kahapon pumunta kami sa 12th Phil. Int'l Hot Air Balloon Fiesta at Clark Field Pampanga. nabasa ko kasi to sa isang blog na lagi kong pinupuntahan. mukhang maganda kaya niyaya ko si jim na pumunta kami dun. sabi dun sa blog at sa website exactly 530am mag start na mag inflate yung mga balloons. 230am gising na kami ni jim. inayos ko na mga gamit ni waki. hirap mag biyahe ng may dalang bata daming bitbit. di ko muna binihisan si waki kasi natutulog pa. mga 330am umalis na kami ng bahay. sa NLEX nag hahanap kami ng mcdonalsa na pwedeng kainan. hay! naka 3 na kaming gas station puro jollibee lang tapos may nakita na kaming sign ng mcdonalsa syempre natuwa kami kasi gutom na kami. hay! bad trip talaga di sya 24hrs open sarado pa! isa pa nakakatawa lumagpas pa kami ng exit. dapat angeles ang exit namin sa dau kami napunta pero ok na rin kasi mas malapit sya. 5am nasa clark na kami. kumain muna kami sa jollibee no choice kasi yun lang open. binilisan na lang namin kumain kasi feeling ko madaming tao. di nga ako nag kamali ang dami ngang tao. layo na ng na parkingan namin. pagdating namin dun gising na si waki. pinalitan ko na lang sya ng diaper at binihisan. kainis nga kasi naiwan ko yung pulbo! hay! so after ko mabihisan pumasok na kami. grabe daming tao. pinahanap ko si jim ng magandang ma pwestuhan namin. napunta kami sa dulo pero ok naman kasi kita pa rin namin yung balloons. walang upuan kaya nakatayo lang kami ni jim. buti na lang dinala namin yung stroller kundi hay! pagod talaga ako sa pagbubuhat kay waki. 530am nag start na dumating ang mga balloons. 21 balloons lahat ang dumating. 1st balloon na lumipad eh yung sa SM clark. bilis lang nila e inflate nga balloons. bale out of 21, 3 lang hindi lumipad. mga 730 tapos na lahat ng balloons. sabi nung announcer next show will be the sky diving. sabi ko kay jim wait namin yun kasi 65 sky divers daw ang mag dive. nag ikot ikot muna kami. aliw si waki sa mga kites. nainis lang ako kasi delayed lahat nung shows. sabagay di kasi maganda yung panahon. medyo gloomy... mahangin daw masyado kaya di maganda para sa isang air show. mga 8am nag start na yung sky diving... cute nila para silang kabute sa langit hehehe. akala ko kasi mag form sila ng shapes sa sky kaya hinintay ko. tapos yun pala wala lang nag dive lang sila yun lang nothing special. kaya yun nag yaya nakong umuwi. sabi nga ni jim di na kami babalik next year. hehehe. pero nice naman yung balloons.
happy baby waki @ 530am
kami sa likod ng balloon na hindi lumipad
sleepy waki
ya! tigidig!
No comments:
Post a Comment