi pag may pumapansin naaalala nya yun iiyak nanaman. ok na sya ngayon. medyo namamaga lang pero ok na sya. makulit at magana pa rin kumain.

Monday, December 07, 2009

helpful waki

last Sunday nag dinner kami sa eastwood kasi pre birthday celebration ng daddy. nung naka park na kami sa eastwood mall nagulat ako sa ginawa ni waki. tinulungan ko sya bumaba ng crv kasi mataas di nya kayang bumaba mag isa. tapos nung naka baba na sya pumunta sya sa lola nya para tulungan bumaba. as in kusang loob nyang tinulungan lola nya. tawa kami ng tawa ni jim kasi niloloko namin ang mommy na nagbabayad "utang" na si waki sa kanya hehehe worth 1M na yun hehehe joke = ). pero proud talaga kami sa anak namin kasi nag kukusa na talaga. big boy na.

Thursday, December 03, 2009

big boy

kagabi nasa taas na kaming 3 ng biglang sumakit ulo ni ni dad. inuutusan ako ni dad na bumaba at kumuha ng biogesic. eh dahil buntis ako tinatamad akong bumaba. kaya inutusan ko na lang si waki na bumaba. gumawa muna ako ng sulat para sa aking angel at padalhan si waki ng 1 biogesic at 1 yakult at ilagay sa supot. buti na lang at masipag itong anak kong mag panik panaog sa hagdan hehehe. pagkabigay ko ng sulat ayun bumaba na agad. ilang sandali lang nasa taas na ulit may dalang supot. hay! big boy na talaga anak ko nauutusan na. = )

Monday, November 23, 2009

celphone

saturday morning naunang nagisning si waki. nakita ko na lang na nilalaro nya yung celphone ko. sa kakalaro nya nahulogsa gilid ng kama ang celphone ko. so kunwari umiyak ako sabi ko wawa mommy wala ng celphone, waki please get mommy's celphone. akala ko gagapang sya sa ilalim ng bed namin para kunin yung cel ko. ang ginawa nya kinuha nya yung curtain rod na pangharang namin sa door tapos yun yung pinang kuha nya ng celphone ko sa ilalim ng kama. na amaza talaga kaming magasawa kasi wala naman nagturo sa kanya na yun ang gawin. big boy na talaga anak namin. = )