Wednesday, April 15, 2009

appendectomy

yan ang ginawa sa ate ko. monday nag text si ate sakin na may sakit sya. na miss ko yung call nya kaya akala ko eh simpleng sakit lang. 4pm nag text sya ulit nasa er na sya ng lcp. ask ko anong findings sa mga test sa kanya acute appendicitis daw. 5pm naka confine na sya at ooperahan na daw ng 830pm. dahil biglaan walang dating damit si papa at naiwan si jc sa bahay kasama ang new angel nila. wawa naman. 9pm na kami dumating sa lcp, diko na naabutan si ate. sabi ni papa kakababa lang sa er. akala ko mabilis lang yung pag opera. 12mn wala pa rin tawag. so umuwi si jim. ako at si papa na lang naiwan para maghintay. 1230 may tumawag samin para bumaba daw kami sa recovery room. kakaiba yung recovery room sa lcp as in individual room talaga sya na may viewing area sa bawat room. sabi ni ate kaya daw ganun dun eh karamihan ng inooperahan dun eh kailangan isolated. kung baga eh nakakahawa yung sakin nila or very weak ng immune system kaya kailangan ganun yung style ng rr. akala ko kaya kami pinababa eh dahil ikkakyat na si ate. di pala pinababa lang yung soap at bimpo. kinabukasan pa daw e aakyat. buti na lang at di ako pumayag na maiwan mag isa sa room kungdi ako lang magisa sa room magdamag hehehe.

9am na inakyat si ate (grabe 12 hrs syang nasa rr susmio!) ok naman operation. naka lakad at naka utot na sya agad kaya pinayagan ng mag clear liquid diet (jello and water only). its the first time na diko katabi si waki matulog. di ako nakatulog namimiss ko ang amoy ng aking anak hehehe. umuwi ako ng bahay 5pm na kinabukasan. ok na si ate baka tom maka uwi na sya. 2 weeks syang naka bakasyon.

No comments: