Friday, January 11, 2008

LRT, Amilyar, Meralco atbp

kahapon di ako pumasok kasi may mga bagay na dapat kaming asikasuhin. first na insaikaso namin is yung amilyar. si jim nag renew ng MCF card nya. akala ko pwede kaming 2 meron nun kaya mag aaply sana ako. pagdating dun sinsabihan ako na 1 card per family lang ang pwede. hehehe. so pagkakuha ni jim ng card derecho na kami agad sa pagbayad ng amilyar. kumuha si jim ng number 274 susme! 200 pa lang ang na serve 74 pa hihintayin namin. buti na lang walang lunch break kaya tuloy tuloy. after 2 hrs (yes 2hrs!) turn na namin. binigay ni jim mga papeles only to find out di pa kami pwede magbayad kasi di pa daw na untag yung record sa lupa namin. hay! so punta kami sa city assessor's office para mapa untag yung sa lupa. aba! absent si assessor at wala daw ibang gagawa... ganun?! pinababalik pa kami kinabukasan... hay! so no choice kami kundi bumalik na lang kami kinabikasan... bigo kami hehehe. next stop namin is sa meralco. umuwi muna kami kasi kukunin ni jim yung psp ni BIL para may magawa naman sya habang naghihintay sa meralco. dumaan muna kami sa sec ng subd para tanungin ano na nangyari sa Bond namin. ayos naman naging usapan nila kasi di na kami magbabayad ng monthly dues hanggang Oct yehey! naiwan na lang ako sa bahay di nako sumama sa merelco. nag alaga na lang ako kay waki. bigo din si jim sa meralco. daming hinihinging papeles. hay! mga 6pm umalis kami para bumili ng SD card. first time ni waki sumakay ng lrt at natulog lang sya! hehehe ang laming kasi sa loob ng train. so far sa lakad namin kahapon yung sa SD card lang kami wagi hehehe. = )

No comments: