Monday, September 29, 2008

9.27.08 and michael's birthday

9.27.08 saturday at duty ako. dahil saturday nag service lang ako papuntang office. pag dating sa may greendale sumakay nako sa service. katabi ko isang malaking lalaki sa madaluyong daw sya bababa sabi nya sa driver. dahil saturday 1 route lang ang service ortigas/buendia/ayala. daming bumaba sa ortigas. siguro mga 5 na lang kaming natira sa van. sa may san miguel ave dumaan yung van tapos sa may pioneer st lalabas mag tunnel the boni edsa na labas. nung habang nasa san miguel ave kami tinanong na ni big guy si driver if dadaan ng pioneer st. ewan ko na at itong si manong driver ata ay hindi nakikinig kay big guy. sindabi na nga ni big guy na may trauma sya sa pag daan sa pioneer st. nabangga kasi sya at muntik ng mamatay yung anak nya sa street na yun. so aas much as possible eh ayaw nya dumaan dun. ito naman si manong driver eh dire direcho lang. hindi man lang sinabihan si big guy na malapit sa pioneer. aba naman nung nasa nadiass na kami bigla ba naman sinabi ni big guy na bababa na sya sabay baba ng van eh hindi naman nakahinto yung van! hay! akala ko naaaksidente pa sya. kainis! ninerbiyos tuloy ako.

pagdating ko sa office nag aayos sila. nagbibigay ako ng instructions sa bago namin kasama ng bigla akong may narinig na may nalaglag na steel cabinet. gosh! nalaglag yung cabinet sa likod namin at naipit yung isa namaing officemate! my gulay! so napatakbo tuloy kami ni officemate 1 sa labas para humingi ng tulong. na off balance daw yung cabinet (hahaha!)

habang nag susurf sa net bigla akong nahilo. mga 5 seconds siguro. akala ko lumindol. tiningnan ko yung iba kong officemates eh no reaction naman sila. after 15 seconds parang inuga ako unit pero mas malakas. dun na may nag react hehehe. lumilindol na pala! hahaha! nakikiramdam lang pala kami sa isat isa kung sino unang magsasabi samin. hay!

230pm pumunta na kami ng las pinas para sa birthday party ng anak ng officemate ko. mahina talaga ako sa mga directions. buong akala ko eh sa aguinaldo st kami dadaan. aysus! nakarating na kami sa bamboo organ eh wala pa rin jollibee! nyahaha! yun pala imbes na kumaliwa kami dapat pala derecho. buti na lang at hindi gutom ang mahal kong asawa kundi patay! ako. saya ng party aliw yung host nila. nag enjoy naman si waki. ang ingay nga nya sa party. para syang boss mag sisigaw ng instructions nya, wala naman nakikinig hehehe. love ni waki jollibee spag! halos maubos nya yung spag na serve samin. picture picture then sumayaw si jollibee then uwian na.

after the party umuwi na kami. pagdating sa bahay tumawag ang kuya na ngayon na kami buy ng ref. condura 2 door 8 cubic binili namin. so ayun lumabas kami ulit 3 para bumili ng ref. ngayon e dedeliver yun. unti unti na rin nagkakalaman ng appliances ang bahay namin yahoo! after ng ref tv ulit nyahaha!

Friday, September 26, 2008

Jim's Big 3-0 = D

kahapon hindi kami pumasok ni jim... kasi birthday nya. 30 na asawa ko hehehe. maaga pa lang umalis na kami ng bahay. medyo marami rami kasi aasikasuhin namin. 1st stop namin is as marikina post office. kukunin na lang namin yung refund from philhealth at ang ID ko sa SSS na hay naku na 1 year bago ko nakuha. pagdating namin dun ang daming tinanong na kung anong anik anik na number. tinatamad lang siguro sila mag hanap. aalis na sana kami kaso si jim ayaw, sayang daw lakad namin. so bumalik sya ulit at sa postman na nakipag usap. kaya pala hindi na dedeliver sa house namin yung mga sulat kasi nag resign na ang postman na naka assign samin hay naku! so yun kung hindi pa namin pimuntahan hindi pa namin makukuha mga sulat namin.

after sa post office sa nso kami tumuloy. sa may city hall kami nag park tapos nag jeep papuntang nso. daming tao grabe! yung number namin is 2400 tapos yung sineserve na number nasa 1500 pa lang ayos! nag merienda lang kami sandali sa jollibee then naghintay na kami sa nso. mga 1230 kami natapos. pagkatapos sa philhealt tumuloy naman kami sa sacred heart sa kamuning, para kumuha ng baptismal cert ko. dahil nandun na rin kami kinuhaan ko na rin si ate same lang naman yung church kung saan kami bininyagan.

after ng sacred heart pumunta kamisa e rod para pumunta sana sa may US surplus para bumuli sana ng car seat at high chair. pagdating namin sa e rod hehehe wala na dun yung shop naging persian kebab food na sya hehehe. dahil bigo kami eh sabi ko kay jim sa ikea sa kamias kami pupunta. binaybay namin ang kamias road. bad trip walang parking! so ayaw ni jimna bumaba kami. kainis! syempre birthday nya hindi nako nagpumulit pa. last hirit ko eh bibili ng lumpia sa lei's. dahil siguro nakita nya na nalungkot ako na hindi kami dumaan sa ikea kahit walang parking eh huminto pa rin sya sa tapat ng lei's. ayos! bumili ako ng 4 na lumpia. yummy lumpia dito promise! si mama ko dito pinaglihi si ate.

after sa lei's sa robinson liit kami tumuloy. bumili ako ng pang carbonara. after robinson umuwi na kami. nakipag laro sandali kay waki then nag pahinga muna kami. 6pm nag start nako magluto. carbona at pork chop ang handa ni jim. tiring day pero happy kasi marami kaming na accomplish ni jim.

