Monday, April 28, 2008

no more gummy smile

yes no more gummy smile for my baby waki. kasi lumabas ng yung ipin nya! yehey! 1 pa lang lumalabas. kaya siguro eh nagtatae sya at masungit siguro masakit/makati yung gums nya.

bad news nga

hay bad news nga. tumawag ulit yung tita ni jim sa kanya nung friday. meron ngang naka book sa resort same day samin. so parang lumalabas eh ma bump off kami. its either we move ng date or early morning kami mag party. so no more swimming party for us. so sad naman. oh well ganyan talaga life.

Friday, April 25, 2008

bad news... wag naman sana...

hay! hay! may bad news sakin si jim kagabi. nauna kasi syang umiwi sakin kahapon. sa santolan station na lang kami nagkita. galing sya sa house nila. dun nag start yung bad news... sabi ko kasi sa kanya na tawagan yung cousin nya na if pwede kaming pumunta dun sa resort nila to check the place. last january kasi nag pa reserve kami sa cousin ni jim. dun namin balak sana e celebrate ang 1st birthday ni waki. dahil wala pala yung cousin ni jim nasa hongkong dun na lang kami nagpaalam sa mom nung cousin nya. yun na dun na nalaman na may ibang nag pa reserve same date namin. oh my! eh 1 month na lang eh birthday na ni waki. saan kami hahanap ng bagong venue? nakaka broke talaga ng heart. mamaya pa namin malalaman kung sino talaga naunang nag pa reserve. hay! sana kami.

Wednesday, April 23, 2008

Samu't Saring Kwento

hay! ang hirap mag update ng blog. hindi naman ako ganun ka busy. tinatamad lang ako kasi bagal ng internet dito sa office.

April 13 - birthday ni nadine. late kami! susme! nasa kabilang street na nga lang na late pa kami. tulog pa kasi si waki kaya nakatulog din kami ni jim hehehe.
April 19 - ito madamng nangyari sa araw na ito. first..... nagpagupit na kami ni jim! hay! after 2 years (ako) at 3 years (si jim) nagpagupit na rin kami sa wakas. maaga pa lang ginising ko na si jim. sabi ko magpagupit na kami kasi ang init na at magastos na sa shampoo ang mahabang buhok. salamat naman at pumayag sya. so 9am pumunta na kami sa reyes. ako muna nagpagupit trim lang ng 6 inches hehehe. nung tapos nako si jim naman. sabi ko kung sure na ba sya na magpagupit. oo daw. kaya yun ginupitan na sya labas tenga! hehehe. yung hair nga ni jim tinabi nung taga gupit. siguro ibebenta nya yun. kasi nung tinanong ko if may kilala syang gumagawa ng wig wala daw. pero feeling ko ibebenta nya yun kasi maganda hair ni jim straight tapos black na black talaga ang kulay. after magpagupit umuwi kami pahinga ng kaunti tapos ligo then punta na sa bday party ni miguel. sa kabilang street lang naman yung party pero maaga na kami kasi may isa pang party kaming pupuntahan. saya nung party. simple lang pero enjoy naman. mga 430 umalis na kami kasi pupunta naman kami sa valle verde. 7th bday ng anak ng officemate ni jim na kapitbahay din namin. naku! akala ko eh magiiyak si waki kasi maingay sa party. aba! nag tatalon ba naman at nag enjoy sa music. hyper na hyper si waki nung party. kaya yun after the party sa car pa lang eh tulog na. napagod sa kakatalon. hehehe.

pics nung party sa multiply site namin.



before our haircut


ito na hair ko ngayon


ito naman si jim

Tuesday, April 15, 2008

Stand Up!

yehey! marunong na si waki tumayo sa crib nya. hehehe. kahapon kasi hindi ako pumasok kasi sakit ng ulo ko. napuyat kasi ako kakabasa ng hp7. tapos nung bumaba ako nakipaglaro muna ako kay waki. sobrang likot na ni waki kaya nilagay ko sya sa crib. sabi ng angel ko marunong na daw tumayo. ayun nung nilapag ko eh ilang sandali lang eh tumayo na sya at nag lakad while holding sa crib. ang galing! sayang nga di ko nakuhaan ng video. tapos nung dumating si jim pinakita ko sa kanya. tuwang tuwa naman si jim. = )

~0~

last night nagising si jim kasi kinagat daw sya ng lamok. sabi nya nakita nya rin na dinapuan si waki nung lamok buti na lang eh napatay nya yung lamok. kaya kaninang umaga hinanap ko yng kulambo ni waki, kaso hindi na sya kasya! lagpas lagpas na yung paa nya. yung isa naman na kulambo eh ayaw nya dun kasi para syang nakakulong sa loob. kaya naghanap ako ng ibang pwedeng ikulambo. may binili ako dati sa sm pero para yun dun sa crib sa baba, kaya di din pwede. after nahalungkat ko na buong cabinet namin nakita ko yung wedding gown ko. bigla ko naisip yung belo ko. kaya yun sinibukan ko yung belo ko na ikulambo sa crib ni waki. galing! kasyang kasya. atleast may use din sya.

