Wednesday, February 27, 2008

a very long weekend

hehehe... a very long weekend talaga kami ni jim. kasi 3 days na nga walang pasok nag extend pa kami. ang reason? wala lang tamad lang talaga pumasok kasi gloomy day eh. sarap matulog lang. ano ginawa namin ng long weekend? saturday merong lakad si jim. dahil hindi pumunta sila ate sa bahay kinulit ko si jim na isama kami. so pumayag din kaya first sa office nya kami tumambay. tapos biglang tumawag yung boss ni jim at pinapapunta na sya sa makati sports something. so pumunta na kami dun agad. may raffle kasi dun ang rotary 3 barand new cars ang mapapanalunan kaya medyo makulit yung boss ni jim kasi baka daw sumablay yung program na ginawa ni jim. akala ko eh makaka alis agad si jim dun sa makati sport club kaya sumama kami eh hindi pala kaya nagpahatid na lang kami sa glorietta at namasyal kamng 2 ni waki. grabe! akala ko eh kakayanin ko na ako lang mag isa mag alaga kay waki susme! sumakit mga braso ko. hehehe daming beses ko umupo kasi sakit na talaga braso ko. nalibot na namin ni waki buong glorietta at sm. kakapagod pero ok lang kasi nakabili naman ako ng floater ni waki for our trip sa pansol on monday.

sunday tambay lang sa bahay ng morning tapos nag simba kami nung gabi. dinner at sweet insperation sa katipunan at hay! naka basag ng baso si waki hehehe. nilagay ko sa likod nya yung baso para di nya matabig. aba kamag anak yata ni lastikman itong anak ko at umabot sa likod ang kamay nya kaya yun natabig nya yung baso ng grape shake ko at nabasag. hehehe

monday 8am umalis kami papuntang pansol. gloomy ang panahon kaya akala ko hindi na makakaswimming si waki. pagdating namin ng pansol eh medyo mainit pa. so piang swimming ko si waki. nung una enjoy naman sya. nung nilagay na sya sa floater nya eh umiyak sandali tapos nung nakita nya si "friend" yung dolfin eh natuwa na sya ulit. sarap nung tubig kasi di sya malamig at di din masyado mainit. twice nga naligo si waki eh. saya sana if marami kami.


sitting @ daddy's chair


daming basura sa office mo daddy

sa elevator

going to pansol

with cousins... ate daphne and ate nadine

playing with my floater


with daddy


wag nyo akong iyan mag isa dito

Monday, February 18, 2008

happy valentines and our weekend kwento

belated happy valentines sa lahat. hehehe. anong ginawa namin ni jim nung valentines? wala hehehe. late na kasi ako naka uwi nun kaya umuwi na lang kami sa bahay.

~0~

saturday, pumunta kami ni waki (yes kami lang 2 ni waki kasi rest day ni jim ang weekend) sa novaliches. foundation day kasi ni jc sasayaw daw sya. 9am nandun na kami. late na nag start yung field demo. kawawa nga yung mga bata kasi ang init na di pa rin sila tapos sumayaw. medyo nag reminisce kami ni ate kasi yung theme nung foundation eh 80's hehehe. sumayaw pa yung isang group ng "shake body body dancer" hehehe. aliw talaga. diko type yung sayaw nila jc ngayon. parang ang simple lang. sumayaw sila ng "zaido" hehehe baduy. after ng sayaw ni umalis na kami agad, di na namin tinapos yung show. pumunta kami sa sm fairview. hay! i miss yung mall na yun. dati nung dalaga pako eh every week nandun kami. pasyal lang... if may pera kakain kami dun if wala naman eh pasyal lang talaga nagpapalamig lang kami dun hehehe. pag dating ng sm kumain kami sa goldilokcs tapos nag libot libot na kami. grabe aliw na aliw si waki sa toy kingdom! like nya yung mga toys na lumilipad sa itaas hehehe. tapos pina try ko sya sa mmga floaters. gusto nya yung parang boat. nag ikot pa kami nakita ko nanaman yung leapfrog na drums. hay! aliw si waki dun as in palo sya ng palo aliw na aliw sya kasi pag papaluiin yung drums eh tutunog. muntik ko na nga mabili yun kaso mahal eh mas mura sa states. (papabili ko na lang kay mama hehehe) after mag ikot ikot umuwi na rin kami. meriends sa bahay sa nova then nagpa sundo na kay jim. pagkasundo nag snack muna kami sa aming favorite bbq kay mang larry sa UP hehehe.



jc with friends


watching jc dance

zaido dance


@ goldilocks sm fairview


me, ate and waki


happy waki sa boat


leap frog drums


grabe ang laki ni jennifer



@nova pap-b and mom-z's house


with pap-b the nanny for the day


planggana chair

uncle jc naman umupo sa planggana chair

pa cute sa cam

Wednesday, February 13, 2008

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

na receive ko to sa email. grabe! naiyak talaga ako. na miss ko tuloy ang nanay at tatay ko = ( simula kasi nung nag asawa ako bihira ko na makita parents ko. lalo na nung nabuntis ako = ( ngayon 4 times a month ko lang nakikita tatay ko, nanay ko naman nung august ko pa huling nakita hay! na mimiss ko tuloy sila. hay! gusto ko ng umuwi ng novaliches waaaa!!!! basahin nyo rin...

~0~

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa
tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng 'binge!' paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang
gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan
ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong
pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo
na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi
sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng
aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo
sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang
kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na
lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Monday, February 11, 2008

12th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta!

kahapon pumunta kami sa 12th Phil. Int'l Hot Air Balloon Fiesta at Clark Field Pampanga. nabasa ko kasi to sa isang blog na lagi kong pinupuntahan. mukhang maganda kaya niyaya ko si jim na pumunta kami dun. sabi dun sa blog at sa website exactly 530am mag start na mag inflate yung mga balloons. 230am gising na kami ni jim. inayos ko na mga gamit ni waki. hirap mag biyahe ng may dalang bata daming bitbit. di ko muna binihisan si waki kasi natutulog pa. mga 330am umalis na kami ng bahay. sa NLEX nag hahanap kami ng mcdonalsa na pwedeng kainan. hay! naka 3 na kaming gas station puro jollibee lang tapos may nakita na kaming sign ng mcdonalsa syempre natuwa kami kasi gutom na kami. hay! bad trip talaga di sya 24hrs open sarado pa! isa pa nakakatawa lumagpas pa kami ng exit. dapat angeles ang exit namin sa dau kami napunta pero ok na rin kasi mas malapit sya. 5am nasa clark na kami. kumain muna kami sa jollibee no choice kasi yun lang open. binilisan na lang namin kumain kasi feeling ko madaming tao. di nga ako nag kamali ang dami ngang tao. layo na ng na parkingan namin. pagdating namin dun gising na si waki. pinalitan ko na lang sya ng diaper at binihisan. kainis nga kasi naiwan ko yung pulbo! hay! so after ko mabihisan pumasok na kami. grabe daming tao. pinahanap ko si jim ng magandang ma pwestuhan namin. napunta kami sa dulo pero ok naman kasi kita pa rin namin yung balloons. walang upuan kaya nakatayo lang kami ni jim. buti na lang dinala namin yung stroller kundi hay! pagod talaga ako sa pagbubuhat kay waki. 530am nag start na dumating ang mga balloons. 21 balloons lahat ang dumating. 1st balloon na lumipad eh yung sa SM clark. bilis lang nila e inflate nga balloons. bale out of 21, 3 lang hindi lumipad. mga 730 tapos na lahat ng balloons. sabi nung announcer next show will be the sky diving. sabi ko kay jim wait namin yun kasi 65 sky divers daw ang mag dive. nag ikot ikot muna kami. aliw si waki sa mga kites. nainis lang ako kasi delayed lahat nung shows. sabagay di kasi maganda yung panahon. medyo gloomy... mahangin daw masyado kaya di maganda para sa isang air show. mga 8am nag start na yung sky diving... cute nila para silang kabute sa langit hehehe. akala ko kasi mag form sila ng shapes sa sky kaya hinintay ko. tapos yun pala wala lang nag dive lang sila yun lang nothing special. kaya yun nag yaya nakong umuwi. sabi nga ni jim di na kami babalik next year. hehehe. pero nice naman yung balloons.


happy baby waki @ 530am


kami sa likod ng balloon na hindi lumipad


sleepy waki

ya! tigidig!


