Showing posts with label highschool. Show all posts
Showing posts with label highschool. Show all posts

Tuesday, October 21, 2008

coffee break 1.41

last aug 16 nagkita kita kaming hs barkada. ang aming usual topic? ano pa ba?eh di mga nagyari nung HS! hehehe. di kami nag sasawa pag kwentuhan mga nangyari samin nung HS. mga nangyari nung CAT/COCC, prom , science fair , linggo ng wika, mga nadulas habang nag practice kami sa auditorium, teacher na nakakainis at kung anu ano pa. i love HS. i love my barkada.kahit na minsan lang kami nagkikita eh close pa rin kami. kapag may chismis eh agad kami magtatawagan para ipaalam ito sa isat isa hehehehe. ayon nga sa mga boys namin barkada eh express chismis daw kaming mga girls hehehe. hindi naman sa express chismis kami ayaw lang namain na nawawala sa circulasyon ang barkada namin. dapat alam lahat ng balita nyahahaha! ito ang pinaka masayang stage sa buhay ko. dito ko kasi na meet yung taong makakasama ko habang buhay nyahahaha!


ito ang aking HS barkada. kulang pa yan. love ko silang lahat.

Tuesday, August 05, 2008

HS kita kits and tita sol's bday

last friday nagkita kita kaming HS friends. 9pm dinner sa house nila mark. 7pm nasundo nako ni jim sa office. kaso its was raining hard at traffic pa kaya nag decide kami na kumain na lang muna sa KFC. mahirap ma stuck sa traffic tapos gutom = ) mga 830 kami natapos kumain, dumaan muna kami sa petron katips para bumili ng donuts sa go nuts. 930 dumating kami sa house nila mark. aba wala pang tao. sus! akala ko late na kami, kami pa pala nauna hehehe. after a few mins dumating na rin sila albert and karen tapos ang mga after 30 mins dumating na rin si ryan. galing pa daw kasi syang rockwell. tagalko ng di nakapunta sa house nila mark. last time eh di pa kami kasal ni jim hehehe. natandaan ko dati na meron silang 20++ na dalmatians kaya nagutal ako nung dumating kami eh halos 10 na lang ata yung dalmatians nila. parang petshop yung house nila daming dogs ibat ibang breeds, tilapia, turtle at ang latest nilang alaga eh ang ducks! hehehe. kwentuhan yung mga boys at kami naman ni karen ang nag kwentuhan. after 1 year pa sila mag aanak. nakakalito kasi same name kami diko tuloy alam sino samin ang tinatawag hehehe. iisip nga ako ng nickname para di kami malito. 1230 uwian na. may pasok pa kasi si mark. aba nung pauwi na kami eh pahabol pa na next week sa house daw naman namin magkita kita. huh! bilis naman. sa september na lang ulit tayo kita kits hehehe.

~0~
saturday dapat pupunta kami sa laguna. kaso dahilmaulan di kami natuloy. kaya namasyal na lang kami sa robinson tapos nag grocery after.

~0~
sunday birthday ni tita soli. 10am pa lang umalis na kami para bumili ng gift. 1130 dumating na kami sa COBO. dahil nung umalis kami sa bahay eh makulimlim di na namin dinala yung pang swimming namin. aba nung tanghali eh biglang umaraw. kaya yun napatawag si jim kay kuya para magpadala ng pang swimming namin. after kumain eh nag swimming na kami ni waki. nakakainis kasi mga 5mins lang eh biglang umambon! hay napaahon tuloy kami ni waki agad. after lunch nag pa bingo si tita sol. si jim at waki nanalo sila. 200 si jim tapos si waki 100. ako lang hindi nanalo. muntik pang manalo si jim ng grand prize 1 number na lang kulang nya hehehe. may singing contest pa. 500 pesos if mataasan mo yung highest score tapos 1k if maka 100 ka hehehe. sayang shy ako eh. hehehe as if naman nag score ako ng mataas hehehe. picture taking bago umalis.sabi ni mommy na may 5k daw next year yung may pinaka magandang ngiti hehehe. kaya smile to the max ako hehehe. Happy birthday Tita Soli and Tito Elmer! = )