Saturday, April 12, 2008

leap frog

last night hindi ako makatulog. excited kasi ako! dadating na kasi si pops (tita ni jim) galing amerika. may pinabili kasi kaming toy for waki. si mama kasi dapat yung bibili kaso iba yung nabili nya. kaya nung nalaman namin na pupunta si pops sa states eh nagbilin na kami na bilhan si waki nung toy. mahal kasi dito 1.6k eh pag sa states 800 pesos lang. last week nag text si BIl kay jim na nabili na ni pops yung toy, ayos! matutuwa sigurado si waki pag nakita nya yun.

sasama sana kami ni waki sa pagsundo kay pops kaso 11pm pa dating nya at nakatulog na si waki kaya si na lang kami sumama. mga 1am dumating na si jim. nagtulogtulugan ako kunwari para di nya mahalata na excited ako makita yung toy. nung nasa room na sya namin "ginising" nya ako sabi nya sakin mali daw yung nabili. akala ko nagbibiro lang sya kasi alam nya na excited nga ako dun sa toy. tapos inabot nya sakin yung box... ngek! mali nga hehehe, ok na rin sana kasi yun yung second choice ko na ipabili kaso nakakatawa pa kasi pink pa yung nabili hehehe. ok na rin kasi may kasamang free book yung toy. oh well gagawan na lang namin ng paraan para di magmukhang pambabae yung toy. sabi nga ni jim kay pops sa loob lang ng bahay gagamitin yun kasi nga kulay pink hehehe. sabi tuloy ni pops wag na namin bayaran yung toy turuan na lang daw sya ni jim how to use yung laptop nya. thank you very much pops! sa uulitin = )


"ito yung toy na pinabibili namin. its a leap frog learn and groove alphabet drum"




"ito yung nabili ni pops. yes ganyan na ganyan pink din ang kulay"



"ito yung free book na kasama plus may 2 finger puppets pa na fish"

Tuesday, April 08, 2008

Happy Birthday To ME!

yes! happy birthday to me last Saturday. happy na sana kaso nung morning ng birthday ko hay! nalaglag si waki sa kama namin! nakakainis kasi ako ang katabi ni waki diko naramdaman na gumapang na pala sya sa kama namin. narinig ko na lang na nalaglag yung bote ng alcohol namin kaya ako nagising. nagtaka kasi ako pano malalaglag yun eh nakapatong yun sa may stool. nung nagising ako nakita ko na wala na si waki sa tabi ko at si jim eh natutulog sa kabilang side ko. nakita ko na lang si waki nasa baba na ng kama namin sa may bean bag. buti na lang at sa bean bag sya nalaglag, kaya siguro di umiyak kasi di naman nasaktan. kaya yun ke aga aga birthday ko pa naman eh sinesermonan nako ni jim. matagal na kasi nya sinabi sakin na sa crib na patulugin si waki. bumangon na lang daw ako pag papa dedehin ko. eh ayaw ko pumayag kasi mahirap para sakin yun, mas ok pag katabi ko lang si waki atleast diko na kailangan pang bumangon. well dahil ok naman si waki eh tumuloy pa rin kaming mag swimming sa CME.

grabe daming tao pagdating namin dun. meron kasing event ang NU at Accenture. buti na lang eh medyo maaga kami kaya may chairs pa kaming nakuha malapit sa beach wave. mga 5pm umuwi na kami. grabe si jc grabe ang sunburn pano ba naman eh first in / last out sya. si waki din medyo umitim.

salamat sa lahat ng nag text at tumawag para batiin ako = )

LP # 1 Bilog

sumali ako nung isang linggo sa ang tema noong isang linggo ay "BILOG " naghanap ako ng litrato na may bolig at ito ang nakita ko. salbabidang bilog ng anak ko. ito ay kuha noong Nob 2-3 sa Monte Vista Clark.



~0~
maraming salamat sa admin ng sa pagbati sa aking kaarawan = )

Friday, April 04, 2008

happy birthday to ME!

yes! happy birthday to ME tom! hehehe. ill be turning 29 tom huhuhu 2 more years and wala nako sa calendar hehehe. ill be celebrating it with my family. mag swimming kami sa CME my treat yun na family outing namin for the year. excited nako!