Friday, February 08, 2008

bonnet

last night pumunta kami ni jim sa mega mall para kunin yung package ni mama. sus! ang liit lang pala. ang laman lang eh yung psp ni jc (buti pa sya), 2 old cel phones, key holder, nail clipper (sus! pati ba naman ito ipadala pa?), batman bag at bonnetsss ni waki. hehehe. pinadalhan ni mama si waki ng bonnet kasi yung ginagamit nya eh maliit na sa kanya na pasalubong ni Kuya G galing Baguio dati. cute ng mga bonnet na pinadala ni mama kaso nakalimutan ata ni mama na wala naman snow dito sa pinas? hehehe... kaya pag dating namin sa bahay pina try ko agad ang mga bonnet nya kay waki at ang aking anak eh nag enjoy naman sa pag sukat at mega smile pa sa camera hehehe = )



merry xmas? hehehe late na


yo man! hip hop anak ko = )


lamig... grrrr... wala naman snow dito eh

Tuesday, February 05, 2008

sa wakas...

... binilhan na rin ako ni jim ng crocs nyahahaha! thanks ya! christmas gift to ha iba pa yung birthday gift mo hehehe. thanks din pala kay kuya G kasi sya bumili nito sa SG, sale daw 10% off = )

Monday, February 04, 2008

waki...marie!

last sunday first time ko pinakain si waki ng MARIE! hehehe nagustuhan naman nya. naubos naman nya yung 1 pack. dahil G6PD positive ang anak ko madaming food na bawal. kalungkot nga kasi bawal sya sa soya so bawal sa taho = ( para tuloy hindi sya batang pinoy! kaya masaya ako na nagustuhan nya yung marie atleast parang batang pinoy pa rin sya kahit paano. = )




mukhang masarap to ah...


masarap nga...


ma... ma.. help...


ma... im choking...


sarap = )

waki 8 months

jan 30- 8 months na si waki! di na kami nag handa kasi may sakit si waki =( bumili na lang ako ng cake sa red ribbon.



huh?!@#$


mukhang masarap to ah...


family pic...


happy 8 month to me! sayang walang feb 30 hehehe

Wednesday, January 30, 2008

our weekend, waki's sick etc...

hay! lagi na lang ganyan title ng blog entry ko hehehe. weekly basis na lang talaga pag post ko dito. anyway, saturaday nag lunch kami with high school friends. dumating kasi si boogie from chicago eh aalis na din agad sa tuesday kaya yun madalian nag lunch na lang kami. sinama ko si jim and waki. pag uwi namin napansin ko na mainit na si waki =( nilalagnat na sya 38.5 hay! madaling araw ng sunday nawala lagnat nya pero sabi ko kay jim papa check up pa rin namin si waki. sunday morning pina check up namin na prapraning kasi ako baka dengue ba kaya gusto ko pa kuhaan na agad ng dugo. di kinuhaan ng doctor kasi masyado pa daw maaga. wala din daw makikita sa blood test hay! so umuwi kami at obserbahan daw si waki. if may lagnat pa rin ng tuesday pa kuhaan na daw ng dugo. so monday di ako pumasok kasi may lagnat pa rin si waki pero nawala na ng hapon bumalik lang ulit tuesday morning. tuesday morning may lagnat pa rin si waki kaya pina check up namin ulit. sabi ng pedia baka daw UTI hay! pati ba naman sakit eh namana pa sakin ni waki. sabi ng pedia pag nilagnat pa ulit pa urinalysis ko na daw. buti na lang di na ulit nilagnat mula kahapon hanggang kaninang umaga. sana di na ulit lagnatin.

Wednesday, January 23, 2008

My Binata

mukhang binata na anak ko dito hehehe

goodies = )



last saturday we went sa eastwood kasi nag treat si diko ng dinner birthday nya kasi. after dinner namasyal muna kami ni jim. syempre pumunta kami sa favorite place ko sa toy town hehehe. kundi sa baby section e sa toy section ako lagi pag nasa mall kami. so sa toy town kami pumunta. may gusto kasi akong balikan na mga toys na naka sale para kay waki. hehehe. i dont buy toys na hindi sale. ewan ko feeling ko kasi pagsasawaan din naman agad so bakit ako bibili ng mahal? anyway... nakabili ako ng toys para kay waki. 3 toys for only 250 hehehe branded toys yung ha fisher price at first years hehehe. kailangan nga lang labhan kasi medyo madumi na sya. pero ok pa naman condition nung toys. gustong gusto ko yung elephant na may salamin cute cute.... pati yung monkey na umiikot hehehe.

sunday sa may riverbanks naman kami pumunta. nakabili naman ako ng pokemon monster ball for only 50 pesos para kay jc naman. 150 kasi yung bili namin dati sa mall. kaya nung makita ko na 50 lang eh syempre binilhan ko na agad si dear brother. 2 pa binili ko hehehe. after sa SOS sa price off naman kami pumunta... nakakita ako ng comforter SALE ulit (hehehe) kaso rectangle yung shape nya eh ayaw ko g ganun... tapos yung mga square yung shape eh puro pang babae hay! sayang... naghiwalay kami i jim after sa price off... ako sa Guess Company store sya sa Van Heussen? (tama ba?) hay! pag dating ko ng ng guess daming tshirt at polo shirt na SALE (hehehe) hay! nakaka temp bumili kaso dami pang shirts/polo si waki na di pa nasusuot. so hanggang tingin tingin na lang muna ako. aba sa kakatingin ko eh may nakita akong shorts ang cute cute talaga. pinabili ko na kay jim. sayang SALE kasi. hehehe... happy ako sa mga nabili kong SALE nyahahaha

Tuesday, January 22, 2008

bad mommy = (

hay! di ako pumasok kahapon kasi pag gising ko eh namamaga yung left eye ni waki. hay! hay! kinagat ata ng langgam. kakainis! pati yung batak, arms at cheeks nya may kagat! kakainis tlg! bad mommy tlg! huhuhu!

Friday, January 18, 2008

not a good day

yesterday was not a good day for me = (
  • mali ang nasakyan kong fx pauwi. hay! badtrip tlg! imagine taytay junction nasakyan ko imbes na landmark?!@#$ susme! so sabi ko ibaba ako sa buendia, nagbayad ako... aba pagkabayad ko eh binababa ako sa kabilang kanto at dun daw ako sumakay ng landmark at di nya sinauli yung pamasahe ko = ( nilakad ko na lang sana )
  • pagdating ko sa mrt sira ang escalator. so mega akyat ako. pag dating ko sa taas hay! di nagpapapasok. may problem sa train hay! so pumunta muna ako sa sm para palipas oras at bumili na rin ako ng knee pads para kay waki.
  • nag text ako kay papa para tanungin if sasama ba sya sa wake. nag reply si ate sabi tawag daw ako at si papa daw... so tumawag ako umiiyak si ate (naman!) diko naiintindihan yung sinasabi nya puro si papa... si papa... susme! ano ba?!@ may nangyari ba? tanong ko kay ate. yun pala eh nagkaroon sila ng misunderstanding... hay! kainis! pati tuloy ako umiiyak na sa loob ng car namin. akala siguro ng asawa ko nasisiraan nako ng bait nyahaha! my oh my! hirap ng life!

Thursday, January 17, 2008

angelina jolie lips

last week i woke up na masakit ang upper lips ko. dahil inaantok pako ginising ko si jim para tingnan ang lips ko kasi feeling ko namamaga. sabi ba naman ng mahal ko asawa (ewan ko ba dahil siguro sa antok) "oo namamaga... kamukha mo na si angelina jolie" nawala tuloy antok ko at tawa kami ng tawa

Tuesday, January 15, 2008

Despedida Dinner for Frenny

last night nagkita kita kaming barkada. this will be the last time na kumpleto kami for the next 3 years lang naman kasi our dear friend frenny eh sa dubai na mag wowork. sa napolis kami nag dinner as usual ang ingay namin. ang favorite topic nung gabi eh yung cleavage ni mimi nyahaha!!! kasi kita yung cleavage nya dun sa suot nyang blouse eh kasama ko si jim kaya inasar nya si mimi na nakakawalng gana daw kasi nakikita nya yung cleavage ni mimi. hehehe. after dinner na super busog kami dumerecho kami sa house ni wendy. mag iinuman sana kasi birthday ng kasambahay nya. so bitbit namin yung natirang fod sahouse kami ni wendy tumambay. grabe ang cute ng pug ni wendy si rem! ay! gusto ko din nun kaso ang mahal 12k?!@#$ sus! ipambili ko na lang ng food ni waki mas ok pa. kwentuhan kami sa may dining area nila. dami nilang dogs at ang cute pa ng mga names. si tax na isang mini pinscher na akala mo eh napakalaking aso. kung tumingin sa tao eh akala mo kayang kaya nyang labanan hehehe. si rem (short for remedial) ang aking favorite na dog sa lahat ay isang pug. ang cute cute nya talaga. pag tinatawag mo sya titingin sya sayo tapos e tilt nya yung head nya na parang nakikipag usap talaga sayo. at si consti (short for constitution) ay isang mongrel. ano daw? ito ang explanation... so tinatanong ko si wendy anong breed ng mga dogs nya sabi nya...

kai: wendz, anong lahi ni consti?
wendz: mongrel
kai:(biglang napaisip) ano?
wendz: mongrel
kai and the others na nakikinig: (lahat nag iisip)
kai:(nagsasalita sa isip) eh mukhang askal lang yun may lahi pala yun...
kai:(di makatiis kaya nagtanong na) ano yung mongrel?
wendz: mongrel=askal
kai and the others: natawa

so that is the word of the night. ang saya! = )

my friends since 6th grade ... mimi, wendy, frenny, jenny, lot and me

Monday, January 14, 2008

Happy 58th Anniversary Grandma and Grandpa and other kwentos

nakakapagod! feeling ko hindi weekend. parang walang pahinga.
  • saturday scheduled check up ni waki. maaga pa lang nag ayos nako ng mga dadalhin. 10am tumawag na kami ng delos santos para magpa lista na. nagbihis na kami kumain at nung aalis na kami may nag tex kay jim... si dolor yung sec ng pedia ni waki, hindi daw makakapag clinic si dra masangkay. hay! oh well.
  • dahil nakabihis na kami niyaya ko na lang si jim na pumunta ng ark avilon, pagkatapos sana sa ark avilon eh mag grocery kami sa hypermart pasig. himala pumayag si jim. nung papunta na kami... hay! biglang umulan... kakainis talaga. kaya nag grocery na lang kami.
  • sunday nag simba kami. 1030am mass kami kasi may lakad mga inlaws ko kaya maaga kami nagsimba. sa chocolate kiss kami naglunch.
  • 5pm pumunta pa muna kami kina mang larry hehehe bago pumunta sa bf. kumain muna kami ng bbq tapos nag shoppers na para bumili ng mini cupcakes. 50 pcs na binili ko. akala ko marami na yun hehehe mali ako.
  • 7pm dumating kami sa bf. grabe ang daming bisita. yung dala kong mini cupcakes wala pang 3 mins ubos na agad. hehehe. dahil sa dami ng tao cranky na si waki. nung una happy pa dahil siguro sa kakatawa eh kinabag. kaya yun napaaga kami ng uwi.
Happy 58th wedding anniversary grandma and grandpa! wow 2 years na lang 60th na. sana kami din ni jim umabot ng ganun katagal. = )

(wala akong pics kasi nag cranky na si waki)

Friday, January 11, 2008

LRT, Amilyar, Meralco atbp

kahapon di ako pumasok kasi may mga bagay na dapat kaming asikasuhin. first na insaikaso namin is yung amilyar. si jim nag renew ng MCF card nya. akala ko pwede kaming 2 meron nun kaya mag aaply sana ako. pagdating dun sinsabihan ako na 1 card per family lang ang pwede. hehehe. so pagkakuha ni jim ng card derecho na kami agad sa pagbayad ng amilyar. kumuha si jim ng number 274 susme! 200 pa lang ang na serve 74 pa hihintayin namin. buti na lang walang lunch break kaya tuloy tuloy. after 2 hrs (yes 2hrs!) turn na namin. binigay ni jim mga papeles only to find out di pa kami pwede magbayad kasi di pa daw na untag yung record sa lupa namin. hay! so punta kami sa city assessor's office para mapa untag yung sa lupa. aba! absent si assessor at wala daw ibang gagawa... ganun?! pinababalik pa kami kinabukasan... hay! so no choice kami kundi bumalik na lang kami kinabikasan... bigo kami hehehe. next stop namin is sa meralco. umuwi muna kami kasi kukunin ni jim yung psp ni BIL para may magawa naman sya habang naghihintay sa meralco. dumaan muna kami sa sec ng subd para tanungin ano na nangyari sa Bond namin. ayos naman naging usapan nila kasi di na kami magbabayad ng monthly dues hanggang Oct yehey! naiwan na lang ako sa bahay di nako sumama sa merelco. nag alaga na lang ako kay waki. bigo din si jim sa meralco. daming hinihinging papeles. hay! mga 6pm umalis kami para bumili ng SD card. first time ni waki sumakay ng lrt at natulog lang sya! hehehe ang laming kasi sa loob ng train. so far sa lakad namin kahapon yung sa SD card lang kami wagi hehehe. = )

