- naaliw ako kay waki. nakahiga kami sa kama tapos nag tetext ako kay ate. nung tapos nako mag mag nakita nya yung wall paper ko sa cel tapos sabi nya "lolo". nagulat ako kaya pina ulit ko sabi nya ulit "lolo" aliw! kilala na nya si papa.
- we went to mega mall last saturday. grabe nakakapagod wala naman kami halos nabili. yung pang swimming ni waki and yung pail and shovel nya. daming tao kasi nakakatamad mag magikot ikot.
- watched pacquiao and hatton's fight. nakakainis ang bilis ng laban. puro yabang lang si hatton hehehe.
- nag chat kami last sunday. nawawala si mamang. 11am na sa states di pa rin sya umuuwi. tapos nag text si ate mga 11pm na di pa rin daw nakikita si mamang (8am na sa states nun). yun pala nagtampo si mamang kay papang kasi usapan nila na babalikan nila si mamang ng 2pm eh 6pm na sila nakabalik. ayun pumunta si ammang dun sa house ng isang sister at dun nakitulog. ok na sila ngayon.
- sunday night nung pag uwi namin may aso dun sa bahay namin. sabi nung angel ko may nagbigay daw sa kanya. chihuahua yung breed nung aso. nakakatakot yung itsura nya hehehe. nakaka awa yung dog kasi ayaw kumain. pinainom na lang namin ng fresh milk. susme sana di maka sama dun sa aso.
- nakakainis! pumunta kami sa sm after manny pacquiao's fight. pagdating namin ng sm daming tao. meron kasing meet and greet mga gma artists. bumili ako ng surf shoes ni waki. dahil mag 5pm na nagmamadali ako. nung siniukat ko kay waki yung shoes sa right foot nya at nag kasya binayaran ko na agad. di ko na check na mag kaiba ng size yung sapatos! nakakainis kasi magkakabit yung shoes. ang siste yung resibo nadun sa skateboard ni jc. hay! buti na lang at sa sm nag wowork ang BIL ko kaya baka pwede paki usapan na to follow yung resibo.
- monday tinawag namin sa guard house na baka may naghahanap nung aso. sabi ko pa nga kay jim pag walang kumuha within 7 days amin na yung dog hehehe. binilhan pa namin ng food kasi ayaw kumain. natatakot ako baka mamatay samin yun dog. pag uwi namin monday night may naka post na sa bulletin board. tinanong ko yung guard if sinabi nila na nasamin yung aso di daw kasi di naman sya yung sinabihan nung nag hahanap eh nung tinanong ko sya kung sino yung nag post sabi nya sa kanya daw nag paalam yung nag post nung "lost dog" ang labo kausap ni kuya! pinatawagan namin yung naghahanap nung aso. nakakatawa kasi nauna pa sila samin dunmating. pag dating namin nandun na sila sa harap nung bahay namin. nakaka aliw kasi nung nakita nung dog yung babae (yung amo nya) tuwang tuwa yung dog (siguro sa loob loob nung dog "sa wakas makakakain nako ng masarap na food!" hehehehe) "giorgio" yung name nung dog. 2 houses away lang si giorgio nakatira samin. gabi daw nung nakalabas si giorgio. nakakatuwa yung amo nung nakita nya yung dog sabi nya "giorgio! sya nga! sya nga!" parang ang tagal nilang di nag kita hehehe. pati yung mga anak nya na nasa car eh tuwang tuwa.
Tuesday, May 05, 2009
sari saring kwento nung weekend
Tuesday, July 22, 2008
Our Weekend Again
o Saturday samin ulit natulog sila papa. Dahil sale sa Sta Lucia niyaya ko si ate na mamasyal. Maghahanap kasi ako ng barong ni jim para sa kasal this Saturday. Dapat kaming 2 lang ni ate aalis, kaso si jc nag umarte at nabobore daw sya sa bahay. Nagpatawag ako ng tricycle eh biglang dumating kaya yun nagmamadali kaming lumabas. Pati si waki nagmamadali, akala nya kassama sya. Hehehe. Bigla ba naman nag iiyak kasi di sya nakasakay sa tricycle. Si papa naiwan kay waki para mag alaga. Hehehe.
o Hay! Sunga sunga talaga ko sa daan. Akala ko yung nearest sa sta lucia na foot bridge eh yung kulay pink na MMDA.
