Saturday, July 07, 2018

Easy Soft shoes

Lahat na ata ginawa ko para magmukhang bago ulit ang shoes ng mga anak ko. EasySoft ng World Balance ang pinapagamit ko sa kanila. Kasi itong lang ang tumagal sa paa nila. Ang problema ko lang dito eh ang bilis dumumi. Nag search ako sa net nakita ko olive oil, baby oil at tire black. Lahat yan ginawa ko pero ganun pa rin di nag mukhang bago ang sapatos nila. Kaya nung bumili kami ng new shoes ni M tinanong ko yung sales manager nung shop ano gamit nila para kumintab yung shoes. Sabi nya tire black or petroleum jelly sabay pakita sakin nung petrolejm jelly. So bumili ako kahapon at ngayon sinubukan ko if magmumukhang bago ang mga sapatos. Aba! Di ako niloloko ni kuya. Mukha ngang bago ulit ang nga shoes nila. Sayang diko nakunan ng before ko nilagay yung petroleum jelly. Sana tumagal ang shine nung shoes.