Ya, Happy Birthday! We Love You!

~ kai & waki ~

Tuesday, September 23, 2008

reunion

last saturday pumunta kami sa bulacan to attend a mini reunion.dadatting kasi yung mga cousins ko na 15 years na namin di nakikita. ang masaya pa eh lumuwas yung dad nila from bicol para makita sila.sayang nga kasi di nakasama yung bunso nilang kapatid kasi may pasok. timing naman at pinasok ni jim yung car sa talyer para ipaayos. biti na lang at pinahiram kami ni BIL R ng car nya. dapat kasi makikisabay na lang kami kina papa. 11am umalis na kami sa bahay ok pa yung car. nung nasa north fairview na kami biglang kinut si jim ng isang car, dahil hindi samin yung car eh hindi pa gamay ni jim yung kotse. namatay yung makina at ayaw na ulit mag start! susmio! nasa highway/ busy street pa nmaan kami. mga 10 mins nag try si jim e start yung car pero ayaw talaga. syempre mega busina yung mga nasa likod. so tinulak ni jim yung car at ako ang nag maneho kandong ko si waki. ayos! nakakainis pa yung isang jeep nakita na nga nya na tinutulak eh inabante pa nya yung jeep nya. gusto ko sana sapakin eh hehehehe. so natabi na namin yung car. meron lumapit samin mekaniko daw sya. tiningnan nya yung car sabi nya kay jim hinid daw sya "technical" kaya tatawagin nya yung kasama nya na marunong sa "electrical" ng car. pagdating nung kasama nya sinubukan na e strat ulit yung car.ayaw talaga so tinulak nila ayun nag start na yung car. hay! salamat! binigyan ni jimyung 2 good samaritan ng konting tip sa pagtulak nung car hehehe. so from fairview to bulacan mega dasal ako na wag kami mamatayan ng car. salamat naman at tuloy tuloy ang biyahe at nakarating naman kami ng maayos sa bulacan. pagkadating nag lunch kami agad. i saw na yung twins na anak ng cousin ko. ang cute cute nila. kaka aliw. mga 3pm dumating na yung mga cousin ko syempre meron iyakan blues hehehe. saya atleast happy lahat. 4pm umuwi kami umandar naman ulit yung car. nakarating naman kami ng marikina ulit hehehe.

Tuesday, September 16, 2008

JC's Birthday... Manila Ocean Park... at iba pang kwento

last sept 13 late birthday celebration ni jc. akala ko di na matutuloy buti na lang eh nakagawa kami ni ate ng paraan.

dahil pupunta kami sa OP at may work si jim dahilsa bookfair sa MOA binitbit ko na lang si waki sa office, duty kasi ako. ahy! wrong decision pala. di ako nakapag trabaho. ni umihi eh diko magawa, hindi nga ako nakakain hay! diko dapat pinahiram yung stroller. sana kng may stroller eh hindi sya malikot hehehe. pero ok enjoy naman magbantay kay waki. nakakapagod pero masaya.

2pm dumating sila ate. sa wakas! makakapagtrabaho na rin. timing nga kasi tumawag na rin ang traffic. nag work lang sandali then pumunta na kami sa smx sa moa. akala ko makaka alis kami agad... hindi pala. pagdating namin eh di pa rin tapos si jim. naglibot libot muna kami tapos mga after forever natapos na rin si jim hehehe. sa kenny rogers kami nag dinner. 7pm dumating na kami sa OP. ninerbiyos pa ako kasi nakapila kami ni ate para bumili ng tickets tapos biglang nag mamadali si jc pumunta sakin kasi masakit ang dibdib ni papa. hay! hay! wala pa anman akong dalang wallet di ako makabili ng water... nanghingi pako ng pera kay papa hay! hay! tinanong ko kung bakit sumakit bidbid nya... kasi daw tumakbo sya hinabol si jc... tama ba naman yun? hay! nagpahinga lang sandali then pumasok na rin sa loob. ok na rin sana kaso nainis lang ako kasi si waki ( 1 yr 3 months ) may bayad ng 350 pesos sus naman! maganda palang gabi pumunta kasi wala ng tao masyado. ganda ng pics namin.

~0~
sunday,pumunta kami ulit sa bookfair. kailangan kasi ni jim mag work. grabe daming tao sa moa. tinanaong ko si jim if dadalhin yung stroller wag na daw kasi sya na lang mag bitbit kay waki. aba naman pagdating sa smx eh nag work na sya so ako nag alaga kay waki hanggang makauwi kami. rason nya kasi mag mamaneho pa daw sya. ay sus! sana eh dinala ko na lang yung stroller. hirap kaya ang bigat ni waki eh. after smx dapat mag grocery kami kaso sa sobrang pagod tumuloy na lang kami sa house nila jim at dun nag pahinga,then nag simba afterwards. after mag simba sa may petron sa katipunan kami kumain. habang naglalakad papunta sa petron sinabihanko si jim na ilipat yung car ng dad kasi aabutan kami ng 7pm mass. hay! di nya ako sinunod. so after dinner mga 730 ayun may naka bara sa may car so hinitay pa namin matapos yung mass. para tuloy twice kaming nagsimba hehehe.

