HAPPY NEW YEAR!!!!!!
- dec 29- pumasok pako sa office kasi ako ang duty. si jim nagbantay kay waki kasi nagbakasyon ang yaya nya. nag meet kami ni ate sa trinoma to plan for our media noche menu (hehehe as if madaming lulutuin). nagikot ikot muna kami sandali sa trinoma. dun nakita ko ang animaland store sya na naglilinis ng mga stuffed toy. syempre nag inquire ako agad. balak ko kasi ipalinis si babay J. mura lang pala 500 pesos lang admission nila included na yung cleaning at re stuffing. kaso ang tagal bago makuha ulit 2 weeks after pa! pero papagawa ko pa rin. xmas gift ko kay baby j hehehe. nakuha ko na christmas gift ni ate para kay waki... a cutie shoes = ) after sa trinoma we went sa robinson para mag grocery.... my goodness ang daming tao! pero no choice kami kaya nag grocery na lang kami.
- dec 30- 7 months na baby ko. ate cooked pancit and we bought na lang a cake sa fortune bakeshop. sabi nga ni jim dapat daw sa dec na lang kami naghanda para isang handaan na lang. late na nya sinabi eh nakabili nako ng ihahanda. nagsimba kami, while sila ate naiwan sa bahay para maghanda. pagdating namin sa house kumain lang ako sandali then umalis na kami to watch the fireworks display sa may riverbanks. every year nanonood kami ni jim nito kaso last year na late kami ng punta kasi may party kaming pinuntahan. sa malayo kami naka pwesto kasi baka magiiyak lang si waki sa tunog ng fireworks. nung nag start na yung fireworks display akala ko iiyak si waki hehehe hindi pinanood nya lang yung fireworks... hindi sya umiyak hehehe. di maganda ngayon yung fireworks display nila. parang ang bilis bilis lang. mas maganda pa yng dati. after nun eh umuwi na kami at kinain namin yung cake ni waki.
- dec31- new years eve. umuwi muna sandali sila papa para pakainin ang mga dogs at cats sa bahay. kami nila ate at jc eh tumambay lang at nanood lang sa cable. si jim umalis (as usual hehehe ) 6pm nag prepare na kami ng handa namin for media noche. nakakatawa kasi ang tagal namin naka tambay sa bahay late na namin naisip na wala pala kaming drinks. kaya umalis kami nila at at jc at pumunta sa robinson. buti na lang eh walking distance lang samin. pagdating namin eh mag close na sila buti na lang umabot kami. 9pm nagstart na kami magluto. tuna carbonara, pork bbq, cheese sticks, ham at mango ref cake for dessert. 1130 meron ng nagpapaputok ng mga fireworks. gaganda... sabi ko nga kay jim next year di na kami pupunta sa riverbanks. mas madami pang magagandang fireworks samin eh hehehe. muntik pang malaglagan ng "flare" ba yun yung bahay namin buti na lang humangin kaya sa kapitbahay nalaglag. si waki natulog lang... gumising sandali tapos tulog ulit.
No comments:
Post a Comment