Tuesday, September 16, 2008

JC's Birthday... Manila Ocean Park... at iba pang kwento

last sept 13 late birthday celebration ni jc. akala ko di na matutuloy buti na lang eh nakagawa kami ni ate ng paraan.

dahil pupunta kami sa OP at may work si jim dahilsa bookfair sa MOA binitbit ko na lang si waki sa office, duty kasi ako. ahy! wrong decision pala. di ako nakapag trabaho. ni umihi eh diko magawa, hindi nga ako nakakain hay! diko dapat pinahiram yung stroller. sana kng may stroller eh hindi sya malikot hehehe. pero ok enjoy naman magbantay kay waki. nakakapagod pero masaya.

2pm dumating sila ate. sa wakas! makakapagtrabaho na rin. timing nga kasi tumawag na rin ang traffic. nag work lang sandali then pumunta na kami sa smx sa moa. akala ko makaka alis kami agad... hindi pala. pagdating namin eh di pa rin tapos si jim. naglibot libot muna kami tapos mga after forever natapos na rin si jim hehehe. sa kenny rogers kami nag dinner. 7pm dumating na kami sa OP. ninerbiyos pa ako kasi nakapila kami ni ate para bumili ng tickets tapos biglang nag mamadali si jc pumunta sakin kasi masakit ang dibdib ni papa. hay! hay! wala pa anman akong dalang wallet di ako makabili ng water... nanghingi pako ng pera kay papa hay! hay! tinanong ko kung bakit sumakit bidbid nya... kasi daw tumakbo sya hinabol si jc... tama ba naman yun? hay! nagpahinga lang sandali then pumasok na rin sa loob. ok na rin sana kaso nainis lang ako kasi si waki ( 1 yr 3 months ) may bayad ng 350 pesos sus naman! maganda palang gabi pumunta kasi wala ng tao masyado. ganda ng pics namin.

~0~
sunday,pumunta kami ulit sa bookfair. kailangan kasi ni jim mag work. grabe daming tao sa moa. tinanaong ko si jim if dadalhin yung stroller wag na daw kasi sya na lang mag bitbit kay waki. aba naman pagdating sa smx eh nag work na sya so ako nag alaga kay waki hanggang makauwi kami. rason nya kasi mag mamaneho pa daw sya. ay sus! sana eh dinala ko na lang yung stroller. hirap kaya ang bigat ni waki eh. after smx dapat mag grocery kami kaso sa sobrang pagod tumuloy na lang kami sa house nila jim at dun nag pahinga,then nag simba afterwards. after mag simba sa may petron sa katipunan kami kumain. habang naglalakad papunta sa petron sinabihanko si jim na ilipat yung car ng dad kasi aabutan kami ng 7pm mass. hay! di nya ako sinunod. so after dinner mga 730 ayun may naka bara sa may car so hinitay pa namin matapos yung mass. para tuloy twice kaming nagsimba hehehe.

No comments: