Friday, July 25, 2008

TV 5 Launch - Lifehouse!!!! Astig!


last night was our relaunch ng abc 5. hindi na abc5 ang name nya magiging TV 5 na sya. grabe excited nako. dami naming new shows and i know na mag hit yun. nakakapagod itong trade launch na to kesa yung una naming trade launch. 5 hours akong nakatayo and naka smile. sumasakit na nga pisngi ko sa kaka ngiti. ang saya kasi daming clients na dumating. mga 800++ atang tao ang dumating. daming prizes na pinamigay 100 pcs ipod shuffle, ipod nano, ipod classic, macbook, DSLR Camera, Digicams, 5 LV bags, 5 lcd tv, psp, ps3, gameboy DS, Wii, 3 trips sa ibang bansa at iba pang prizes na diko maalala. sayang nga at di kasama sa raffle mga employees hehehe. daming food (pero di kami nakakain) catered by Chef Laudico and drinks to sawa. daming nangyari nakakatawa na nakakainis. hirap talaga ng may ibang organizer. susmiyo mga executives ba naman ng abc 5 eh pinapalabas ng security kasi wala daw ID. hay! nakakahiya talaga. diko alam if OA mga security. yung one of my officemate na mataray eh ayaw nila papasukin. tinarayan tuloy isa sa mga organizer. hehehe. bilis lang nung launch nag start ng 7pm tapos natapos ng 1030pm. dami ding artista hay! nakakainis yung baklang lalaki kasi inunahan ako sa paglapit kay Jon Avila para bigyan ng nametag. dibale ako naman nag bigay kay Victor Basa kaso wala kaming pic 2 kasi diko na sya nahanap nung nakapasok na kami sa event. nandun si Teddy ng Rock Teddy Band, si La Greta with Tony Boy and the yayas and Body Guardsssss hehehehe, Lucy Torres, Ara Mina, Valerie Concepcion, Desiree Del Valle, Dominique Ochoa, BJ Palanca, Jason Webb, Sam Concepcion at iba pa na diko maalala. ang pina special guests ng launch ay ang LIFEHOUSE! ayos! 4 songs kinanta nila. sayang nga at late na nakarating si jim. di nya na naabutan ang lifehouse. daming ibat ibang klaseng tao akong na meet... may mga pa espeyshal na tao, mga espeyshal na tao na ayaw mag pa espeyshal. ito diko talaga makalimutan hanggang paguwi ko yung nag inang artista daw. ganito ang kwento nun dumating itong mag ina ME: good evening ma'am ano pong name nila? Mommy nung Bata: Artista yung anak ko ng LipGloss. Me: (tiningnan ko yung bata swear diko talaga sya kilala) ok ma'am ano pong name nung anak nila? Mommy: *****. so ginawan ko ng name tag ang mag anak ang nanay, tatay at anak. tapos ang mahaderang bata biglang pumasok kasi pinapalabas na daw yung show nila,di pa nga nya nakukuha yung name tag nya. wala pang 5 mins bumallik ang mag ina at nagpapagawa ng panibagong name tag. sabi sakin ng madir Mommy: yung name tag namin? Me: ma'am ginawa ko na diba kanikanina lang? kinuha nyo na. Mommy: hindi, ganito gawin mo (name ng Anak nya) LipGloss. hay! kainis! di pa nga sikat ang arte arte na. oh well di naman ganun kaganda yung anak nya. hehehe...

kami


host simone? of HBO


Lifehouse


No comments: