Tuesday, April 10, 2007

Nakakapagod na Holy Week

5 days ang bakasyo pero feeling ko kulang pa rin yun... grabe! super nakakapagod yung bakasyon, feeling ko wala kaming pahinga ni jim.

april 5 - Birthday ko! hehehe... wala dapat handa kasi nga Maundy Thursday na. yung family ko plus the 3 angels to help us sa paglinis ng bahay dapat ang bisita ko... kasi house blessing namin sa April 8, eh hindi naman pwede na kami lang ni jim maglinis kasi nahiirapan nakong gumalaw. dahil madami naman silang dalang food niyaya na rin ni jim family nya na mag lunch sa bahay namin. binilhan ako ng cake ng MIL ko kaso di ko naman nakain kasi bawal ako sa sweets. (walang pics kasi nabura ata ni jim yung file =( sayang )

april 6 & 7 - nag overnight kami sa sariyaya, quezon. sa may Villa Del Prado kami pumunta. ok sana sya kaso dahil nga holyweek eh sobrang dami ng tao! hay! grabe yung tao. di nga ako naka ligo sa pool kasi ayaw ni jim kaya sa beach na lang ako nag babadad.
( click here para sa pics )

april 8 - easter sunday! ito ang pinaka nakakapagod... first, nag last minute linis kami ng bahay... so while nag lilinis kami si jim naman eh ni rush yung slide show para sa birthday ni MIL sa gabi. 430 dumating na yung pari para sa house blessing namin, nakakapagod kasi kailangan pala ikutin yung bahay eh ang bilis nung pari maglakad... eh 6 months nako di ako maka habol sa kanila... tapos umakyat baba pa sa bahay... sus! nakakapagod. after ng blessing kainan ng konti tapos bihis na ulit para sa birthday ni MIL. umalis na kami ni jim para sa party ni MIL, daming tao... mga 1030 natapos yung party tapos nanood muna kami ni jim ng ConAir kaya 1am na kami nakatulog. ( click here para sa house blessing pics... here naman para sa birthday ni MIL )

april 9 - holiday pa rin... naglaba ako ng mga damit namin, pero si jim ang taga buhat ng mga damit kasi di nako maka yuko. mga after lunch di ko na talaga kaya mag laba kaya nag nap muna ako hehehe akala ko short nap lang 5pm nako nagising... buti na lang tinapos ng mahal kong asawa yung labada ko. tapos umalis kami para mag grocery sa SM north. 10pm na kami naka uwi... nakakapagod... walang pahinga...

No comments: