Showing posts with label vacation. Show all posts
Showing posts with label vacation. Show all posts

Monday, April 13, 2009

1 month na lang


one month na lang at magbabakasyon na rin kaming 3! yahoo! di pa rin ako nag file ng leave. bahala na kahit di payagan wala naman kayaong magagawa no. di pa rin ako papasok. bayad na yun no. sarap 4 days na bakasyon. sana nice weather dun.

Monday, March 24, 2008

holy week - hidden valley

March 20 to 22 ( Maundy Thursday to Black Saturday ) punta kami sa Laguna. sa Hidden Valley kami nag holy week. grabe ang traffic nung papunta kami. yun na ata yung pinaka traffic na naabutan ko sa slex. susme! from alabang to san pedro eh halos 2 hours kami inabot. kawawa nga si dax kasi sya nag drive eh. kumpleto ang magkakapatid kaya nag decide si fil na mag outing. bihira kasi silang ma kumpleto. sa hidden valley kami nag stay for 3d/2n. grabe hirap mag impake! parang gusto kong dalhin buong cabinet ni waki (hahaha) kasi feeling ko sa liblib na lugar kami pupunta (hidden nga di ba?) kaya natatakot akong may maiwang gamit si waki. its better safe than sorry di ba? well diko naman dinala buong cabinet nya ( kalahati lang ) buti na lang at nag bf pa rin ako kahit paano kaya diko kailangan dalhin mga feeding bottles nya. yung buong likod ng crv eh gamit lang ni waki ang laman hehehe. laki kasi ng stroller nya eh buti nga diko naisip na dalhin yung crib nya! hehehe. so after 4 hrs nakarating na rin kami sa hidden valley. grabe! hidden talaga as in pasikot sikot yung daan. pero nice yung place. ang presko at ang daming puno. pagkadating namin nag lunch na kami agad. buffet... nothing special sa food nila. tama nga sabi ni fil na wag tikman lahat ng ulam kasi yung iba dun eh ulam din namin nung dinner = ) nagpahinga lang kami sandali tapos nag merienda, mga 3pm nag swimming na kami. sa warm pool muna kami nag swimming kasi yun ang pinakamalapit. sarap mag swimming sa mga ganung klaseng pool yung mga natural yung water kasi di ako nag worry if maka inom si waki ng tubig sa pool eh walang chlorine. konti lang tao... ayos nga eh kasi di masikip yung pool. daming koreans hehehe. hay! nakakaasar pa dito sa pool muntik mahulog si waki! grrrr! kasalanan ni jim yun eh. nananahimik kami ni waki sa mini pool tapos itong si jim kinuha sakin si waki aba! bigla ba naman nadulas grrr! buti na lang hawak hawak ko pa rin si waki kundi laglag talaga sa pool. hay! dahil umahon na lang tuloy kami ni waki medyo late na rin kasi at mukha ng prunes mga daliri ni waki kulubot na sa babad sa tubig. nag dinner kami ng mga 7pm. tapos nung natulog na rin kasi wala rin namang ibang pwedeng gawin.

next day maaga ako nagising. mali maaga nagising si waki kaya maaga din ako gumusing. nag breakfast muna kami. dami kong nakain hehehe at buti na lang madami akong kinain kasi malayo pala yung lalakarin namin that day. so lakad kaming 3. sabi ni jim sa hidden falls daw muna kami. susme! pagkalayo layo naman nung nilakad namin. buti na lang madami akong kinain nung almusal. kasama namin sila gil papuntang hidden falls. ang bigat ni waki tapos nakalimutan ko pa dalhin yung sling ko. nanginginig na braso ko sa pagbubuhat. so sa wakas after kilometers of walking nakarating na rin kami sa hidden falls. ang ganda kaso di pwedeng lumapit kasi malalim daw 35 feet. oh well nag picture picture na lang kami. pahinga sandali then lakad nanaman pabalik. naiwan sa lovers pool sila gil kami sa soda pool na lang kasi dipa naka swim wear si waki. so sa soda pool kami nag swimming kasama si fil at mil. nakakatawa kasi napapagod akong mag hawak kay waki kaya pinakapit ko sya dun sa pole. mukha syang tarsier! hehehe sayang nga diko na picturan kasi busy si jim mag swimming. tapos bigla na lang may foreigner na lumapit samin tapos nag paalam na kukunan nya daw ng picture si waki kasi cute daw. eh biglang sumagot si fil at umoo na kaya di nako tumanggi pa. after mag swimming sa soda pool nag lunch muna kami. nagpahinga sandali tapos nag swimming kami ulit. sa warm pool na lang kami nag swimming kasi di na kaya ng powers ko sa lovers pool. mga 4pm nag banlaw na kami at nag merienda. after namin kumain namasyal na lang kami. ayaw ko na mag swimming kasi baka masobrahan naman si waki at baka lagnatin. nilibot na lang namin yung place. wala masyadong pasyalan eh. kaya tumambay na lang kami sa isang rest area dun at umidlip sandali. mga 6pm bumalik na kami sa room namin nagbihis at nag dinner ulit. si jim nakipaglaro muna ng poker sa mga kapatid nya ako at si waki nanood na lang ng tv.

saturday- maaga kami nagising ulit. namasyal muna kaming 3 at nag picture taking hehehe. nag breakfast tapos nag ligpit na ng gamit. umidlip sandali si jim at waki. ako nag picture picture ulit sa labas. kina fil na kami sumakay pauwi. yung byahe namin pauwi 1 hr lang hehehe. bilis walang traffic. thanks kina fil and mil! next year ulit hehehe. = )

kami



waki big bato


cute floater


sarap!


warm pool


roots ng tree ang laki!

hidden falls

Wednesday, February 27, 2008

a very long weekend

hehehe... a very long weekend talaga kami ni jim. kasi 3 days na nga walang pasok nag extend pa kami. ang reason? wala lang tamad lang talaga pumasok kasi gloomy day eh. sarap matulog lang. ano ginawa namin ng long weekend? saturday merong lakad si jim. dahil hindi pumunta sila ate sa bahay kinulit ko si jim na isama kami. so pumayag din kaya first sa office nya kami tumambay. tapos biglang tumawag yung boss ni jim at pinapapunta na sya sa makati sports something. so pumunta na kami dun agad. may raffle kasi dun ang rotary 3 barand new cars ang mapapanalunan kaya medyo makulit yung boss ni jim kasi baka daw sumablay yung program na ginawa ni jim. akala ko eh makaka alis agad si jim dun sa makati sport club kaya sumama kami eh hindi pala kaya nagpahatid na lang kami sa glorietta at namasyal kamng 2 ni waki. grabe! akala ko eh kakayanin ko na ako lang mag isa mag alaga kay waki susme! sumakit mga braso ko. hehehe daming beses ko umupo kasi sakit na talaga braso ko. nalibot na namin ni waki buong glorietta at sm. kakapagod pero ok lang kasi nakabili naman ako ng floater ni waki for our trip sa pansol on monday.

sunday tambay lang sa bahay ng morning tapos nag simba kami nung gabi. dinner at sweet insperation sa katipunan at hay! naka basag ng baso si waki hehehe. nilagay ko sa likod nya yung baso para di nya matabig. aba kamag anak yata ni lastikman itong anak ko at umabot sa likod ang kamay nya kaya yun natabig nya yung baso ng grape shake ko at nabasag. hehehe

monday 8am umalis kami papuntang pansol. gloomy ang panahon kaya akala ko hindi na makakaswimming si waki. pagdating namin ng pansol eh medyo mainit pa. so piang swimming ko si waki. nung una enjoy naman sya. nung nilagay na sya sa floater nya eh umiyak sandali tapos nung nakita nya si "friend" yung dolfin eh natuwa na sya ulit. sarap nung tubig kasi di sya malamig at di din masyado mainit. twice nga naligo si waki eh. saya sana if marami kami.


sitting @ daddy's chair


daming basura sa office mo daddy

sa elevator

going to pansol

with cousins... ate daphne and ate nadine

playing with my floater


with daddy


wag nyo akong iyan mag isa dito

Tuesday, November 06, 2007

Waki 5 months , Monte Vista Clark

last oct 30 5 months na baby waki ko! grabe bilis ng panahondati binyag lang pinaplano ko ngayon first birthday na hehehe. pumunta sila ate sa bahay. cake, bake mac at chicken handa ni waki. happy 5th month baby waki love you!







~0~

nov 2 and 3 pumunta kami sa Monte Vista sa Clark Pampanga. first time ko pumunta dun. wala naman kaming ginawa nung first day. sa bahay lang kami kasi malayo yung place namin sa may pool kaya tambay lang kami. tagal pa nga namin nag hintay eh kasi ang check in 2pm parang 3 na kami naka check in tapos yung isang room lampas 4pm na nabuksan! the next day nag swimming kami sa napaka liit nilang pool. sus! parang 10 people lang kasya dun. nag enjoy naman si waki sa pag "swimming" nya. di ko naman sya nilubog sa tubig naka sakay lang sya dun sa mini pool nya. nakatulog pa nga sya sa may pool hehehe. mga 10am dumating na yung tickets na binigay ni tito mel nga ba yun? basta meron nagbigay ng ticket sa may Fontana Water park. dito masaya malaki na pool kaso daming bawal ekek. yung sando ko nga pinahiram ko pa sa angel ko eh para lang makaligo sya sa pool. nakita pa namin some of the candidates para sa Ms Earth. kainis nga eh kasi ako may hawak nung cam kaya ako yung walang pic. enjoy naman bakasyon namin kaso nagkasakit pako...huhuhu hinihika ako ngayon. = ( more pics sa multiply