Saturday, December 29, 2007

Yaya less Again

hay! yayaless ako ulit. my yaya is on vacation at sa Jan 2 pa babalik. gosh! wawa naman si jim walang katulong magalaga kay waki kasi i have work today. bonding time nilang mag ama ngayon hehehe.

Thursday, December 27, 2007

Our Weekend and Our Christmas

very tiring weekend. saturday we went to laguna to attend the espeƱa's xmas party/reunion. grabe! dami na pala namin. ang daming babies and my cousin lala's is expecting her twins sa march! first time samin ang twins kaya everybody's excited. kaya pala nung nakita ko sya ang big nung tummy nya. yung baby ni ate nadeth si baby gabby grabe ang laki! kasing edad lang ni waki pero mas malaki sya hehehe feeling ko tuloy payat ng baby ko hehehe. ang saya saya... sana next year kumpleto na tayo. mag leave na agad yung iba ngayon pa lang hehehe!

~0~
sunday we went to sle/robinson para bumili ng slippers ni jim. xmas gift ko sa kanya. ikot ikot kami pero wala kaming nakita. sabi ko banana peel na lang para mura hehehe ayaw pumayag. tuloy si waki lang nabilhan namin ng slippers na ayaw nyang suotin! hehehe

~0~
xmas eve napagkasunduan namin na sa house namin mag celebrate. maaga pa lang umalis na kami ni jim. sa gateway lakad namin kasi baka dun meron nung slippers na gusto nya. kaso nung nanglalakad na kami papuntang lrt biglang sumakit yung right side ng tummy ko. di ako makalakad ng mabuti. pero pumunta pa rin kami ng gateway. pagdating dun si jim lang nagikot kasi di ko na talaga kaya yung sakit ng tyan ko. nasusuka ako na hindi makalakad ng mabuti. akala ko appendicitis na. nung walang mahanap si jim sabi ko uwi na kami kasi di ko na talaga kaya. sabi ko mag taxi na kami at dalhin ako sa hospital hehehe. aba naman ayaw ng asawa ko mag taxi at mag lrt na lang kami at kunin nya yung car sa house nila! susme! so no choice ako at nag lrt pa rin kami. pagdating sa santolan station dun ko na lang hinintay si jim tapos dumerecho na kami sa medicat city sa SLE. nung nakahiga nako sa car nawala ng unti unti yung sakit. tinawagan na lang ni jim si dok dax para pakunsulta hehehe tipid. nagpahinga na lang ako sa car habang naghanap si jim ng slippers nya sa SLE. wala pa rin sya nabili. 430pm pumunta na kami sa kanila para manood sana ng "Salubong" ang kaso exact 4pm pala nag start so di namin naabutan. sabi ko kay jim dun na lang kami sa tayug mag xmas kasi yung in laws ko lang nandun sa house nila so samahan na lang namin. kaso mga 7pm tumawag si MIL na pumunta kami dun sa kanila kasi nandun ang tita soli. so pumunta kami kasi nakakahiya kay tita soli sya kasi OB ko. 1030 na kami nakauwi kaya di na kami bumalik kasi antok na antok nako. natulog na lang kami ng xmas eve hehehe.

~0~
xmas day. grabe maaga pa lang may naririnig ako na namamasko. grabe pagsilip ko sa bintana parang may rally. daming tao! lahat namamasko hehehe. di ko alam na ganun pala dun sa subd kaya wala kaming nabigay hehehe. off nga namin yung dorbell namin kasi wala talaga kaming ibibigay. 4pm umalis kami papunta Laguna again para naman sa sandoval xmas party. ganda nung place. mas malaki kesa last year. cute ng binigay ni tita flor tshirt with all the names of the sandoval clan cute kaso yung design nasa likod kaya di kita sa picture. waki got 2 vcd, i got a guess how much i love you book and jim got a shorts. 12mn umuwi na kami. sana nag overnight na lang kami kasi late na rin kami nakapasok. hehehe. tiring weekend but very happy = )


Friday, December 21, 2007

To Everybody


MERRY CHRISTMAS!

~ Jim, Kai & Waki ~


Monday, December 17, 2007

Our Weekend

hehehe im blogging on a weekly basis na hehehe. di naman ako busy masyado tinatamad lang ako mag type. hehehe. ok naman ang week namin. nakabili ako ng tshirt ni waki sa baby guess 250 lang cute! si ate naman white polo naman nabili nya para kay waki. tapos binilhan ko din si nadine yung pamangkin ni jim ng blouse 200 lang mura na... hehehe yun na pamasko ko sa kanya. binilhan ko din ng pantulog mga pamangkin ni jim, isang dora at isang disney princess. friday night pumunta kami ni din sa world bazaar sa WTC. napagod lang kami sa kakaikot wala kaming nabili ni isa. mahal din kasi eh mas mura pa sa perlies hehehe. kinabukasan sa Richwell sale naman kami pumunta. daming toys grabe! kung malaki na si waki eh pinagbibili ko na yung mga LT cars grabe! 1.2k lang ayaw pa bilhin ni jim kasi nga di pa nga marunong si waki maglakad. hay! sayang tlg pwede naman namin itago yun. dun ako sa richwell nakabili ng regalo para sa inaanak ko. si jim 2 lang nabili nya so kulang pa ng 3 gifts. di kasi ako pumayag na bilhin nya yung Dora doll... heller 720 pesos yun no eh kay waki nga wala pa syang regalo. hmp! after sa richwell sa robinson naman kami pumunta para bumili ng dvd player. grabe ang tagal pumili ni jim! inabot kami ng 1 oras! pagkauwi sa bahay nandun na si papa at jc. nag dinner lang kami sa labas tapos pumunta kami sa river park at bumili ng fake na melissa shoes hehehe. daming tao sobra! sakit ng paa ko sa kakalakad. sa bahay namin natulog sila ate kasi gabi na wala na sila masasakyan.
sunday anniv ng in laws ko. nag breakfast kami sa Edsa Shang. after breaskfast dapat mag shopping for gifts kaso tinamad si FIL mamasyal kaya binigyan na lang kami ng money ni MIL. galing nga eh magkahiwalay yung gift nya samin ni jim last year kasi combine na. so after sa Edsa Shang sabi ni jim sa Shang na lang kAmi mamasyal. di kami nagkaintindihan kasi akala ko babalikan nya kami sa hotel yun pala sinabihan nya si BIL na isabay na kami ni waki at sa Sgang Mall na lang kami magkita. aba! mga 30 mins nako nakatayo sa lobby ng edsa shang wala pa rin si jim ang siste pa wala akong cel phone. hay! kaya yun hinintay ko si jim dun hanggang balikan nya kami ni waki hehehe. nice sa Rustans shang kami nakabili ng Munchkin sa wakas! next na bibilhin namin eh yung exersaucer naman. wish ko makakita kami. kung wala andador na lang hehehe. = )

Monday, December 10, 2007

Our Weekend

friday night nagkita kami ni ate. niyaya ko sya mag dinner kasi binigay na yung 13th month pay namin hehehe. sa G1 na lang kami nag dinner kasi late nako naka labas sa office. Sa may Cafe Meditereanean kami nagdinner. sa totoo lang di ako nasarapan hehehe. nakakatawa a kasi first time namin ni ate kumain dun so tagal namin maka order, so nag suggest yung waiter na Lamb Stew daw ang best seller nila. so yun ang inorder ni ate at ako naman eh grilled chicken, lemonade ang drinks namin at pana cotta na dessert. pagdating nung Lamb Stew tinikman ko agad kasi sabi nung waiter eh best seller. natawa ako kasi lasang caldereta lang naman sya nothing special hehehe. tapos yung pana cotta di masarap. so after dinner dahil late na nga eh umuwi na lang kami ni ate. wait kami ng taxi kasi pareho kaming pagod sa paglakad ng malayo. mga after 20 mins wala pa rin taxing dumating kaya nag decide ako na mag bus na lang kasi late nanaman at naghihintay pa si jim sa may robinson. so nag bus kami... pag dating namain sa may Glorietta (Ayala) bigla ba naman hinuli ng Security Guard yung bus na sinasakyan namin. bawal daw mag sakay dun. heller?! alam ko pag late night na pwede na magsakay dun. so dahil nga Security Guard lang nanghuhuli di pinansin ng driver sabi nya tumawag muna sila ng makati police saka nya ibibigay yung lisensya nya. at yung 2 sikyu eh tumayo sa HARAP nung bus para di kami maka aalis. ang ang driver hinarang nya sa @ lanes ng Ayala Ave yung Bus nya susme! tlg! and traffic na tuloy! kainis pa ayaw kami pabababain nung bus driver kasi bawal daw magbaba dun eh 20 mins na kami dun di naman umaandar. kaya nung meron nag drama na mama na umiiyak na yung batang kasama nya eh nagmadali din kaming lumabas ni ate at baka magkagulo pa sila. hay! malas tlg. sabi ko nga kay ate pag magkasama kami sa makati lagi kaming minamalas sa daan hehehe kundi ang haba ng nilalakad namin nahuhuli yung bus na sinasakyan namin hehehehe.

~0~

saturday birthday party ni FIL. late na nga kami nakapunta kasi tagal dumating nila papa. so pagdating derecho ako agad sa may hall eh buhat ko si waki, bigla ba naman tumugtug yung band nagulat si waki kaya yun nagiiyak. ang tagal tumigil. kaya nandun lang kami sa labas para tahimik hehehe. nung naka dede na at nakatulog eh yun pumasok na kami ulit at nasanay na rin sa ingay. medyo nainis pako kasi sabi ni jim magbibigay daw ako ng message cum speech para kay FIL kasi nung birthday ni MIL yung SIL ko ang nag message ko dapat daw ngayon ako naman. eh hello si SIL months before MILs birthday alam na nya na magbibigay sya ng speech/message so napaghandaan nya eh ako as in that day mismo so nainis talaga ako kasi di ako marunong sa mga ganun talaga. buti na alng di nila tinuloy kundi Happy Birthday lang talaga masasabi ko dun hehehe. after ng party nag trinoma kami. naghahanap kasi ako ng munchkin nag bakasakali akong meron dun kaso wala eh. meron pako akong nakitang baby hav sale kasi broken size daw. kainis nga kasi ayaw bilhin ni jim para kay waki. di pa naman daw naglalakad si waki so bakit ko daw bibilhan ng ganun kamahal na slippers. hay!

~0~

sunday family dinner with the sandovals kasi birthday nga ni FIL. sa Kimpura kami nag dinner. hay! daming tao sa GH. balak ko sana mamasyal pa kaso nakikisabay lang kami kaya umuwi din kami agad after dinner.

~0~

mamaya pupunta ako sa office ni jim kasi meron 3rd celebration para sa birthday ni FIL. hehehe 3 days ang celebration kasi 60 years old na sya. = )

Friday, December 07, 2007

December Na!

hay december na... dami kong dapat e blog yung iba nakalimutan ko na. hehehe. e-blog ko na lang mga naaalala ko.

nov 30- 6 months na si waki. nakakainis nga kasi di ako naka pag handa = ( may work kasi ako (Holiday!) akala ko makakauwi ako ng maaga kaso meron mga pangyayari na di talaga maiwasan na kahit anong explain ko eh ayaw talaga intindihin ng ibang tao. Hay! so ang ending eh nagtrabaho ako ng 12 oras grabe! over overtime talaga to the max.

may party sa bahay namin nung Nov 30 din. despedida ng grandpa ko and ni bunny. nakakainis kasi kami yung host kami pa yung wala sa bahay Hay! ulit.

dec 1- monthly check up ni waki. di masyado bumigat si waki. .4 kilos lang nadagdag sa kanya ( tsk tsk ...) pero humaba sya ( ok di mana kay Jim ) nagpabakuna na rin kami. last dose ng HIB.... salamat! next is Measles (sa center na alng to hehehe) tapos chicken pox tapos tapos na yehey! next na bakuna is pag pag 18 months old na sya. nagpalit na rin ng gatas si waki Gain stage 2 na at Growee na MV nya. hay sana tumaba na si waki.

umuwi na yaya ni waki so kinuha ko na lang muna yaya ni jc... hehehe... tanda na naman sya eh kaya no need na nya ang yaya. so far medyo ok naman itong bago pero parang mas gusto pa rin ni waki yung unang yaya nya.

nakabili nako ng electric pump. so far di ko sya gusto hehehe... mas gusto ko pa yung manual ko kasi mas maraming milk ang na express.

Thursday, November 22, 2007

1979...