Monday, September 08, 2008

Kumusta Naman?

tagal ko ng di nakakapag blog. tinanamad lang akong mag blog. sa dami ng nagyari eh nakalimutan ko na yung iba. hay hirap ng CS eh. hehehe. anyway isusulat ko na lang mga naalala ko.

Aug 24- divi day namin ni ate. grabe nakakapagod! di ko na ulit uulitin yun. hirap mag byahe kasi maulan. grane nakakainis yung ibang presyo nung mga binili namin. nung birthday ni waki eh 20 pesos ko nabili susme! mgayon eh 11 pesos na lang... kainis! sana naglakad lakad pa kami ng malayo layo para nakatipid kami nung bday ni waki.

Aug 28- kita kits kaming magpipinsan (espeƱa side) sa trinoma. kasi e meet namin yung cousin namin na hindi namin nakita for 15 years! (ganun katagal). mga 7pm nako dumating. grabe mas malaki na sakin ngayon yung cousin A! dati eh baby pa sya nung huli kong nakita. dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari eh kaya di na kami ulit nagkita. yung mga brothers nya hindi nya kasama kasi nag aaral sa batangas. nice seeing you again cousin A. see you sa Sept 20!

Aug 30- Jihane's Party. kakainis na late ako nagising! tuloy hinid maganda yung balloon decors namin. di bale nag enjoy naman mga kids sa party. costume party syempre naghanap kami ni jim ng kakaibang costume para kay waki. buti na alng rent ako ng f1 driver suit. nilagyan na lang namin ng mga stickers para kunwari patches sya. nanalong best in costume anak ko nyahaha! sama ng loob ng iba kong cousins. heller! naka family costume kaya kami no! pero kung ako tatanungin dapat si kaimah nanalong best in costume. ang cute ng suot nya.

Sept 6- pumunta kami sa sm marikina. sus daming tao. nakakainis mamasyal. parang puro tao na lang. maliit lang yung mall. umuwi kami agad. sayang nga bibili sana ako ng gald shoes eh kaso mainit na ulo si jim. siguro next week konti na alng tao dun. baka dun na kami mag grocery. sayang ang points! hehehe

Sept 7- @15 months ngayon lang naglakad si waki hehehe. delayed! actually marunong naman before pa kaso tamad. mas gusto nyang gumapang. pero ngayon grabe nakakapagod na kasi ayaw na nyang magpakarga. gusto nya lakad lakad lang. kaso para syang lasing maglakad. gumigilid! kakatawa! hilig nya makipag habulan ang kaso biglang lumiliko hehehe. happy pa rin kami kasi sabi naman nila late talaga mga boys.

Tuesday, August 26, 2008

Mark's Birthday

nag text samin si mark. aug 23 daw dinner sa house nila. ang buong akala namin ni jim eh dinner with highschool friends lang. hehehe di pala. pag dating namin eh may ibang bisita pala. buti na alng diko sinama si waki kundi nakakahiya. hehehe. akala koeh maaga kami makakauwi. 12 mn na rin kami nakauwi kasi nagkwentuhan pa kami at nag picture picture pa. Happy Birthday Mark!

Tuesday, August 19, 2008

Boy Itlog

kahit puyat kami eh pumunta pa rin kami sa barbero. kasi haba na ng hair ni waki. napagdesissyunan namin ni jim na pagupitan na sya. 10am umalis na kami ng bahay. sa Grupong Barbero kami sa Blue Wave nagpagupit. pagdating namin dun may bata pang ginugupitan. habang naghihintay pinaupo ko si waki sa broom broomchair. nung una masaya pa sya. nung dumating na yung barbero naku! dun na nagsimula ang pagbaha ng luha hehehe. walang picture kasi ako ang naghawak kay waki tapos si jim naman ang nag video. wala pang 10 mins natapos na rin. ito na ngayon si waki... sya si boy itlog hehehe



Friends Night

aug 16 - nagkita kita kami ulit for the nth time this month. this time sa house na namin yung venue. nagluto lang ako ng carbonara tapos yung iba binili na lang namin. dahil siguro nag sawa na si jim sa inuman lang lagi naisip nya na maglaro kaming magkakaklase. naglaro kami ng charades hehehe. si jim ang host ng game. super excited si jim at pinag planuhan nya talaga ito. sya ang nag research ng mga titles ng movies na ipapa act. ang saya kasi almost complete kaming magkakaibigan. group kami into 2. the couples and the singles. ako sa singles napunta kasi si jimang host. single daw ako for the night. syempre sino pa ba mananalo? eh di kaming mga singles. hehehe. ang saya! sa uullitin!

