Monday, December 14, 2009

aw-aw eyes

hay! grabe talaga kahapon. akala ko eh mapapa anak ako sa nerbiyos. nasa kabilang house kami kasi may party. nasa garahe kami waiting for other guests to arrive. si waki gusto din umupo kasi yung chair nila folding kaya sabi ko wag na sya umupo. eh makulit, pumunta sya dun sa kabilang dulo ng table at hila yung chair na hindi folding. dahil maliit lang yung space hindi kasya yung chair nung hinihila na sya. sabi ko kay jim tulungan si waki kunin yung chair. tumayo si jim dun sa chair na inuupuan nya. ang bilis nung pangyayari diko nakita nasa likod pala ni jim si waki naka sabit dun sa chair. narinig ko na lang si FIL na sabi "yung bata" tapos yun umiiyak na si waki nung nakita ko. nalaglag! hay! tapos nabagsakan pa nung chair. nakakainis!

nung lumapit ako sabi ni jim dumudugo yung ulo. hay! dun na sumakit yung tyan ko feeling ko manganganak ako. kinuha ko si waki dun ko nakita na yung talukap nung mata nya yung na sugat, yun yung dumudugo hindi yung ulo na kasi hindi naman tumama yung ulo nya sa floor. so nilagyan ko ng pressure yung sa eyes nya. iyak ng iyak si waki. "mommy wawa waki" yan palagi nya sinasabi. tinatanong ko kung awaw head hindi daw eyes lang awaw. kaya yun umuwi muna kami kasi pag pinapansin nya ng ibang tao iyak sya ng iyak. pina check ko muna sa BIL kong doctor. dahil wala kaming betadine eh sabunan ko na lang daw. ayun umuwi na lang kami. grabe nakaka awa talaga. sabi ko nga sana ako na lang yung nalaglag. hay! ang sakit talaga sa damdamin pag nakikita mo yung anak mong nasasaktan.

nung bumalik kami sa party pinasuot ko na lang sya ng shades para di mapansin yung eyes nya. kasi pag may pumapansin naaalala nya yun iiyak nanaman. ok na sya ngayon. medyo namamaga lang pero ok na sya. makulit at magana pa rin kumain.

Monday, December 07, 2009

helpful waki

last Sunday nag dinner kami sa eastwood kasi pre birthday celebration ng daddy. nung naka park na kami sa eastwood mall nagulat ako sa ginawa ni waki. tinulungan ko sya bumaba ng crv kasi mataas di nya kayang bumaba mag isa. tapos nung naka baba na sya pumunta sya sa lola nya para tulungan bumaba. as in kusang loob nyang tinulungan lola nya. tawa kami ng tawa ni jim kasi niloloko namin ang mommy na nagbabayad "utang" na si waki sa kanya hehehe worth 1M na yun hehehe joke = ). pero proud talaga kami sa anak namin kasi nag kukusa na talaga. big boy na.

Thursday, December 03, 2009

big boy

kagabi nasa taas na kaming 3 ng biglang sumakit ulo ni ni dad. inuutusan ako ni dad na bumaba at kumuha ng biogesic. eh dahil buntis ako tinatamad akong bumaba. kaya inutusan ko na lang si waki na bumaba. gumawa muna ako ng sulat para sa aking angel at padalhan si waki ng 1 biogesic at 1 yakult at ilagay sa supot. buti na lang at masipag itong anak kong mag panik panaog sa hagdan hehehe. pagkabigay ko ng sulat ayun bumaba na agad. ilang sandali lang nasa taas na ulit may dalang supot. hay! big boy na talaga anak ko nauutusan na. = )

Monday, November 23, 2009

celphone

saturday morning naunang nagisning si waki. nakita ko na lang na nilalaro nya yung celphone ko. sa kakalaro nya nahulogsa gilid ng kama ang celphone ko. so kunwari umiyak ako sabi ko wawa mommy wala ng celphone, waki please get mommy's celphone. akala ko gagapang sya sa ilalim ng bed namin para kunin yung cel ko. ang ginawa nya kinuha nya yung curtain rod na pangharang namin sa door tapos yun yung pinang kuha nya ng celphone ko sa ilalim ng kama. na amaza talaga kaming magasawa kasi wala naman nagturo sa kanya na yun ang gawin. big boy na talaga anak namin. = )

Monday, July 20, 2009

thank you mom-z...

super late post june pa dumating itong car na to.


,,,sa car ni waki. super happy sya halos hindi mo na mapaalis sa car nya. hehehe. kaso ang tamad mag paandar ng car, gusto itutulak lagi hehehe.

Monday, July 06, 2009

Amen!... Oh! Man!...

kahapon nag simba kami. nung kumakanta kami nung "amen... amen... amen......." sabi ko kay waki na mag sing din sya. sinunod naman ako, ang kaso imbes na "amen" ang sabihin nya ang sinabi nya "oh meyn" (oh man) pigil na pigil kaming magasawa sa pagtawa. =)

Thursday, June 25, 2009

patawa si dad...

kagabi nanonood kami ng fit and fab sa qtv. yung topic nila is about mga weddings. una mga gowns then make up. tapos yung next segment is about mga spa. matagal ko ng gustong mag pa spa kaso nahihiya ako, gusto ko kasi may kasama. so sabi ko kay dad na e libre nya ako mag pa spa. tamang tama yung nasa screen nung tv eh yung babae nag papa spa na may mga bato bato sa likod. sabi ba naman sakin "ok sige madaming bato sa baba" kainis! patawa ka dad talaga.

Tuesday, May 26, 2009

nawawala...

... ang wedding ring ko. di ko maalala san ko nalagay... wala sa bahay at wala sa office... hay memory gap! sign na kaya ito?

Monday, May 11, 2009

Mother's Day @ Enchanted Kingdom

we spent mother's day sa enchanted kingdom. my treat to my angels kasi hindi kami nakapag outing (low/no budget na kasi hehehe). got the tickets sa office xdeal kasi hehehe. 200 pesos na lang isa hehehe. nanghiram lang kami ng sasakyan kasi hindi kami kasya sa car namin. lunch muna kami sa jollibee kasi late na rin kami naka alis sa bahay. sobrang init nakakatamad mag lakad at mag rides. diko sinakyan lahat ng rides feeling ko matanda nako hahaha! diko na kayang sakayan ang mga rides hehehe. puro pang bata lang nasakyan ko train... dino rides... nag slide lang hehehe. after enchanted sa side naman kami ni jim pumunta. dinner sa eastwood sa wagyu stone grill. yummy nung steak kaso mahal 1.5k isa susmio! diko ma imagine magkano yung bill inabot at 11 kaming lahat hehehe. happy mother's day sa lahat specially to my mama, mommy and grandma.



ate, ira, jill, beth and jc after nilang sumakay ng rio grande


papa, ate, me, waki, jim and jc


Tuesday, May 05, 2009

sari saring kwento nung weekend

  • naaliw ako kay waki. nakahiga kami sa kama tapos nag tetext ako kay ate. nung tapos nako mag mag nakita nya yung wall paper ko sa cel tapos sabi nya "lolo". nagulat ako kaya pina ulit ko sabi nya ulit "lolo" aliw! kilala na nya si papa.
  • we went to mega mall last saturday. grabe nakakapagod wala naman kami halos nabili. yung pang swimming ni waki and yung pail and shovel nya. daming tao kasi nakakatamad mag magikot ikot.
  • watched pacquiao and hatton's fight. nakakainis ang bilis ng laban. puro yabang lang si hatton hehehe.
  • nag chat kami last sunday. nawawala si mamang. 11am na sa states di pa rin sya umuuwi. tapos nag text si ate mga 11pm na di pa rin daw nakikita si mamang (8am na sa states nun). yun pala nagtampo si mamang kay papang kasi usapan nila na babalikan nila si mamang ng 2pm eh 6pm na sila nakabalik. ayun pumunta si ammang dun sa house ng isang sister at dun nakitulog. ok na sila ngayon.
  • sunday night nung pag uwi namin may aso dun sa bahay namin. sabi nung angel ko may nagbigay daw sa kanya. chihuahua yung breed nung aso. nakakatakot yung itsura nya hehehe. nakaka awa yung dog kasi ayaw kumain. pinainom na lang namin ng fresh milk. susme sana di maka sama dun sa aso.
  • nakakainis! pumunta kami sa sm after manny pacquiao's fight. pagdating namin ng sm daming tao. meron kasing meet and greet mga gma artists. bumili ako ng surf shoes ni waki. dahil mag 5pm na nagmamadali ako. nung siniukat ko kay waki yung shoes sa right foot nya at nag kasya binayaran ko na agad. di ko na check na mag kaiba ng size yung sapatos! nakakainis kasi magkakabit yung shoes. ang siste yung resibo nadun sa skateboard ni jc. hay! buti na lang at sa sm nag wowork ang BIL ko kaya baka pwede paki usapan na to follow yung resibo.
  • monday tinawag namin sa guard house na baka may naghahanap nung aso. sabi ko pa nga kay jim pag walang kumuha within 7 days amin na yung dog hehehe. binilhan pa namin ng food kasi ayaw kumain. natatakot ako baka mamatay samin yun dog. pag uwi namin monday night may naka post na sa bulletin board. tinanong ko yung guard if sinabi nila na nasamin yung aso di daw kasi di naman sya yung sinabihan nung nag hahanap eh nung tinanong ko sya kung sino yung nag post sabi nya sa kanya daw nag paalam yung nag post nung "lost dog" ang labo kausap ni kuya! pinatawagan namin yung naghahanap nung aso. nakakatawa kasi nauna pa sila samin dunmating. pag dating namin nandun na sila sa harap nung bahay namin. nakaka aliw kasi nung nakita nung dog yung babae (yung amo nya) tuwang tuwa yung dog (siguro sa loob loob nung dog "sa wakas makakakain nako ng masarap na food!" hehehehe) "giorgio" yung name nung dog. 2 houses away lang si giorgio nakatira samin. gabi daw nung nakalabas si giorgio. nakakatuwa yung amo nung nakita nya yung dog sabi nya "giorgio! sya nga! sya nga!" parang ang tagal nilang di nag kita hehehe. pati yung mga anak nya na nasa car eh tuwang tuwa.

Monday, April 27, 2009

nova weekend

spent our sunday sa nova. di pa rin kasi tuyo yung sugat ni ate dahil sa opera nya kaya kami na lang pumunta sa nova. para di na rin sya matagtag sa byahe. maaga pa lang umalis na kami. nakakainis yung taxi na nasakyan namin kasi parang nagmamadali kaya nahilo ako, bumaba tuloy kami sa fcm hehehe. akala ko nga iiyak si waki nung sumakay kami ng tricycle.

pagdating namin sa nova nag almusal muna kami. tapos eh naglaro na sa at tumambay na lang kami sa bahay. si waki enjoy na enjoy sa paghabol ng mga chickens ni papa. yung kapitbahay nga namin pinakita kay waki yung rabbit nila. akala ko matatakot si waki, pero hindi hinawakan nya hehehe medyo hard pa nga pag hawak ni waki hehehe. tuwang tuwa di si waki sa broom broom nya. actually yung broom broom na yun eh yung regalo ko kay jc nung 6th birthday nya. dahil bigboy na si jc kaya binigay na lang kay waki. nakakatawa pa nga kasi ang init init sa may garahe eh kaso dun lang yung maluwang na space na pwede mag broom broom si waki. kaya ginawa ni papa para sa kanyang paboritong apo eh pinayungan habang nag lalaro si waki ng broom broom. hehehe.

after lunch nag latag kami ng banig, foam at duyan sa may sala at tigisa kaming electric fan magkakapatid hehehe. di naman kami nakatulog kasi nag kwentuhan lang kami. si waki nasa kwarto kasama lolo nya dun sila natulog. we ordered greenwich pizza pang merienda. after merienda nag basketball si waki at jc sa tapat ng bahay. 530 tumawag si jim uwi na lang daw kami sa bahay kasi di kami magsisimba.

next week ulit! ate pagaling ka na = )


Friday, April 17, 2009

thank you

... at naka uwi na rin si ate. after 5 days sa hospital dahil sa appendicitis. she's ok now.

Wednesday, April 15, 2009

appendectomy

yan ang ginawa sa ate ko. monday nag text si ate sakin na may sakit sya. na miss ko yung call nya kaya akala ko eh simpleng sakit lang. 4pm nag text sya ulit nasa er na sya ng lcp. ask ko anong findings sa mga test sa kanya acute appendicitis daw. 5pm naka confine na sya at ooperahan na daw ng 830pm. dahil biglaan walang dating damit si papa at naiwan si jc sa bahay kasama ang new angel nila. wawa naman. 9pm na kami dumating sa lcp, diko na naabutan si ate. sabi ni papa kakababa lang sa er. akala ko mabilis lang yung pag opera. 12mn wala pa rin tawag. so umuwi si jim. ako at si papa na lang naiwan para maghintay. 1230 may tumawag samin para bumaba daw kami sa recovery room. kakaiba yung recovery room sa lcp as in individual room talaga sya na may viewing area sa bawat room. sabi ni ate kaya daw ganun dun eh karamihan ng inooperahan dun eh kailangan isolated. kung baga eh nakakahawa yung sakin nila or very weak ng immune system kaya kailangan ganun yung style ng rr. akala ko kaya kami pinababa eh dahil ikkakyat na si ate. di pala pinababa lang yung soap at bimpo. kinabukasan pa daw e aakyat. buti na lang at di ako pumayag na maiwan mag isa sa room kungdi ako lang magisa sa room magdamag hehehe.

9am na inakyat si ate (grabe 12 hrs syang nasa rr susmio!) ok naman operation. naka lakad at naka utot na sya agad kaya pinayagan ng mag clear liquid diet (jello and water only). its the first time na diko katabi si waki matulog. di ako nakatulog namimiss ko ang amoy ng aking anak hehehe. umuwi ako ng bahay 5pm na kinabukasan. ok na si ate baka tom maka uwi na sya. 2 weeks syang naka bakasyon.