In 1979 (the year you were born)

Jimmy Carter is president of the US

A major accident occurs at a nuclear reactor on Three Mile Island near Middletown, PA

An American Airlines DC-10 loses its engine and crashes seconds after takeoff, killing 275 people

Hurricane David kills over 1200 in the US and the Dominican Republic

Some 90 people, including 63 Americans, are taken hostage at the American Embassy in Tehran, Iran

The Soviet Union invades Afghanistan

ESPN starts broadcasting

Aaliyah, Jennifer Love Hewitt, Norah Jones, Heath Ledger, and Kate Hudson are born

Pittsburgh Pirates win the World Series

Pittsburgh Steelers win Superbowl XIII

Montreal Canadiens win the Stanley Cup

Kramer vs. Kramer is the top grossing film

Sophie's Choice by William Styron is published

"My Sharona" by The Knack spends the most time at the top of the US charts

The Facts of Life premiers

Wednesday, November 21, 2007

Jihane's Party and other kwento

last saturday pumunta kami ulit sa BF kasi may welcome party naman for my cousin Jihane. pagdating namin dun ayun umiyak ulit si waki kasi ingay ng mga cousins ko eh di sanay sa ingay ang anak ko. binigyan kami ni aunt hiyas ng pasalubong, shirt and shorts para kay waki, blouse for me and shirt para kay jimboy. thanks aunt! naglaro lang mga kids ng balloons na natira nung last party. pagkatapos kumain eh kwentuhan lang sandali at uwian na rin agad. sayang nga kasi di na kami nakapunta ulit the next day kasi sa sandoval side naman kami pupunta.

pictures
~0~

about kay waki naman. nag kwento kagabi yung angel ko na si waki ayaw na magpalapag! gusto laging karga! gosh!di naman ganun kabigat anak ko pero nakakangawit pa rin buhatin. magpapalapag lang sya pag maglalaro tapos iiyak pag nap time na... gusto laro lang ng laro (anak, pano ka tatangkad nyan? hehehe) tapos kaninang umaga bago ako umalis eh lagi akong nag bye bye kay waki kiss ko sya then mag wave ako bye bye... aba kanina nung nag bye bye ako bigla ba naman umiyak anak ko... ayaw akong paalisin gosh! tuloy bumalik ako tapos naglaro muna kami ulit sandali. nung nadistract na ng angel ko sa paglalaro eh umalis nako di nako nagpaalam kasi baka di nako makapasok hehehe... (anak, kailangan mag work ng nanay kundi wala tayong kakainin hehehe) love you waki = )

Monday, November 12, 2007

Welcome Granma and Granpa J!!! & Bunny too = )


kaming lahat w/ granma J and granpa J



daming toys!
click here for more pics
last saturday welcome party para sa grandparents and my cousin bunny. ang saya kasi kids were in costumes! waki wore his vampire outfit, jc came as the ninja, kuya pol as spiderman, crey as superman, dovelet as the warrior they're soo cute! isay, chin and kaimah came as princesses they're so pretty in their gowns! isabela came as the goddess galing! she just used a blaket to make her costume astig! she even had her hair curled galing galing talaga! my favorite is monics costume... she came as "hwang ji ning" a korean nobela in gma 7! galing talaga she even performed a dance number kakatuwa! too bad we forgot to bring our videocam sayang talaga! all the kids showed their "talents" kuno kuno hehehe. ang favorite ko sa lahat ng talents is yung kay nicu... he danced like a caterpillar! hahaha! after the talent portion kainan na!!! nahirapan nga sina granpa pumili kung sino mananalo ng best in costume... dahil ayaw pumili nila gramps sila ate na lang pumili yung mga little kids na lang binigyan ng gifts... nakakatawa kasi yung mga boys super heroes nag walk out! nyahaha kasi mas maganda daw mga suot nila kesa sa mga kids. we had a great time pwera na lang sa little incident na to na buti na lang wala masyadong pumansin nyahahaha! buti nga sayo!

Saturday, November 10, 2007

dapa waki dapa

last night dumapa na si waki! yahoo! ako lang nakakita hehehe so inggit si jim kaya pinahiga nya si waki ulit. so si anak eh masunurin sa tatay try ulit dumapa. si jim nasa may paanan si waki naka pwesto. so si anak eh mega push push ng sarili para maka dapa ulit. nakikita ko talaga sa face ng anak ko yung effort hehehe. so first push... push... push biglang Poooot! Hahaha! nautot si waki sa mukha pa ni jim nyahahaha!!!! di na nya ulit nagawa hehehe di nakita ni jim dumapa si waki. kaninang umaga dumapa ulit si waki ako ulit nakakita kasi tulog pa si jim. hehehe jimboy better luckk next time!

Friday, November 09, 2007

sick... close open...

kainis! may sakit ako =( 2 days akong di naka pasok sa office (kung kelan naman wala nakong leave hay!) di bale 2 days ko naman nakasama anak ko hehehe. di ko nga lang sya mahawakan kasi baka mahawa sya sakin. happy pa rin ako kahit absent ako kasi na video ko ang pag tawa ng anak ko hahaha! so babaw! pero so happy tlg ako at na video ko din yung pag close open ng hand nya hehehe... kahit masama pakiramdam ko nawawala pag nakikita ko anak ko. = )

Tuesday, November 06, 2007

Waki 5 months , Monte Vista Clark

last oct 30 5 months na baby waki ko! grabe bilis ng panahondati binyag lang pinaplano ko ngayon first birthday na hehehe. pumunta sila ate sa bahay. cake, bake mac at chicken handa ni waki. happy 5th month baby waki love you!







~0~

nov 2 and 3 pumunta kami sa Monte Vista sa Clark Pampanga. first time ko pumunta dun. wala naman kaming ginawa nung first day. sa bahay lang kami kasi malayo yung place namin sa may pool kaya tambay lang kami. tagal pa nga namin nag hintay eh kasi ang check in 2pm parang 3 na kami naka check in tapos yung isang room lampas 4pm na nabuksan! the next day nag swimming kami sa napaka liit nilang pool. sus! parang 10 people lang kasya dun. nag enjoy naman si waki sa pag "swimming" nya. di ko naman sya nilubog sa tubig naka sakay lang sya dun sa mini pool nya. nakatulog pa nga sya sa may pool hehehe. mga 10am dumating na yung tickets na binigay ni tito mel nga ba yun? basta meron nagbigay ng ticket sa may Fontana Water park. dito masaya malaki na pool kaso daming bawal ekek. yung sando ko nga pinahiram ko pa sa angel ko eh para lang makaligo sya sa pool. nakita pa namin some of the candidates para sa Ms Earth. kainis nga eh kasi ako may hawak nung cam kaya ako yung walang pic. enjoy naman bakasyon namin kaso nagkasakit pako...huhuhu hinihika ako ngayon. = ( more pics sa multiply










Wednesday, October 31, 2007

Long Weekend

yahoo!!! long weekend!!! off ko cel ko =P 4 whole days with waki and my family sarap!!!
happy long weekend sa lahat = )

Tuesday, October 30, 2007

Waki's 1st Halloween Party

last friday umatend si waki ng kanyang 1st halloween party dito sa office namin. dapat and costume nya eh chick papabili namin dapat kay FIL sa states kaso wala na daw mga halloween costume sa manhattan mall kaya di na nya nabilhan si waki. so thursday night mega hanap kami ni jim ng costume na mag fit kay waki. eh ang hirap maghanap kasi infant si waki most of the costumes pang toddler na. hay! tapos meron akong nakitang cape na naka display so kinuha ko na agad at pinahanap sa salesman yung buong set. nakakatawa pa kasi nung una di mahanap yung buong set ng costume kaya sabi nung salesman na 114 pesos na lang daw yung cape. nung nasa counter na kami yung salesman bigla nakita nyo yung set nung costume sayang hehehe tuloy naging 219 pesos yung costume eh di naman magagamit yung mask.

friday late na dumating si waki kasi nakisabay lang sya kay FIL. so pagdating nya dito binihisan ko na sya agad ng costume nya. so daming goodies na nakuha ng anak ko yahoooo!!! saya!!! ito pinaka masaya.... nanalo si waki ng Best In Costume!!! yahoo!!!






Friday, October 26, 2007

Pasalubong Galore!

dumating na din si FIL galing states. syempre mega excited kami kasi siguradong meron kaming pasalubong. kagabi pa lang eh hinihintay namin yung text ni BIL kung nabilhan kami ng new digi cam kasi medyo jurassic na rin kasi ang digicam namin. mga 130am nag text si BIL nandun na daw si FIL at sawi daw kami. di kami binilhan ng new digi cam = (

so kinaumagahan eh dumaan pa rin kami sa house ng mga in laws ko kasi iiwan namin si waki sa house nila. pagdating namin nakita ko sa may sala may box ng sony cyber shot tapos sa tabi nun nakita ko ang pinabili naming camera yahooooo!!!! canon G9!!! tapos binilhan pa ni FIL si waki ng 2 damit at yung Chicco Night Soother... thanks a lot daddy!!! sa uulitin hehehe



Monday, October 22, 2007

Weekend halo halo

may diaper rash si waki. kakainis kasi di agad sinabi sakin ng angel ko 3 days na pala yun. nakakinis pa kasi nagpalit ako ng diaper yung clothlike kasi para presko tapos dun pa nagka rashes si waki susme! kaya pala hirap si waki matulog sa gabi dahil siguro masakit. kakaawa yung anak ko kasi umiiyak kag hinihugasan yung patutoy nya. nung makita ko eh dami ng diaper rash hay! kakainis talaga. kaya yun bumili na lang ako ng drapolene. so far ok na di na umiiyak si waki pag hinihugasan patutoy nya.

saya weekend namin. pumunta sila papa sa bahay. saya kasi nakita ko nanaman sila. kakatapos lang namin mag lunch walang maghahawak kay waki kasi yung mga angels naman ang kakain. sabi ko kay papa na bantayan muna si waki, si papa kasi ayaw magbuhat ng bata eh naiiyak na si waki gusto mag[abuhat. so sabi ko kay papa na buhatin naman yung anak ko kasi kawawa naman kung iiyak. so binuhat na ni papa tapos kunausap nya si waki sabi nyo " ikaw ha pabuhat ka dyan eh bigat mo... ihagis kita dyan eh (sabay kunwaring ihagis) tapos biglang tumawa si waki. tapos inulit ni papa yung ginawa nya tawa pa rin ng tawa si waki. mukhang nag enjoy si waki na ihagis hagis sya. so dalian ako umakyat sa taas para kunin ang video cam. nung kinikuhaan ko na ng video aysus! ayaw ng tumawa (kainis!) tingin lang sya ng tingin sa camera. hehehe... anak ko tlg makakita lang ng camera eh titingin na agad.

dahil umaga pa lang eh nandun na family ko sa bahay namin pagdating ng gabi eh super bored na si brother. so sabi ko tumulong na lang sya magprepare ng dinner. himala talaga to kasi super tamad tong si jc tumulong eh. aba sya nag hiwa ng carrots, beef, nag open ng canned corn, basta sya nag handa lahat. ako lang nag gisa ng beef the rest sya na gumawa. bonding namin ni jc yun. saya kasi while cooking eh sumasayaw pa kami ng papaya hehehe buti di nasunog yung niluluto namin. sabi nya pa sakin pagdating daw ni mama ipagluluto nya si mama ng JC's special tinola. nakakatawa kasi lahat ng tao tinatanong ko kung masarap tapos pag sinabi hindi sasabihin ni jc ako nag luto tapos pag masarap sya nag luto nyahahaha!

may halloween party dito sa office sa friday. hay! sana bilhan ni FIL si waki ng costume. first halloween ni waki to kaya sana gusto ko naka costume sya kahit di pa sya makapag participate sa trick or treat. = )

Tuesday, October 16, 2007

tawa ka dyan...

kahapon umalis ang isa kong angel may aasikasuhin daw. so sabi ko kay angel 2 na dun muna sila sa bahay ni kuya para may kasama sya sa pagbanatay kay waki. habang naglalaro ang dalawang cousin ni waki eh pinanonood nya yung dalawa maglaro tapos bigla na lang tumawa si waki as in tawa na may tunog hehehe kasi yung mga narinig kong tawa ni waki sandali lang at puro smile lang. sabi ni angel 2 eh tumawa daw si waki. sana marinig ko rin... anak tawa naman dyan... = )

Monday, October 15, 2007

long weekend

we spend our 3 days mostly sa house lang and kontng pasyal on the side hehehe. friday waki and i went to blue wave 1 para mag internet. gusto kasi ni mama makita si waki eh kaya lumabas na lang kami. first time ni waki sumakay ng tricycle hehehe kasi wala pa rin kaming car =( kakainis nga eh hirap mag commute sikip sa mrt/lrt. behave naman si waki sa tricycle. di nga umiyak sa buong trip namin. pag dating sa internet shop eh natulog lang sya kasi aircon hehehe. kainis nga kasi di nag online si mama eh ang hirap pa naman pumunta sa shop. saturday - kumain ulit si waki ng solid food. rice and breastmilk again. ayaw ko pa pakainin ng cerelac kasi G6PD deficient si waki daming bawal na food. kinakain naman nya yung rice and milk eh kaya yun muna. nung hapaon pumunta kami sa UP para kumain kina mang larry medyo matagal na rin since last kaming nakakain kina mang larry eh. nakahiram si jim ng car kasi wala yung FIL ko kaya nahiram nya yung car. ginamit nya lang yung name ni waki para makahiram ng car. sinabi nya kay MIL na ipapasyal si waki kaya yun pinahiram yung car ni FIL samin hehehe lakas ng baby ko sa lola nya! sunday - angpunta kami ulit sa internet shop kasi mag online si mama. si jim na kasama ko at si waki. iyak ng iyak si waki dun sa shop kasi ang init sa loob kaya sandali lang nakita ni mama si waki umiiyak pa. nag simba kami. kasama namin ulit si waki kasi gusto sya makita ni MIL. after mass sa super bowl sa bluewave kami kumain. tiring weekend pero saya kasi pure breastfed si
waki kasi naubos yung formula nya kaya BF lang sya buong week end. here are some pics...

sarap...


big mouth... aahhh...


huhuhu... iniwan nila ako dito magisa...


big boy na... naka pants = ) ( shorts yan anak )

Monday, October 08, 2007

halo halo

oct 6 - first mass ni waki. anticipated mass kasi aalis si MIL ng sunday. natulog lang si waki buong mass hehehe. natawa nga kami kasi sarap ng tulog nya tapos nung nagsabi ng "please rise" eh medyo malaks yung voice nagulat si waki nagising bigla hehehe. after nun eh sa outback kami nag dinner... complete ang sandoval family na bihrang bihira mangyari.... sayang nga wala kaming pics eh kasi yung cam na dala ko eh full na yung memory eh di ko pa na download mga pics nun kaya di ko mabura at ang dilim sa loob ng outback.

~0~

wala kaming car 3 days na... hay commute kami ng 1 week. sira kasi yung gulong namin lakas ng wiggle kaya ayaw na gamitin ni jim. sa sweldo pa kami makakabili ng bagong gulong = D

~0~

nag offline si mama... nakabili na sya ng BUMBO seat at tray. pati na rin ang Eddie Bauer 2 in 1 Harness Buddy sana umuwi na si mama = )





~0~

nanood kami ng laban ni pacman... so far iyon yung pinaka boring na laban ni pacman 12 rounds! ang tagal nakatulog na nga ako eh. di bale atleast masaya mga pinoys =)

Tuesday, October 02, 2007

first solid food

sept 30... binigyan na kami ng go signal ng pedia namin na pakainin si waki ng solid food. Cerelac rice meal dw pili na lang daw ako ano gusto ko. so tumingin ako ng cerelac sa robinson tsk tsk lahat meron nakalagay na MAY CONTAIN SOYA hmmmm di pwede G6PD deficient si waki eh daming bawal na food so no no ang soya. so ginawa ko na lang eh kanin at breastmilk na lang pinakain ko kay waki. hirap mag mash ng kanin ksai dapat pinong pino eh wala kami blender at 2 tsp lang kakainin ni waki. kaya yun sobrong gutom na si waki nun matapos ako mag mash ng rice. sayang nga wala kaming pic kasi tulog pa si jim pero naka video naman. nagustuhan naman ni waki yung rice and milk. next saturday ko na lang sya ulit pakainin ng rice buy ko numa yung sa pigeon para madali = )

Friday, September 28, 2007

i need a new yaya

... aalis na kasi yaya ni waki. ang bilis nga eh this october na agad aalis eh sinabihan ko naman sya nung una na pag aalis eh mag sabi agad para makahanap kami ng kapalit. ok lang kasi may nag apply na kapalit naman. ok sana yung yaya ni waki, college grad ( hehehe sosy na yaya ) madaling makuha yung mga inuutos ko, malinis sa bata at higit sa lahat inalagaan nya si waki ng mabuti. natawa nga ako sa FIL ko kasi gusto pang e bribe yung yaya na mag stay lang samin eh sya na mag papa aral next year hehehe. good luck ate gee! wag mo kalimutan baby waki pag nasa canada ka na joke! hehehe

Thursday, September 27, 2007

Kokey and Kakay

tawag ng mga cousin ni waki sa kanya eh KOKEY hehehehe kasi kamukha nya daw si kokey. so nanonood kami ng kokey kagabi... ngayon ko lang kasi ulit naabutan kaya nga pa kwento ako sa mga angels namin ano na nangyari... pano nabuhay si kokey... so mega kwento naman ang mga angels ko na dumating kasi yung nanay ni kokey etc... sabi ko ano name ng nanay ni kokey? Kakay daw.... nyahahaha!!!! eh nickname ko kakai nyahahaha!!! magina talaga kami! hehehe = )

Wednesday, September 26, 2007

Waki's Baptism

last saturday nabinyagan na rin sa wakas si waki. dapat kasi july 22 eh kaso la pa kami money nung kaya na move na lang ng sept 22 kasi birthday na rin ni jim para isang handaan na lang.

sa mall na lang namin binili yung mga gagamitin ni waki sa binyag yung baptismal gown, cap at shoes sa scooby doo. tinamad na kasi ako maghanap sa divi. eh gusto ng MIL ko naka gown tlg yung baby at yun din daw isusuot ng next baby namin. si kix tavora naman kinuha naming photographer. buti na lang may photographer kaming kinuha kasi naman sa lahat ba naman ng araw na masisira yung video cam namin eh nung saturday pa! kainis! nagpaluto na lang kami ng food para di na mahirap. FIL gave waki a Charlie's Pitchon sarap! ito lang yata kinain ko eh. syempre yung choco fountain eh hit sa mga kids, kaso sa sobrang init ata nung machine eh lumapot yung chocolate ko. pero kahit ganun eh kinain pa rin. yung give aways ko eh mini pig coin purse na nilagay ko sa balloon... hehehe hirap nito gawin sakit sa kamay. sa godparents naman eh tumbler. sayang nga eh di ko na kuhaan ng picture cute pa naman.

kahit inulan yung party marami pa rin ang pumuta. most eh sa side ni jim. masaya naman kahit maulan, na entertain naman kami sa pag kanta ng friends ko. billie jean ni jenny with matching dance steps pa! hehehe.

some pics nung binyag... sa cam namin to kasi wait pa namin yung kay kix...



... me and waki

... with Godparents

... baptism

... with father

... pitchon and ninong ari

... shoppersville cake

... with tita mimi, tita jenny and tita frenny

... kanta to the max

... waki's giveaways mini pig coin purse (kasi year of the pig)


... dahil tapos na binyag... 1st birthday naman ang pag planuhan ko... swimming party? barney? blues clues? hehehe

Thursday, September 20, 2007

Tuesday, September 18, 2007

got my "." back... sari sari

got my period back... hehehe nagulat pako kasi i wasn't expecting it to come this early kasi im breastfeeding. oh well ganyan talaga life... buti na lang bumili ako ng napkin last month kundi lagot gabing gabi na eh papabilhin ko si jim ng napkin eh may sakit pa naman sya.

~0~



i have to share this pic ang cute ng baby ko. mukhang tawang tawa sya dun sa pic. buti na lang naturuan ko angel namin how to use yung big cam kasi na capture nya yung tawa ni waki.

~0~

almost done na kami sa preps sa binyag ni waki... food, tarp and printing na lang ng LO and we're done na. see you guys sa saturday ha!