click here for pics

Monday, August 11, 2008

HS Kita Kits Again and Chelsy and Sam's Birthday

last saturday nagkita kita nanaman kaming mag kakaibigan. 3 weekends na kaming nagkikita as in sunod sunod. siguro dahil nandito si ryan. bihira kasi sya umuwi dito sa pinas. nakakatawa pa kasi wala pala talagang plano na magkikita kami last saturday. eh nung thursday nag text si ryan kay albert na if tuloy this sat kaya yun na walan ng choice si albert hehehe. sinundo muna namin si ryan sa qc before kami pumunta sa antipolo. mga 830 na kaming dumating. kain muna kami ng dinner then nag inuman na silang mga boys. kami ni karen kwentuhan sandali tapos uminom na rin kami. nakakatawa si karen kasi super konti lang ng inimon nya tapos hikab na sya ng hikab hehehe. ang bilis malasing hehehe. kaya nung umakyat sya sumali na lang muna ako sa mga boys. pinipilit nilang pakainin si jim papaitan hehehe. ayaw talaga ni jim. mga 10 dumating si mark. 130am umalis kami tapos nagkayayan pa pumuntang eastwood. hay! sobrang puyat na talaga ako. may pupuntahan pa kaming birthday party kinabukasan hehehe. nakakatawa pa kasi nalito kami sa date ni jim hehehe. kasi yung sa date pag sunday eh flat rate na sila. kaya nagtaka kami siningil kami ng flat rate eh saturday pa lang naman nung pumasok kami hehehe.

~0~
sunday... kahit puyat eh pumunta pa rin kami sa sm fairview. aga namin dumating dun. sabi kasi 10am daw. almost 11 na nag start yung party. simple party lang tapos nun ride all you can na mga kids. dahil bata pa si waki eh hindi ko na sya kinuhaan ng tag kasi sayang naman. after ng party ni sam pumunta kami sa house namin sa nova. dahil sa sobrang antok eh pinaalagaan ko na lang muna si waki kay papa at ate. syempre tuwang tuwa ang lolo nya. kami ni jim eh natulog lang buong hapon. hehehe. nagising ako kasi ginising ako ni ate umiiyak kasi si waki. walang makapag patahan sa kanya. pinapunasan ko na si waki tapos nun umuwi na rin kami.

Wednesday, August 06, 2008

Shoes Tag

Thanks, Rhea for this tag!

{Start Copy}

What's your shoe size? Are your feet the same size as your mom's feet? How about your sister's feet? Can you borrow shoes from each other?
Post a picture of your latest shoe buy.

Tag the number of women of your shoe size, i.e. size 5 = tag 5 friends. Don't forget to drop a line in this blog when you're done. :)

1. Jenny and Belle
2. SAHMdom and Beyond
3. Jacque
4. The Happy Family (Rhea)
5. 'D Sandovals
{End Copy}

my mom's shoe size - 6 1/2 - 7
my size - 6 1/2 - 7
my sister's size - 7 1/2 - 8

because my mom and i share the same shoe size i always borrow her shoes (laking savings!) but when i got married i cannot bring her shoes with me. so now i only own 5 pairs of shoes (ang konti hehehe, mas konti kay jim 3 pairs lang hehehe).

Jim's recent purchase for me is this:


Crocs Cleo

i love my crocs cleo. i wear it everyday. yes as in everyday. sa office, supermarket, sa church at kung saan saan pako pumunta. kahit gano kalayo pa ang lakarin ko eh hindi sumasakit paa ko kaya super love ko tong shoes ko.

Tuesday, August 05, 2008

HS kita kits and tita sol's bday

last friday nagkita kita kaming HS friends. 9pm dinner sa house nila mark. 7pm nasundo nako ni jim sa office. kaso its was raining hard at traffic pa kaya nag decide kami na kumain na lang muna sa KFC. mahirap ma stuck sa traffic tapos gutom = ) mga 830 kami natapos kumain, dumaan muna kami sa petron katips para bumili ng donuts sa go nuts. 930 dumating kami sa house nila mark. aba wala pang tao. sus! akala ko late na kami, kami pa pala nauna hehehe. after a few mins dumating na rin sila albert and karen tapos ang mga after 30 mins dumating na rin si ryan. galing pa daw kasi syang rockwell. tagalko ng di nakapunta sa house nila mark. last time eh di pa kami kasal ni jim hehehe. natandaan ko dati na meron silang 20++ na dalmatians kaya nagutal ako nung dumating kami eh halos 10 na lang ata yung dalmatians nila. parang petshop yung house nila daming dogs ibat ibang breeds, tilapia, turtle at ang latest nilang alaga eh ang ducks! hehehe. kwentuhan yung mga boys at kami naman ni karen ang nag kwentuhan. after 1 year pa sila mag aanak. nakakalito kasi same name kami diko tuloy alam sino samin ang tinatawag hehehe. iisip nga ako ng nickname para di kami malito. 1230 uwian na. may pasok pa kasi si mark. aba nung pauwi na kami eh pahabol pa na next week sa house daw naman namin magkita kita. huh! bilis naman. sa september na lang ulit tayo kita kits hehehe.

~0~
saturday dapat pupunta kami sa laguna. kaso dahilmaulan di kami natuloy. kaya namasyal na lang kami sa robinson tapos nag grocery after.

~0~
sunday birthday ni tita soli. 10am pa lang umalis na kami para bumili ng gift. 1130 dumating na kami sa COBO. dahil nung umalis kami sa bahay eh makulimlim di na namin dinala yung pang swimming namin. aba nung tanghali eh biglang umaraw. kaya yun napatawag si jim kay kuya para magpadala ng pang swimming namin. after kumain eh nag swimming na kami ni waki. nakakainis kasi mga 5mins lang eh biglang umambon! hay napaahon tuloy kami ni waki agad. after lunch nag pa bingo si tita sol. si jim at waki nanalo sila. 200 si jim tapos si waki 100. ako lang hindi nanalo. muntik pang manalo si jim ng grand prize 1 number na lang kulang nya hehehe. may singing contest pa. 500 pesos if mataasan mo yung highest score tapos 1k if maka 100 ka hehehe. sayang shy ako eh. hehehe as if naman nag score ako ng mataas hehehe. picture taking bago umalis.sabi ni mommy na may 5k daw next year yung may pinaka magandang ngiti hehehe. kaya smile to the max ako hehehe. Happy birthday Tita Soli and Tito Elmer! = )

Friday, August 01, 2008

busy weekend

busy weekend kami ngayon. mamayang gabi dinner with my high school friends. nabitin ata nung kasal ni albert eh kaya may part 2 daw mamaya. chismisan to the max nanaman to hehehe. tom we'll be going to laguna. yehey! mag swimming kami sa ulan! hehehe. sana hindi na umulan tom para makapag swimming kami. after swimming we'll go to tito mario's rest house. baka dun na rin kami nag overnight. sarap! family bonding na to. sunday 50th birthday ni tita soli (OB ko na tita ni jim) swimming nanaman kami! hehehe. sa CoBo resort again. hay! sure na nakakapagod na weekend ito pero super saya. = ) have a happy weekend!

Tuesday, July 29, 2008

Papa's 60th Birthday

last July 22, 60th birthday ni papa. dahil may sakit pa si jim pina move ko na lang yung party ng July 27. hindi alam ni papa na may party para sa kanya. idea yun ni ate. ang alam nya sa resto kami kakain. dahil puyat kami ni jim late na kami nakarating sa sm 1130 usapan namin 1230 na kami dumating hehehe. sabi namain kay papa sa may bulacan kami kakain sa isang bagong resto. nung dumating kami sa gate nung subdivision sabi ko na may dadaaanan lang sa house ng tita malou. so bumaba kami tapos pumasok. huling pumasok si papa kinausap pa sya ng tito ko (part of the act yun) tapos pag pasok ni papa binuksan yung ilaw tapos tumugtog ang piano ng happy birthday. eh malakas ata yung boses ng tito ko nagulat si waki kaya yun nagiiyak. happy naman si papa. na gulat sya talaga hehehe. sa lahat ng pumunta thank you kahit super lakas ng ulan pumunta pa rin kayo. Papa Happy Birthday.... We Love You Very Much = )







Monday, July 28, 2008

Albert & Karen's Wedding and other kwento

last saturday wedding ng aming dear friend na si albert. sa st. ignatuis cathedral sa camp aguinaldo sila kinasal at sa AFPCOC yung reception. akala ko maaga kami makakarating kasi 2pm pa lang umalis na kami sa bahay. aysus na traffic kami sa may katipunan. kaya yun pagdating namin nandun na yung couple. pero atleast di pa nag start yung wedding. pumasok na kami ni jim sa church dun namin nakita si mark. ako umupo na at silang 2 pumila na kasi secondary sponsors silang dalawa. nag start na yung kasal nung dumating si ryan HS friend namin ni jim and ang groomsman nung kasal. sabi ko sa kanya pila na sya kasi sila na yung next na maglalakad. tinawag ko yung coordinator para papilahin na si ryan. ayos umabot sya. mga 10mins na nagstart yung wedding nakita ko naglalakad sa labas yung 3 DT. so lumabas ako para e meet sila. butina lang nasa loob na lahat nung bumuhos yung ulan. nung picture taking na ang lakas nung music di masyado marinig yung nagtatawag para sa order kung sino na susunod. kaya nung tinawag yung bridesmaid and groomsman eh di narinig ni ryan. nakakatawa kasi tinawag pa sya nung partner nya na sila na yung magpapapicture hehehe. tapos siguro di narinig masyado nila jim at mark yung nagtatawag sabi kasi "relatives of the GROOM" eh groom lang at narinig nila kaya pinapunta nila si ryan ulit sa harap. kami naman ng mga girls eh nagtataka bakit nandun si ryan.... kelan pa nya naging kamag anak si albert? yun pala nag kamali sya nyahahaha! kaya yun ang running joke nung gabing yun na lahat kamag anak ni ryan. nauna kami ni jim sa reception kasi hahatid namin sila bing at cris para makapag picture sila. so sa registration tinanong ko kung anong table number namin. table 20 daw. so pumasok nako nakita ko na may nakaupo na sa table 20, 3 silang nakaupo na. so nagbilang bilang ako di kami mag kakasya sa table kasi 10 seater lang eh 8 kami so kulang ng 1 chair. so lumabas ako para kausapin yung coordinator sabi ko kulang yung chair. sabi nya sakin papadagdagan daw nya ng chair. ganun?! 11 kaming uupo? so sinabi ko kay mark na 11 kaming uupo dun kaya yun kinausap nnya yung coordinator kaya nilipat kami ng table. 1 table kaming lahat. kainan tapos watch nung mga games tapos picture picture na. 730 ata tapos na yung program. umalis na kami kasi pupunta pa kami ng wake ng dad ni bevs. dumating kami sa christ the king ng mga 830 siguro. sabi ko kay jim mga 9pm uwi na kami hehehe. kaso nung mga 9pm dumating yung ibang classmate namin kaya yun di kami makaalis. 10pm na ata kami nakaalis. paalam namin eh magaalaga pa kasi kami ng bata hehehe. nung palabas na kami eh nagkayayaan mag papa kape si ryan kasi birthday nya nung July 25. kaya yun nag libis muna kami. sa startbucks dapat kaso puno kaya sa coffee bean na lang kami. yung kwentuhan nanaman to the max tungkol kay "Great Wall of China" and wendy. hehehe. sana maging sila kasi really nice friends magkakatuluyan parang kami ni jim hehehe. nung nagyayayaan na sana ulit umuwi biglang sabi ni ryan na dadating daw yung mga friends namin. so hinintay namin sila ulit. ayun napatagal kami lalo. 1am na nung magkayayaan ng umuwi. nagyaya pa sana mag inuman. ok sana ako kaso yung iba eh talagang gusto ng umuwi. kaya yung umuwi na lang kami. di bale nagkikita naman daw kami ulit this weekend. nakakapagod na arw pero super saya. basata may chismis masaya ako nyahahaha!!!!