Monday, January 07, 2008

Our Weekend Again hehehe

  • sa house namin natulog ulit sila papa. hehehe mukhang every weekend eh dun sila natutulog. ok lang kasi atleast may taga bantay kay waki.
  • nakakaupo na si waki with minimal support. hehehe.
  • di ko alam kung bakit pero lagi umiiyak si waki pag karga ni MIL. nakakainis nga eh... baka ano isipin ni MIL. maybe because sa voice ni MIL? parang laging sumisigaw/galit? hehehe
  • first time umiyak ni waki while nasa mass kami. di ko alam kung bakit basta bigla na alng umiyak = (
  • naka bili na rin ako sa wakas ng teether hehehe. sale sa toy town eastwood 100 lang 1st years na tatak. dami ko nga gustong bilhin kaso nagmamadali kami kasi nakikisabay lang kami kina MIL.

Wednesday, January 02, 2008

Welcome 2008!

HAPPY NEW YEAR!!!!!!


  • dec 29- pumasok pako sa office kasi ako ang duty. si jim nagbantay kay waki kasi nagbakasyon ang yaya nya. nag meet kami ni ate sa trinoma to plan for our media noche menu (hehehe as if madaming lulutuin). nagikot ikot muna kami sandali sa trinoma. dun nakita ko ang animaland store sya na naglilinis ng mga stuffed toy. syempre nag inquire ako agad. balak ko kasi ipalinis si babay J. mura lang pala 500 pesos lang admission nila included na yung cleaning at re stuffing. kaso ang tagal bago makuha ulit 2 weeks after pa! pero papagawa ko pa rin. xmas gift ko kay baby j hehehe. nakuha ko na christmas gift ni ate para kay waki... a cutie shoes = ) after sa trinoma we went sa robinson para mag grocery.... my goodness ang daming tao! pero no choice kami kaya nag grocery na lang kami.
  • dec 30- 7 months na baby ko. ate cooked pancit and we bought na lang a cake sa fortune bakeshop. sabi nga ni jim dapat daw sa dec na lang kami naghanda para isang handaan na lang. late na nya sinabi eh nakabili nako ng ihahanda. nagsimba kami, while sila ate naiwan sa bahay para maghanda. pagdating namin sa house kumain lang ako sandali then umalis na kami to watch the fireworks display sa may riverbanks. every year nanonood kami ni jim nito kaso last year na late kami ng punta kasi may party kaming pinuntahan. sa malayo kami naka pwesto kasi baka magiiyak lang si waki sa tunog ng fireworks. nung nag start na yung fireworks display akala ko iiyak si waki hehehe hindi pinanood nya lang yung fireworks... hindi sya umiyak hehehe. di maganda ngayon yung fireworks display nila. parang ang bilis bilis lang. mas maganda pa yng dati. after nun eh umuwi na kami at kinain namin yung cake ni waki.
  • dec31- new years eve. umuwi muna sandali sila papa para pakainin ang mga dogs at cats sa bahay. kami nila ate at jc eh tumambay lang at nanood lang sa cable. si jim umalis (as usual hehehe ) 6pm nag prepare na kami ng handa namin for media noche. nakakatawa kasi ang tagal namin naka tambay sa bahay late na namin naisip na wala pala kaming drinks. kaya umalis kami nila at at jc at pumunta sa robinson. buti na lang eh walking distance lang samin. pagdating namin eh mag close na sila buti na lang umabot kami. 9pm nagstart na kami magluto. tuna carbonara, pork bbq, cheese sticks, ham at mango ref cake for dessert. 1130 meron ng nagpapaputok ng mga fireworks. gaganda... sabi ko nga kay jim next year di na kami pupunta sa riverbanks. mas madami pang magagandang fireworks samin eh hehehe. muntik pang malaglagan ng "flare" ba yun yung bahay namin buti na lang humangin kaya sa kapitbahay nalaglag. si waki natulog lang... gumising sandali tapos tulog ulit.

Saturday, December 29, 2007

Yaya less Again

hay! yayaless ako ulit. my yaya is on vacation at sa Jan 2 pa babalik. gosh! wawa naman si jim walang katulong magalaga kay waki kasi i have work today. bonding time nilang mag ama ngayon hehehe.