Thursday, September 13, 2007

Im Back!!!!

im back! im back! hay! grabe i miss blogging. sa sobrang daming dapat e blog eh di ko alam san mag uumpisa. grabe! MAY pa last post ko. unti untiin ko na lang mga nangyari sakin....

... nanganak na ako last May 30 CS po ako kasi low amoitic fluid na daw ako. at exactly 9:44pm lumabas na ang aking baby Joaquin Benjamin 4.4lbs, 46 cm. ang liit liit ng baby ko. pero sabi naman ng doctor ko at 34 weeks tama lang yung size ng baby ko. after 3 days umuwi nako pero ang baby ko naiwan pa. 2 weeks sya nag stay sa NICU ( 7 days sa incubator )ito na yata ang pinaka malungkot na 2 weeks sa buhay ko kasi naiiwan si waki sa hospital tapos uuwi kami di namin sya kasama. ang hirap pa kasi CS ako hirap gumalaw galaw. pero para sa baby ko eh araw araw kami nandun ni jim. minsan malungkot kapag naka "billie light" sya kasi di namin mahawakan. masaya nung nakalabas na sya ng incubator... nakakatawa pa nga nung first day nya na inilabas sa incubator kasi di kami na inform so pag dating ko ng NICU kulang ng isang incubator ninerbiyos tlg ako kasi yung kay waki yung nawawala. nagtanong pako sa nurse kung nasaan yung anak ko! hehehe nasa harapan ko lang pala! June 12 independence day eh independence day din ni waki... lumabas na kami ng hospital! yahoooo!!!!

pics na lang yung ibang kwento...



waki @ 1 month. first family picture dn namin ito. hehehe liit liit pa ni waki 3 kilos pa lng sya dito.



ito naman eh 2 months na sya. tumaba na ng konti baby waki 4 kilos na sya. hindi na sya nakakatakot hawakan. hehehe sabi nga ng MIL ko bata na daw si waki.




dito naman eh 3 months na si waki. cute nya dito kasi naka smile sya hehehe. ngayon madalas na syang mag smile at nag sounds na rin nimsan yung tawa nya. gustong gusto nya kaharap si jim. lagi sya nag smile pag tinatawag mo syang pogi hehehe.

ngayon 3 and a hlaf months na si waki. bibinyagan na sya sa saturday! tapos nun pwede na kami mamasyal sa mall!!! yehey!!!

... back to work na rin pala ako last Sept 3. dapat tlg sa Sept 18 pako papasok pero dahil medyo kapos kami pinapasok nako ni jim hehehe. haba nga ng maternity leave ko eh kasi dito sa office working days hindi calendar days ang bilang. 3 months akong naka bakasyon hehehe... pero mas gusto ko pa rin kasama baby ko kesa pumasok.... Hay! i wish SAHM ako... wish wish....

Monday, May 21, 2007

Grande Island - Subic

May 11- outing ng AZ. sinama ako ni jim kasi e-celebrate na rin namin anniv namin hehehehe para tipid libre naman eh. so 630am eh umalis na kami ng manila... medyo umaambon pa. nag breakfast kami sa andoks somewhere in NLEX, tapos byahe nanaman. ang traffic masyado sa pampanga! grabe! tapos yung cause eh isang intersection na ayaw mag bigayan hay! mga 11am dumating na kami sa Subic... nakakatawa kasi di pala alam ni gil saan kami pupunta so nung nasa stoplight kami nakakita sya ng pulis bigla sya nag swerve hehehe eh napaka struct pa naman sa subic hinuli sya ngayon ng pulis! buti na lang pinalusot kami kasi sabi ni gil firsttime nya dun. 1130 dumating na kami sa freeport tapos nag lunch sa bus. tagal namin nag hintay sa port area! past 1 na kami naka alis. syempre picture picture sa boat muna. mga after 15 mins nasa island na kami. tapos wait nanaman kami ni jim ng 30 mins para maka check in sa room namin. cute ng room namin may 2 beds, cable tv na 8 channels lang ata ang meron hehehe at ang ganda tlg ng view ng dagat. rest muna kami sandali tapos lumabas na din kami ulit ni jim kasi nagugutom na kami. pumunta kami dun sa resto nila... aysus! tlg lang ang presyo yung coke in can 60 pesos isa!?@#$% eh dahil gutom tlg kami kaya kumain na lang kami kahit mahal. swerte nga namin kasi biglang dumating si lps at si mr angeles nalibre tuloy yung kinain namin. 4pm nag start na yung games nila... ako ang officail phographer/videographer ni jim hehehe. nakakaaliw kasi kahit small company lang sila eh ang saya saya nila, sana yung company namin ganun din hehehe. nakakatawa yung mga games nila meron yung "do not bring me" nakakatawa yung isang guy dun sabi kasi nung emcee "do not bring me shorts" bigla silang nag hubad ng shorts! my god tlg lang naka tumakbo na naka briefs lang! nakaka aliw tlg. yung green team ang nanalo taps yung pink yung kulelat. after ng games eh dinner time na! bbq buffet! yum yum! after dinner mag swimming sana kami ni jim kaso biglang umulan... so naghintay kami tumila ng konti yung ulan... 10pm na umuulan pa rin kaya umuwi na lang kami nabasa nga ako ng ulan. pagdating sa room naligo ako tapos natulog na agad. tapos mga 2am nagising ako kasi ang ingay... parang yung airplane eh nasa bubong ng room namin. parang hello?! sino naman nag may flight ng 2am in the morning?! from 2am hanggang 5am tapos every 20 mins yung intervals nung plane. ako di naka tulog samantala si jim eh tulog na tulog! susme! parang walang naririnig. 530 bumangon nako maglalakad na sana ako sa beach kaso tinamad ako kasi wala akong kasama. mga 7am ginising ko na si jim kasi gusto ko na kumain. so after breakfast nag swimming na kami sa pool... after sa pool sa beach naman kami pumunta at nag picture ng mga employees na sasakay sa banana boat. kundi ako buntis sigurado sasakay ako. after maligo sa beach sa pool na kami ulit kasi masyadong maalon sa beach. tapos naligo eh nag banlaw na kami. nakakainis tlg tong si jim kasi tama na nga yung slippers na kinuha ko tapos sabi nya mali daw... hirap tlg bumili ng mura damng kapareho hehehe... ang layo na ng nalakad ko nung napansin kong maliit yung slippers ko nyahaha!!! kaya yun umuwi akong maliit yung shoes hehehe. tapos uwian na... sa razons kami nag merienda... sarap nung palabok pero di ko gusto yung halo halo... wala kasing sago hehehe... nakakapagod na bakasyon pero masaya. sana maulit ulit next year! = )