Friday, July 25, 2008

TV 5 Launch - Lifehouse!!!! Astig!


last night was our relaunch ng abc 5. hindi na abc5 ang name nya magiging TV 5 na sya. grabe excited nako. dami naming new shows and i know na mag hit yun. nakakapagod itong trade launch na to kesa yung una naming trade launch. 5 hours akong nakatayo and naka smile. sumasakit na nga pisngi ko sa kaka ngiti. ang saya kasi daming clients na dumating. mga 800++ atang tao ang dumating. daming prizes na pinamigay 100 pcs ipod shuffle, ipod nano, ipod classic, macbook, DSLR Camera, Digicams, 5 LV bags, 5 lcd tv, psp, ps3, gameboy DS, Wii, 3 trips sa ibang bansa at iba pang prizes na diko maalala. sayang nga at di kasama sa raffle mga employees hehehe. daming food (pero di kami nakakain) catered by Chef Laudico and drinks to sawa. daming nangyari nakakatawa na nakakainis. hirap talaga ng may ibang organizer. susmiyo mga executives ba naman ng abc 5 eh pinapalabas ng security kasi wala daw ID. hay! nakakahiya talaga. diko alam if OA mga security. yung one of my officemate na mataray eh ayaw nila papasukin. tinarayan tuloy isa sa mga organizer. hehehe. bilis lang nung launch nag start ng 7pm tapos natapos ng 1030pm. dami ding artista hay! nakakainis yung baklang lalaki kasi inunahan ako sa paglapit kay Jon Avila para bigyan ng nametag. dibale ako naman nag bigay kay Victor Basa kaso wala kaming pic 2 kasi diko na sya nahanap nung nakapasok na kami sa event. nandun si Teddy ng Rock Teddy Band, si La Greta with Tony Boy and the yayas and Body Guardsssss hehehehe, Lucy Torres, Ara Mina, Valerie Concepcion, Desiree Del Valle, Dominique Ochoa, BJ Palanca, Jason Webb, Sam Concepcion at iba pa na diko maalala. ang pina special guests ng launch ay ang LIFEHOUSE! ayos! 4 songs kinanta nila. sayang nga at late na nakarating si jim. di nya na naabutan ang lifehouse. daming ibat ibang klaseng tao akong na meet... may mga pa espeyshal na tao, mga espeyshal na tao na ayaw mag pa espeyshal. ito diko talaga makalimutan hanggang paguwi ko yung nag inang artista daw. ganito ang kwento nun dumating itong mag ina ME: good evening ma'am ano pong name nila? Mommy nung Bata: Artista yung anak ko ng LipGloss. Me: (tiningnan ko yung bata swear diko talaga sya kilala) ok ma'am ano pong name nung anak nila? Mommy: *****. so ginawan ko ng name tag ang mag anak ang nanay, tatay at anak. tapos ang mahaderang bata biglang pumasok kasi pinapalabas na daw yung show nila,di pa nga nya nakukuha yung name tag nya. wala pang 5 mins bumallik ang mag ina at nagpapagawa ng panibagong name tag. sabi sakin ng madir Mommy: yung name tag namin? Me: ma'am ginawa ko na diba kanikanina lang? kinuha nyo na. Mommy: hindi, ganito gawin mo (name ng Anak nya) LipGloss. hay! kainis! di pa nga sikat ang arte arte na. oh well di naman ganun kaganda yung anak nya. hehehe...

kami


host simone? of HBO


Lifehouse


Tuesday, July 22, 2008

Our Weekend Again

o Saturday samin ulit natulog sila papa. Dahil sale sa Sta Lucia niyaya ko si ate na mamasyal. Maghahanap kasi ako ng barong ni jim para sa kasal this Saturday. Dapat kaming 2 lang ni ate aalis, kaso si jc nag umarte at nabobore daw sya sa bahay. Nagpatawag ako ng tricycle eh biglang dumating kaya yun nagmamadali kaming lumabas. Pati si waki nagmamadali, akala nya kassama sya. Hehehe. Bigla ba naman nag iiyak kasi di sya nakasakay sa tricycle. Si papa naiwan kay waki para mag alaga. Hehehe.

