Wednesday, July 16, 2008

absent ulit

hay! mid of the month pa lang eh naka 3 absent nako. no more leave na talaga ko. kaya ako di pumasok kahapon kasi libing na ni tito andoy. dahil hindi nga makakapunta si jim dahilmay chickenpox sya, ako na lang ang pinapunta nya.

1130 umalis kami ng kuya sa VV. sa Tayug na kami dumerecho. pag dating dun sa tayug nag aayos na yung mga taga funeral parlor. after a few mins eh nagstart na silang mag lakad papuntang church. MIL, ako and BIL R eh nag sasakyan papuntang church. nakakatawa kasi pag dating namin dun sabi ng MIL ko bakit parang iba yung sinusundan naming coffin, iba pala talaga susme! ngayon lang ako naka experience ng ganun 2 coffins sa misa. di naman sila magkamag anak. 12nn nandun na kami tapos mga almost 1pm na dumating yung pari hay! tagal. pero buti na lang nasa loob na kami lahat ng church nung bumuhos ang malakas na ulan. after nung mass meron kumanta ng "Doon Lang" fave song ni tito andoy. hay! grabe! naiiyak nako talaga kaso pinigil ko na lang. After the song nagpasalamat na si Etins (only daughter ni tito andoy) sa lahat ng nakiramay at tumulong sa kanila. tumuloy na kami sa loyola marikina. buti na lang tumila na yung ulan. pagdating namin dun nagpapa last viewing na yung pari tapos nagpasalamat ulit si Etins. e-nopen nila yung coffin para last hug and kiss si tito andoy and para sa mga gamit na ilalagay sa loob nung coffin. after nun nilibing na sya. umalis na rin kami after malibing. dumerecho kami sa riverbanks. buti na lang kasi gutom na talaga ako. di pa kasi ako naglulunch. treat kami ni MIL sa Greenwich. kwentuhan about dun sa isang brother nila na bihira magpakita sa kanila. after kumain umuwi na kami. sa shoe ave mercury drug na lang ako bumaba kasi wala na daw gatas ang mahal kong anak. nag hulog ako ng pera sa western union para kay ate kasi may sakit si jc. tapos nun umuwi nako at nakipag kwentuhan kay jim. kasi super bored na sya sa room namin. kaya pag umuuwi ako eh nakikipag kwentuhan muna ako sa kanya kahit 15mins lang. after nun bababa nako magpupunas, change clothes, kain tapos makikipag laro kay waki, watch My Girl then sleeping time na. = )

No comments: