friday night nagkita kami ni ate. niyaya ko sya mag dinner kasi binigay na yung 13th month pay namin hehehe. sa G1 na lang kami nag dinner kasi late nako naka labas sa office. Sa may Cafe Meditereanean kami nagdinner. sa totoo lang di ako nasarapan hehehe. nakakatawa a kasi first time namin ni ate kumain dun so tagal namin maka order, so nag suggest yung waiter na Lamb Stew daw ang best seller nila. so yun ang inorder ni ate at ako naman eh grilled chicken, lemonade ang drinks namin at pana cotta na dessert. pagdating nung Lamb Stew tinikman ko agad kasi sabi nung waiter eh best seller. natawa ako kasi lasang caldereta lang naman sya nothing special hehehe. tapos yung pana cotta di masarap. so after dinner dahil late na nga eh umuwi na lang kami ni ate. wait kami ng taxi kasi pareho kaming pagod sa paglakad ng malayo. mga after 20 mins wala pa rin taxing dumating kaya nag decide ako na mag bus na lang kasi late nanaman at naghihintay pa si jim sa may robinson. so nag bus kami... pag dating namain sa may Glorietta (Ayala) bigla ba naman hinuli ng Security Guard yung bus na sinasakyan namin. bawal daw mag sakay dun. heller?! alam ko pag late night na pwede na magsakay dun. so dahil nga Security Guard lang nanghuhuli di pinansin ng driver sabi nya tumawag muna sila ng makati police saka nya ibibigay yung lisensya nya. at yung 2 sikyu eh tumayo sa HARAP nung bus para di kami maka aalis. ang ang driver hinarang nya sa @ lanes ng Ayala Ave yung Bus nya susme! tlg! and traffic na tuloy! kainis pa ayaw kami pabababain nung bus driver kasi bawal daw magbaba dun eh 20 mins na kami dun di naman umaandar. kaya nung meron nag drama na mama na umiiyak na yung batang kasama nya eh nagmadali din kaming lumabas ni ate at baka magkagulo pa sila. hay! malas tlg. sabi ko nga kay ate pag magkasama kami sa makati lagi kaming minamalas sa daan hehehe kundi ang haba ng nilalakad namin nahuhuli yung bus na sinasakyan namin hehehehe.
~0~
saturday birthday party ni FIL. late na nga kami nakapunta kasi tagal dumating nila papa. so pagdating derecho ako agad sa may hall eh buhat ko si waki, bigla ba naman tumugtug yung band nagulat si waki kaya yun nagiiyak. ang tagal tumigil. kaya nandun lang kami sa labas para tahimik hehehe. nung naka dede na at nakatulog eh yun pumasok na kami ulit at nasanay na rin sa ingay. medyo nainis pako kasi sabi ni jim magbibigay daw ako ng message cum speech para kay FIL kasi nung birthday ni MIL yung SIL ko ang nag message ko dapat daw ngayon ako naman. eh hello si SIL months before MILs birthday alam na nya na magbibigay sya ng speech/message so napaghandaan nya eh ako as in that day mismo so nainis talaga ako kasi di ako marunong sa mga ganun talaga. buti na alng di nila tinuloy kundi Happy Birthday lang talaga masasabi ko dun hehehe. after ng party nag trinoma kami. naghahanap kasi ako ng munchkin nag bakasakali akong meron dun kaso wala eh. meron pako akong nakitang baby hav sale kasi broken size daw. kainis nga kasi ayaw bilhin ni jim para kay waki. di pa naman daw naglalakad si waki so bakit ko daw bibilhan ng ganun kamahal na slippers. hay!
~0~
sunday family dinner with the sandovals kasi birthday nga ni FIL. sa Kimpura kami nag dinner. hay! daming tao sa GH. balak ko sana mamasyal pa kaso nakikisabay lang kami kaya umuwi din kami agad after dinner.
~0~
mamaya pupunta ako sa office ni jim kasi meron 3rd celebration para sa birthday ni FIL. hehehe 3 days ang celebration kasi 60 years old na sya. = )
No comments:
Post a Comment