o Hay! Sunga sunga talaga ko sa daan. Akala ko yung nearest sa sta lucia na foot bridge eh yung kulay pink na MMDA. Mali pala ako hehehe. Dapat dun kami dumaan sa isa. Inis tuloy si ate sakin kasi hilong hilo sya sa pagtawid sa foot bridge. Eh niloloko pa naming ni jc na ayaw naming sya hawakan.

o Pagkarating sa sta lucia derecho kami agad sa barong section. Dahil hindi ko alam ano gusto ni jim nag ask na lang ako sa sales clerk na picturan ko na lang yung barong tapos babalikan ko na lang.

o Dahil kasama naming si jc di pwedeng hindi kami dadaan sa toy section. Madali naman kausap eh sabi ko walang bibilhin. Ikot ikot kami, naghahanap kasi ako ng basketball court para kay waki. Dahil wala kaming nakita umakyat nalang kami sa planet toys. Nagikot ikot kami. Nakakita ako ng court kaso di ko gusto yung base nya parang babagsak agad. As usual pumunta ako sa baby’s section at dun ko nakita ang pasalubong k ko kay waki. 2 in 1 walker and rider na playschool. Tagal tagal ko ng gusting bumili nun. Kasi hanggang ngayon di pa rin marunong mag lakad si waki. Im just lucky kasi sale sya. Buti na lang di ako nag bid nung 2nd hand na ganun sa ebay. 800 pesos sa ebay tapos pick up sa paranaque. Kung nagkataon eh lugi pa kami.

o Sa BAYO kami next. Dun kami nakabili ni ate ng blouse 170 lang. sulit talaga. Tapos sa kamiseta naman kami kaso wala akong nagustuhan. Then sa bench para bumili ng pants. Binilhan ko na rin si ate ng pants nya gift ko para sa birthday nya. Tapos un umuwi na kami.

o Sunday- puyat sila kasi di sila makatulog kasi ikot ng ikot si waki. Tapos 430 nagising si waki hehehe wawa naman si papa kasi sya bumangon para makipag laro kay waki hehehe.

o Lunchtime nag defrost yung angel ko ng ref tapos nun ayaw na lumamig nung ref! hay! Siraniko talaga tong angel kong ito. Tuloy nakilagay na lang kami sa kabilang house ng mga e grocery ko.

o Merienda time nag luto kami ng pancake. Dahil wala kaming cold water nagpabili si ate ng softdrinks. Pinainom nila si waki ng royal. Nasarapan naman si wangkito hehehe.

o Dahil sa sobrang mahal ng bilihin ngayon kaya nag decide ako na ilipat sana si waki ng milk. Kasi ba naman yung 1.6kg na gatas eh 1 week lang hay! Eh 880 yung 1 lata. Hay! Ulit. Kaya yun bumili ako ng small box ng anchor 1+ yun lang kasi nakita kong vanilla flavor. Ang kaso nakita ni MIL yung karton ng gatas. Tinanong ako ngayon bakit anchor 1+ dun. Syempre sinabi ko totoo na mahal masyado yung enfagrow. Bigla ba naman ako sinabihan na wag ko daw e diet yung apo nya. Eh di ko naman dinadiet eh. Balak ko lang palitan ng milk. Pihado next week may dala dala ng gatas yun pag punta sa bahay naming hehehe.



2 in 1 walker na nabili ko.

Friday, July 18, 2008

saddest night

...hay! saddest night ko kagabi. di ko akalain na mangyayari sakin yun. waaaaaaaaa!!!!!!! na mas pipiliin ni waki si ate beth kesa sakin waaaaaaaaa!!!! iyak to the max talaga ako kagabi. pagkatapos ng My Girl kinuha ko na si waki at umakyat na kami para matulog. nung nilapag ko na sa bed, humiga na rin ako.inutusan ko si ate beth na off na yung ilaw. nung na off na yung ilaw biglang nag iiyak si waki. so pina open ko ulit at nagsisigaw si waki at aba ayaw tumahan nung kinuha ko tapos nung kinuha ni ate beth saka tumahan at humiga sa bed sabay yakap sa arms ni ate beth. bwisit!!!!!!!!! talaga!!!!! grrrrrr!!!! pinilit kong kunin kaso umiiyak pag inaalis ko kay ate beth hay!!!!! kaya yun pagkatapos nyang umiyak ako naman ang umiyak. hay! kainis! wala na kasi akong QT with waki. ganito na kasi sched namin simula nung nagkasakit si jim. 6am gigising ako, kakain tapos magaakyat ng food kay jim. maliligo tapos bihis then alis na ng 730 para umabot ako sa office ng 9am. 6pm uwi ako if hindi ako late aabot ako sa service 730 nasa house nako. pero pag hindi mag train ako mga 9pm nako nakakauwi kasi namamasyal pako sa landmark, glorietta at sm. pag dating ko sa house aakyatan ko si jim ng food, baba ako then kakain ako, akyat again kukuha ng damit tapos kwentuhan sandali with jim aksi bored na daw sya. baba ulit then punas, pagkatapos ng lahat ng gawain ko ayun tulog na si waki. aaykat na lang kami tapos lapag sya sa bed. hay! sana magalaing na si jim para sa room na namin kami ulit makatulog at maaga ako makauwi.

Wednesday, July 16, 2008

absent ulit

hay! mid of the month pa lang eh naka 3 absent nako. no more leave na talaga ko. kaya ako di pumasok kahapon kasi libing na ni tito andoy. dahil hindi nga makakapunta si jim dahilmay chickenpox sya, ako na lang ang pinapunta nya.