Monday, May 07, 2007

Club Manila East



last sunday nag swimming kami sa Club Manila East treat ni wendy saming barkada kasi Lawyer na sya = ) ang saya kahit konti lang kami. usapan 8am hehehe tumawag si wendy nasa lrt2 na daw sila eh natutulog pa kami ni jim (lagot!) kaya yun dumating kami sa lrt2 ng 845 kasi hinanap pa namin yung dvd ni wendy kaso di rin namain nakita. maganda na yung place compare nung last time kaming pumunta dun. meron na rin silang "waves". nakakinis nga kasi dapat mag kayak kami ni jim hello?! yung mga tao kung sino lang kakilala nila kahit kararating lang eh yun lang papalit sa kanila hmp! pero basta masaya... thanks wendy! click here for more pics

Thursday, May 03, 2007

Labor Day

last May 1 nag outing ang Hosalla Clan. nag padala kasi yung aunt namin sa Germany si Aunt Neneng ng money para makapag outing kaming lahat. ang saya saya! kahit di kami kumpleto nakita ko naman na nag enjoy lalo na mga kids... sus! from 9am to 4pm eh nasa pool lang sila. si pol nga may sore eyes eh nag swimming pa rin! wish ko lang walang nahawa sa kanya dun hehehe. si nicu ayaw mag swimming kaya yun kasama sya ng mga oldies na nagbabantay nung hut. kami ni jim late na dumating kasi nag laba pako. aga ko pa naman nagising 6am gising nako hehehe excited ako eh... akala ko makakapag swimming ako. kaso pagdating namin dun eh ang init sobra! di kaya ng powers ko... di rin kami naglibot libot kasi pataas pababa yung mga daan di na kaya ng likod ko ang paglalakad. kaya yun tumambay na alng kami ni jim sa hut tapos kumain na lang ng kumain. nung uwian na d usual pahirapan paahunin mga kids sa pool. basta saya saya... thanks Aunt Neneng! = ) click here for pics

Monday, April 16, 2007

Divi

last saturday pumunta kami sa divi... hehehe... kahit ayaw ni jim eh pumunta pa rin kami kasi dumating sila mama at papa sa bahay kaya wala na syang choice kundi sumama. bibili kasi kami ng tela para sa kurtina namin. hay! pag si jim talaha ang pipili ang tagal tagal tagal tagal talaga. sumakit na paa ko sa kakaikot, ang pili nya masyado... ayaw ng makapal kasi madilim, ayaw ng lace kasi masyadong manipis kita daw kami sa labas. so after ialng ikot may napili na rin sya (hay salamat!) so binili na namin bale 1.2k yung tela para sa main na curtain tapos 300 naman yung para sa design. not bas na siguro kasi nakita ko 400 to 600 per panel yung design na gusto ko. nag ikot ikot pa kami, si mama binilhan ng liguan yung baby namin at ilang mga tie sides na damit plus yung mat. dami nyang binili niloloko nga namin si jc na nakalimutan na sya nila mama at papa hehehe... di bale binilhan naman sya ng organ ni mama at papa. galing nga eh kasi natuto sya agad tumugtog. tapos nun umuwi na kami kasi pagod nako. = )

Tuesday, April 10, 2007

Nakakapagod na Holy Week

5 days ang bakasyo pero feeling ko kulang pa rin yun... grabe! super nakakapagod yung bakasyon, feeling ko wala kaming pahinga ni jim.

april 5 - Birthday ko! hehehe... wala dapat handa kasi nga Maundy Thursday na. yung family ko plus the 3 angels to help us sa paglinis ng bahay dapat ang bisita ko... kasi house blessing namin sa April 8, eh hindi naman pwede na kami lang ni jim maglinis kasi nahiirapan nakong gumalaw. dahil madami naman silang dalang food niyaya na rin ni jim family nya na mag lunch sa bahay namin. binilhan ako ng cake ng MIL ko kaso di ko naman nakain kasi bawal ako sa sweets. (walang pics kasi nabura ata ni jim yung file =( sayang )

april 6 & 7 - nag overnight kami sa sariyaya, quezon. sa may Villa Del Prado kami pumunta. ok sana sya kaso dahil nga holyweek eh sobrang dami ng tao! hay! grabe yung tao. di nga ako naka ligo sa pool kasi ayaw ni jim kaya sa beach na lang ako nag babadad.
( click here para sa pics )

april 8 - easter sunday! ito ang pinaka nakakapagod... first, nag last minute linis kami ng bahay... so while nag lilinis kami si jim naman eh ni rush yung slide show para sa birthday ni MIL sa gabi. 430 dumating na yung pari para sa house blessing namin, nakakapagod kasi kailangan pala ikutin yung bahay eh ang bilis nung pari maglakad... eh 6 months nako di ako maka habol sa kanila... tapos umakyat baba pa sa bahay... sus! nakakapagod. after ng blessing kainan ng konti tapos bihis na ulit para sa birthday ni MIL. umalis na kami ni jim para sa party ni MIL, daming tao... mga 1030 natapos yung party tapos nanood muna kami ni jim ng ConAir kaya 1am na kami nakatulog. ( click here para sa house blessing pics... here naman para sa birthday ni MIL )

april 9 - holiday pa rin... naglaba ako ng mga damit namin, pero si jim ang taga buhat ng mga damit kasi di nako maka yuko. mga after lunch di ko na talaga kaya mag laba kaya nag nap muna ako hehehe akala ko short nap lang 5pm nako nagising... buti na lang tinapos ng mahal kong asawa yung labada ko. tapos umalis kami para mag grocery sa SM north. 10pm na kami naka uwi... nakakapagod... walang pahinga...

Monday, April 02, 2007

Our Weekend

ito mga nangyari nung weekend namin...

mar 31 - pumasok ako sa office. dumating na yung kama namin... yahoo!!! sabi ni jim sulit naman daw binayad namin kasi solid wood naman yung ginamit. so pag may kama dapat merong foam syempre mega swipe nanaman si jim ng cc nya para maka bili ng foam. hehehe.
so pumunta kami sa sm mega mall para bumili ng sala set kasi sa april 8 na yung house blessing namin. nakita na main yung gusto namin design kaso ayaw ni jim yung kulay kasi kulay pink hehehe. so ask ko yung guy if meron pang ibang kulay, wala na daw so ask ko if meron sa ibang branch ng sm... so after few mins bumalik sa sa sm cubao alng daw meron.
so pumunta kami ni jim sa sm cubao... pagdating namin dun wala pa yung sales clerck nung ssala naka coffee break pa daw... then we saw there yung kulay na babagay sa bahay namin (rust) brown yung kulay ang kaso... meron isang family na naka upo sa sala na yun. nakakatawa kasi as in di na sila umalis dun sa sala
iniba iba pa nila yung pwesto nung sala as in feeling at home talaga hehehe. so para walang away eh ang settle na lang kami ni jim sa moss green... second choice namin yung kulay na yun. tapos nag bayad na kami ang problem eh nakalimutan ko yung pin ng bank card ko
so pin ako nag bakasakali lang ****** wrong code... anak ng ?/@!#$% try ulit ****** shiyeeeettttt!!!! mali nanaman hay! hirap ng buntis may memory gap!!! so sabi nung cashier pag mali pa ulit ma block na daw yung card ko. so yung isang card na lang yung ginamit ko atleast yung alam ko yung pin...
nag settle na kami kung kelan e-deliver April 1 daw... naisip ko baka niloloko kami kasi Fool's Day ang April 1 hehehe... nag ikot ikot muna kami ni jim sa cubao tapos ayun! may nakita akong ATM booth so na temp akong i try ulit yung card ko... aba! tumama din!! ayos ang account balance ako tapos yun di na nilabas yung card ko
shiiiiyyyyeetttt!!! tlg nakakainis!!! yun pa naman inaasahan kong atm na may pera hehehe... so ni report ko agad tawag ako heller?!@#$% talaga lang nakakainis 20 mins akong naka hold eh naka celphone ako?! ayun after ilang try at ilang minutong pag hihitay na report ko na din
tapos after 3 to 5 banking days pa daw... hay! after holy week ko na sya makukuha... umuwi na kami... nagligpit nako ng gamit namin kasi lilipat na kami ng bahay... yahoo!!! nung naka pack na lahat nag paalam na kami sa in laws ko... pagdating namin sa bahay namin nag unpack lang kami then natulog na agad... di ako makatulog kasi ang ingay nung dog nung kapitbahay at
ang liwanag ng ilaw sa labas... namamahay ata ako kasi 3am na di pa rin ako nakatulog hay!

april 1 - di kami makaalis ng bahay kasi dadating yung sala namin!!! yahoo!!! mga after lunch wala pa rin kaya natulog na lang kami ulit ni jim... wala naman magagawa sa bahay namin wala kaming tv hehehe. mga 330 narinig ko may nag park sa harap ng bahay namin maingay na sasakyan... sinilip ko SM Home World yehey!!! dumating na din yung sala!!!
ginising ko si jim para bumaba... after ma settle eh naligo na kami para maka attend ng mass kasi Palm Sunday. na late kami sa mass... daming tao nasa labas na nga kami eh... tapos nung matatapos na yung mass pumasok kami para ma bless yung palaspas namin... aba! sabi nung pari di raw sya mag bless ng palaspas
kasi before mass na daw sya mag bless eh 7pm pa nung next mass 1 hr pa kami mag hihintay... hay!!! kaya yun umuwi na alng kami sabi kasi ni jim magpapa house blessing naman kami kaya dun na lang namin ipapabless yung palaspas = )

ayan ang weekend namin nakakapagod = )

Saturday, March 31, 2007

My Birthday Wish List = )

i want a...

Pink Robe...


Pink Slippers...


Pink Watch...


and a Magic 8 Ball... hehehe...



jim mag bassa ka ng blog ha...

Tuesday, March 27, 2007

Baby Names... 1 of many many... = )

isusulat ko na to bago ko makalimutan... meron aksi akong memory gap hehehe. para pag marami na saka na lang kami pipili... kagabi meron ng naisip si jim na name para sa baby namin... Joaquin Benjamin... hmmm ok ba? ok sakin kasi meron Ben hehehe pangalan ng tatay ko yan... hirap pala mag isip ng pangalan = )

Monday, March 19, 2007

Its a JimBOY!



last saturday nagpa congenital anomaly scan ako... sobrang excited ako kasi malalaman namin gender ng baby namin. 9am ang open ng ultrasound clinic, 7am pa lang eh gising nako eh 10 mins drive lang namain yung clinic samin.

845 umalis na kami... pag dating sa clinic eh akala ko kami na una kasi nga wala pang 9am, aba pang 4 na kami... mga 930 dumating na yung doktor... bigla akong ninerbiyos kasi baka may makitang defect sa anak namin at lahat kasi gusto boy anak namin eh pano kung girl? eh di malulungkot sila?

so tinawag na name ko, ako lang pinapasok sa room, tapos ask ko yung dr if pwede pumasok yung asawa ko... mamaya na lang daw... ( sa loob loob ko pag babae lumabas sa scan wag na tawagin yung asawa ko hehehe ) so scan na ang bilis nag salita nung dr ulo... brain... likod... spinal... stomach... tapos sabi nya ito ang bayag at titi... sabi ko ano po? paki ulit? lalake anak mo ... sabi ko matutuwa asawa ko nito...

so tinawag na si jim tapos inulit lang lahat ng sinabi sakin sa kanya... nakita nya na malikot yung anak namin... kasi pag gabi sabi ko gumagalaw ayaw nya maniwala sakin... kaya ayun naniwala na rin sakin na malikot. wala anman nakitang defect sa baby namin thank GOD tlg! so next na gagawin namin eh pag isip ng name ng baby... sabi ni mama dapat may BEN sa name hehehe... sana pumayag si jim... = )

Tuesday, March 13, 2007

boy or girl?

Boy or Girl?.... sa saturday na namin malalaman.... yahoooo!!! excited na kami!!!! = )

Saturday, March 10, 2007

Sugar Fix...

hay! lagot tlg ako kay jim pag nalaman nya to... i need it badly eh... feeling wala nakong energy pag di ako makakain ng matamis hehehe...

kaya kaninang lunch kumain ako ng ...



jollibee ice craze saba con yelo hehehe... wala lang nakita ko ksi na temp ako hehehe... = )

Wednesday, March 07, 2007

I Miss...

hay! im now 22 weeks pregnant... ang taba taba ko na... hirap ng gumalaw... ang dami kong namimiss... i miss...

chocolates...

cookies...

cupcakes...

ice cream...

brownies...

merengue...

mallows...

softdrinks...


hay! lahat ng matamis na mimiss ko huhuhu... di ako makakain ng matamis kasi mataas sugar ko... sabi ko nga sa ate ko pag nanganak nako pag dalaw nila sakin ayaw ko ng flowers dala dala nila... dapat cakes... ice cream... lahat ng matamis!!! grabe kahit panutcha pwede na basta matamis... minsan feeling ko wala nakog energy kasi wala nakong sugar sa katawan at ang mahal kong asawa eh sabi naguumarte lang ako gusto ko lang daw kumain ng matamis... hay!