Tuesday, July 29, 2008
Papa's 60th Birthday
Monday, July 28, 2008
Albert & Karen's Wedding and other kwento
Friday, July 25, 2008
TV 5 Launch - Lifehouse!!!! Astig!
Tuesday, July 22, 2008
Our Weekend Again
o Saturday samin ulit natulog sila papa. Dahil sale sa Sta Lucia niyaya ko si ate na mamasyal. Maghahanap kasi ako ng barong ni jim para sa kasal this Saturday. Dapat kaming 2 lang ni ate aalis, kaso si jc nag umarte at nabobore daw sya sa bahay. Nagpatawag ako ng tricycle eh biglang dumating kaya yun nagmamadali kaming lumabas. Pati si waki nagmamadali, akala nya kassama sya. Hehehe. Bigla ba naman nag iiyak kasi di sya nakasakay sa tricycle. Si papa naiwan kay waki para mag alaga. Hehehe.
o Hay! Sunga sunga talaga ko sa daan. Akala ko yung nearest sa sta lucia na foot bridge eh yung kulay pink na MMDA.
o Pagkarating sa sta lucia derecho kami agad sa barong section. Dahil hindi ko alam ano gusto ni jim nag ask na lang ako sa sales clerk na picturan ko na lang yung barong tapos babalikan ko na lang.
o Dahil kasama naming si jc di pwedeng hindi kami dadaan sa toy section. Madali naman kausap eh sabi ko walang bibilhin. Ikot ikot kami, naghahanap kasi ako ng basketball court para kay waki. Dahil wala kaming nakita umakyat nalang kami sa planet toys. Nagikot ikot kami. Nakakita ako ng court kaso di ko gusto yung base nya parang babagsak agad. As usual pumunta ako sa baby’s section at dun ko nakita ang pasalubong k ko kay waki. 2 in 1 walker and rider na playschool. Tagal tagal ko ng gusting bumili nun. Kasi hanggang ngayon di pa rin marunong mag lakad si waki. Im just lucky kasi sale sya. Buti na lang di ako nag bid nung 2nd hand na ganun sa ebay. 800 pesos sa ebay tapos pick up sa
o Sa BAYO kami next. Dun kami nakabili ni ate ng blouse 170 lang. sulit talaga. Tapos sa kamiseta naman kami kaso wala akong nagustuhan. Then sa bench para bumili ng pants. Binilhan ko na rin si ate ng pants nya gift ko para sa birthday nya. Tapos un umuwi na kami.
o Sunday- puyat sila kasi di sila makatulog kasi ikot ng ikot si waki. Tapos 430 nagising si waki hehehe wawa naman si papa kasi sya bumangon para makipag laro kay waki hehehe.
o Lunchtime nag defrost yung angel ko ng ref tapos nun ayaw na lumamig nung ref! hay! Siraniko talaga tong angel kong ito. Tuloy nakilagay na lang kami sa kabilang house ng mga e grocery ko.
o Merienda time nag luto kami ng pancake. Dahil wala kaming cold water nagpabili si ate ng softdrinks. Pinainom nila si waki ng royal. Nasarapan naman si wangkito hehehe.
o Dahil sa sobrang mahal ng bilihin ngayon kaya nag decide ako na ilipat
2 in 1 walker na nabili ko.
Friday, July 18, 2008
saddest night
Wednesday, July 16, 2008
absent ulit
1130 umalis kami ng kuya sa VV. sa Tayug na kami dumerecho. pag dating dun sa tayug nag aayos na yung mga taga funeral parlor. after a few mins eh nagstart na silang mag lakad papuntang church. MIL, ako and BIL R eh nag sasakyan papuntang church. nakakatawa kasi pag dating namin dun sabi ng MIL ko bakit parang iba yung sinusundan naming coffin, iba pala talaga susme! ngayon lang ako naka experience ng ganun 2 coffins sa misa. di naman sila magkamag anak. 12nn nandun na kami tapos mga almost 1pm na dumating yung pari hay! tagal. pero buti na lang nasa loob na kami lahat ng church nung bumuhos ang malakas na ulan. after nung mass meron kumanta ng "Doon Lang" fave song ni tito andoy. hay! grabe! naiiyak nako talaga kaso pinigil ko na lang. After the song nagpasalamat na si Etins (only daughter ni tito andoy) sa lahat ng nakiramay at tumulong sa kanila. tumuloy na kami sa loyola marikina. buti na lang tumila na yung ulan. pagdating namin dun nagpapa last viewing na yung pari tapos nagpasalamat ulit si Etins. e-nopen nila yung coffin para last hug and kiss si tito andoy and para sa mga gamit na ilalagay sa loob nung coffin. after nun nilibing na sya. umalis na rin kami after malibing. dumerecho kami sa riverbanks. buti na lang kasi gutom na talaga ako. di pa kasi ako naglulunch. treat kami ni MIL sa Greenwich. kwentuhan about dun sa isang brother nila na bihira magpakita sa kanila. after kumain umuwi na kami. sa shoe ave mercury drug na lang ako bumaba kasi wala na daw gatas ang mahal kong anak. nag hulog ako ng pera sa western union para kay ate kasi may sakit si jc. tapos nun umuwi nako at nakipag kwentuhan kay jim. kasi super bored na sya sa room namin. kaya pag umuuwi ako eh nakikipag kwentuhan muna ako sa kanya kahit 15mins lang. after nun bababa nako magpupunas, change clothes, kain tapos makikipag laro kay waki, watch My Girl then sleeping time na. = )
Monday, July 14, 2008
weekend updates
- sad news. last friday jim texted me that tito andoy( jim's tito mother side) died na. na sad talaga ako. i like kasi tito andoy, kamukha kasi ni waki = ) he's always present sa mga parties namin.
- saturday pumunta kami ni waki sa wake ni tito andoy.dahil hindi pa rin pwede lumabas si jim (may chickenpox). nakisabay lang kami kina kuya. pag dating namin dun dahil umuulan hindi na pinasama ni FIL si waki. pinaiwan na lang sa house nila. sus! wala pa ngang 5 mins eh narinig ko ng umiiyak si waki. natawa pa nga ako sa face ng FIL ko kasi parang gusto nya ng sumugod papunta sakin kahit umuulan kasi umiiyak si waki.
- sa house namin natulog sila papa kasi nga may sakit si waki help nila akong mag alaga. grabe di ako nakatulog hehehe. di nako sanay na katabi ko matulog mga kapatid ko. ang ingay nila matulog! joke! hehehe. sabayan pa ni waki na sobrang likot, nahulog nga sa sala buti na lang nasa baba lang yung tinutulugan ni papa at dun sya nahulog.
- na miss ata ako ng asawa ko.dahil nga may sakit sya pinag stay nya muna ako sa room usap daw kami. nag kwentuhan muna kami. hehehe. nakatakip lang bibig nya kasi baka mahawa ako sa kanya. kasi 2x a day lang kami nag kikita 1 sa umaga bago ako maligo tapos 1 sa gabi pagkarating ko. grabe namimiss ko na matulog sa bed namin. hay! sana gumaling na si jimboy...