1130 umalis kami ng kuya sa VV. sa Tayug na kami dumerecho. pag dating dun sa tayug nag aayos na yung mga taga funeral parlor. after a few mins eh nagstart na silang mag lakad papuntang church. MIL, ako and BIL R eh nag sasakyan papuntang church. nakakatawa kasi pag dating namin dun sabi ng MIL ko bakit parang iba yung sinusundan naming coffin, iba pala talaga susme! ngayon lang ako naka experience ng ganun 2 coffins sa misa. di naman sila magkamag anak. 12nn nandun na kami tapos mga almost 1pm na dumating yung pari hay! tagal. pero buti na lang nasa loob na kami lahat ng church nung bumuhos ang malakas na ulan. after nung mass meron kumanta ng "Doon Lang" fave song ni tito andoy. hay! grabe! naiiyak nako talaga kaso pinigil ko na lang. After the song nagpasalamat na si Etins (only daughter ni tito andoy) sa lahat ng nakiramay at tumulong sa kanila. tumuloy na kami sa loyola marikina. buti na lang tumila na yung ulan. pagdating namin dun nagpapa last viewing na yung pari tapos nagpasalamat ulit si Etins. e-nopen nila yung coffin para last hug and kiss si tito andoy and para sa mga gamit na ilalagay sa loob nung coffin. after nun nilibing na sya. umalis na rin kami after malibing. dumerecho kami sa riverbanks. buti na lang kasi gutom na talaga ako. di pa kasi ako naglulunch. treat kami ni MIL sa Greenwich. kwentuhan about dun sa isang brother nila na bihira magpakita sa kanila. after kumain umuwi na kami. sa shoe ave mercury drug na lang ako bumaba kasi wala na daw gatas ang mahal kong anak. nag hulog ako ng pera sa western union para kay ate kasi may sakit si jc. tapos nun umuwi nako at nakipag kwentuhan kay jim. kasi super bored na sya sa room namin. kaya pag umuuwi ako eh nakikipag kwentuhan muna ako sa kanya kahit 15mins lang. after nun bababa nako magpupunas, change clothes, kain tapos makikipag laro kay waki, watch My Girl then sleeping time na. = )

Monday, July 14, 2008

weekend updates

  • sad news. last friday jim texted me that tito andoy( jim's tito mother side) died na. na sad talaga ako. i like kasi tito andoy, kamukha kasi ni waki = ) he's always present sa mga parties namin.
  • saturday pumunta kami ni waki sa wake ni tito andoy.dahil hindi pa rin pwede lumabas si jim (may chickenpox). nakisabay lang kami kina kuya. pag dating namin dun dahil umuulan hindi na pinasama ni FIL si waki. pinaiwan na lang sa house nila. sus! wala pa ngang 5 mins eh narinig ko ng umiiyak si waki. natawa pa nga ako sa face ng FIL ko kasi parang gusto nya ng sumugod papunta sakin kahit umuulan kasi umiiyak si waki.
  • sa house namin natulog sila papa kasi nga may sakit si waki help nila akong mag alaga. grabe di ako nakatulog hehehe. di nako sanay na katabi ko matulog mga kapatid ko. ang ingay nila matulog! joke! hehehe. sabayan pa ni waki na sobrang likot, nahulog nga sa sala buti na lang nasa baba lang yung tinutulugan ni papa at dun sya nahulog.
  • na miss ata ako ng asawa ko.dahil nga may sakit sya pinag stay nya muna ako sa room usap daw kami. nag kwentuhan muna kami. hehehe. nakatakip lang bibig nya kasi baka mahawa ako sa kanya. kasi 2x a day lang kami nag kikita 1 sa umaga bago ako maligo tapos 1 sa gabi pagkarating ko. grabe namimiss ko na matulog sa bed namin. hay! sana gumaling na si jimboy...

Thursday, July 10, 2008

Life

kanina nung papasok ako nagtatawag ako ng tricycle sa guard house. nung naka sakay nako bigla akong kinausap nung driver, tinatanong kung magkano daw ang lote dun samin. sabi ko diko alam ( diko naman talaga alam ) kasi binigay lang samin yung bahay. tapos bigla sya nag kwento na noong araw daw eh 200 pesos per square meter lang daw dun. (gosh! kung ngayon yan eh bibili nako ng malaking lote para sa mga kotse na ginagawang parking lot ang daanan! susme! bibili ng kotse wala namang parking naka harang sa daan dun sa subdivision namin. hehehe) tapos sabi nya na palayan daw dati yung subdivision. kahit diko sya masyadong naririnig, kasi ingay ng motor nya eh tuloy tuloy pa rin sya sa pag kwento. college graduate sya, tapos nag trabaho sa bangkobilang teller. sabi nya ang sweldo nya is 12k a month minus bawas daw na 4k a month. so mga 8k na lang nauuwi nya sa pamilya nya. kulang daw kasi hindi daw pwede 8k para makapag aral (diko narinig sino nag aaral anak ba nya o kapatid) kaya nya napag desisyonan namag byahe na lang ng tricycle. itatanong ko sana if mahigit pa sa 8k nakukuha nya kasi kung ganun pag tricycle driver ko na rin lang si jim hahahaha! joke! wala pang tax! joke ulit! hay! hirap talaga ng life ngayon.