o Pagkarating sa sta lucia derecho kami agad sa barong section. Dahil hindi ko alam ano gusto ni jim nag ask na lang ako sa sales clerk na picturan ko na lang yung barong tapos babalikan ko na lang.
o Dahil kasama naming si jc di pwedeng hindi kami dadaan sa toy section. Madali naman kausap eh sabi ko walang bibilhin. Ikot ikot kami, naghahanap kasi ako ng basketball court para kay waki. Dahil wala kaming nakita umakyat nalang kami sa planet toys. Nagikot ikot kami. Nakakita ako ng court kaso di ko gusto yung base nya parang babagsak agad. As usual pumunta ako sa baby’s section at dun ko nakita ang pasalubong k ko kay waki. 2 in 1 walker and rider na playschool. Tagal tagal ko ng gusting bumili nun. Kasi hanggang ngayon di pa rin marunong mag lakad si waki. Im just lucky kasi sale sya. Buti na lang di ako nag bid nung 2nd hand na ganun sa ebay. 800 pesos sa ebay tapos pick up sa
o Sa BAYO kami next. Dun kami nakabili ni ate ng blouse 170 lang. sulit talaga. Tapos sa kamiseta naman kami kaso wala akong nagustuhan. Then sa bench para bumili ng pants. Binilhan ko na rin si ate ng pants nya gift ko para sa birthday nya. Tapos un umuwi na kami.
o Sunday- puyat sila kasi di sila makatulog kasi ikot ng ikot si waki. Tapos 430 nagising si waki hehehe wawa naman si papa kasi sya bumangon para makipag laro kay waki hehehe.
o Lunchtime nag defrost yung angel ko ng ref tapos nun ayaw na lumamig nung ref! hay! Siraniko talaga tong angel kong ito. Tuloy nakilagay na lang kami sa kabilang house ng mga e grocery ko.
o Merienda time nag luto kami ng pancake. Dahil wala kaming cold water nagpabili si ate ng softdrinks. Pinainom nila si waki ng royal. Nasarapan naman si wangkito hehehe.
o Dahil sa sobrang mahal ng bilihin ngayon kaya nag decide ako na ilipat
2 in 1 walker na nabili ko.
Tuesday, February 05, 2008
sa wakas...
Wednesday, January 23, 2008
goodies = )
last saturday we went sa eastwood kasi nag treat si diko ng dinner birthday nya kasi. after dinner namasyal muna kami ni jim. syempre pumunta kami sa favorite place ko sa toy town hehehe. kundi sa baby section e sa toy section ako lagi pag nasa mall kami. so sa toy town kami pumunta. may gusto kasi akong balikan na mga toys na naka sale para kay waki. hehehe. i dont buy toys na hindi sale. ewan ko feeling ko kasi pagsasawaan din naman agad so bakit ako bibili ng mahal? anyway... nakabili ako ng toys para kay waki. 3 toys for only 250 hehehe branded toys yung ha fisher price at first years hehehe. kailangan nga lang labhan kasi medyo madumi na sya. pero ok pa naman condition nung toys. gustong gusto ko yung elephant na may salamin cute cute.... pati yung monkey na umiikot hehehe.
sunday sa may riverbanks naman kami pumunta. nakabili naman ako ng pokemon monster ball for only 50 pesos para kay jc naman. 150 kasi yung bili namin dati sa mall. kaya nung makita ko na 50 lang eh syempre binilhan ko na agad si dear brother. 2 pa binili ko hehehe. after sa SOS sa price off naman kami pumunta... nakakita ako ng comforter SALE ulit (hehehe) kaso rectangle yung shape nya eh ayaw ko g ganun... tapos yung mga square yung shape eh puro pang babae hay! sayang... naghiwalay kami i jim after sa price off... ako sa Guess Company store sya sa Van Heussen? (tama ba?) hay! pag dating ko ng ng guess daming tshirt at polo shirt na SALE (hehehe) hay! nakaka temp bumili kaso dami pang shirts/polo si waki na di pa nasusuot. so hanggang tingin tingin na lang muna ako. aba sa kakatingin ko eh may nakita akong shorts ang cute cute talaga. pinabili ko na kay jim. sayang SALE kasi. hehehe... happy ako sa mga nabili kong SALE nyahahaha