Monday, April 13, 2009

1 month na lang


one month na lang at magbabakasyon na rin kaming 3! yahoo! di pa rin ako nag file ng leave. bahala na kahit di payagan wala naman kayaong magagawa no. di pa rin ako papasok. bayad na yun no. sarap 4 days na bakasyon. sana nice weather dun.

holy week

this is how we spent our holy week.

palm sunday - my birthday sa house lang.

holy monday - sm moa. ate at aling (i forgot the name nung lutuan). my mil's birthday. (yup magkasunod kami ng birthday). nakita pa namin si kapitan boom hehehe.

holy tuesday and holy wednesday- sa office. halfday dapat ng wednesday kaso daming ginawa kaya parang whole day pa rin ako. kasi pag diko natapos yung work ko eh papapasukin pako ng saturday.

maundy thursday - my first time na mag bisita iglesia. ganun pa yun hehehe. nakakatawa kasi yung unang plan is to visit 14 churches sa laguna. my fil have listed mga churches to visit. come thursday na late kami ng alis kasi wala kaming angels (yup pinag bakasyon ko yung 2 angels ko) kaya natagalan kaming umalis. we're suppose to leave at 7am. we left manila 9am na hehehe. sa likod kami dumaan (antipolo) ang traffic. dumating kami ng laguna 11am na. dahil sa traffic na cut down into 7 churches na lang ang pupuntahan namin. 1st church is yung sa pakil, laguna. nice small church. daming tao. ganun pala yung nag pray sa bawat station (yun pala yung bisita iglesia) after my mil prayed sa 3 stations umalis na kami. next church dapat is paete. maganda daw dun kasi madaming santo yung church. kaso sa kasamaang palad naligaw kami. ewan ko ba kasi ginawa nila lahat na one way kaya yun naligay tuloy kami. dahil nag 12 na nag decide si fil na kakain muna kami sa exotik resto. naku buti na lang at super puno yung resto. eh gutom pa naman ako tapos yung pinag uusapan nilang kakainin eh frog ewwwww! diko nga mahawakan yung frogs tapos kakainin ko pa. hehehe. dahil di namin nakita yung paete church (sayang talaga) dumurecho na lang kami sa pagsanjan church. dahil sa gutom at ang likot na ni waki di na kami nakasama sa loob ng church. si mil na lang nag pumasok at kami nag hanap na lang kami ng resto kung saan kami pwede kumain. after lunch derecho na kami sa majayjay church. nice big church. dito tinapos na ni mil lahat ng station of the cross kasi malabo na umabot kami sa nagcarlan ng 3pm. after sa majayjay derecho na kami sa house ni tito mario. dito na nag enjoy si waki kasi may kalaro na sya. wala silang ginawa kundi nagtatakbo. tiningnan pa namin yung mga hamsters. grabe ang daming hamsters ibat ibang breeds pa. si waki di tapos ako di talaga ako lumapit. mga 5pm umuwi na kami. dumaan muna kami sa bae to buy monay. dahil traffic nag dinner na kami sa rsm sa pansol para derecho na ng uwi. pagkauwi sa bahay binaba lang ni jim lahat ng gamit tapos umalis ulit para isauli na yung sasakyan. so naiwan kaming 2 ni waki sa bahay. at ito ang nakakainis na nangyari. nasa may kusina kami iinom sana ako ng water tapos bigla na lang narinig ko si waki nag "psst! psst!" waaaaa!!!!! naalala ko yung sa commercial ng T2 nyahahaha! kaya yun binuhat ko si waki at nagmamadali kaming lumabas ng bahay. nyahaha... kaya nagulat si jim kasi nasa labas kaming 2 ni waki at bukas lahat ng ilaw sa bahay. hehehe.

good friday - sa bahay lang kami. dahil siguro sa pagod sa byahe nung thursday late na kami nagising. natulog lang kami buong araw. kinagabigan naisip ni jim na pumunta sa house nila. makiki internet kami. nakakatawa kasi pagdating namin dun kumpleto silang magkakapatid. 10pm na akmi nakauwi. di rin kami nakapag internet kasi naglaro silang magkakapatid ng star craft ba yun.

black saturday - 10am excited na si jim. bukas na daw kasi ang mall. excited sya kasi baka dumating na yung xbox nya. tumawag sya nga 1130 all smile sya kasi dumating na daw ang package from mother dear. kaya pag ka lunch eh umalis na kami para pumunta sa johnny air mega mall. wala pa kaming 10 mins umalis na din kami bitbit ang package nya. derecho kami sa ml kwarta padala para magpadala ng money sa aking 1 angel. 330 dumating kami sa cobo resort. dito ako minalas. di kasi ako nakapag swimming kasi meron akong monthly visitor. habang nag swimming si jim hawak ko si waki. nilagay ko yung camera sa lapag diko napansin na sumabit pala sa paa ni waki yung strap ng camera kaya yun pag buhat ko kay waki sumama yung camera nahulg sa pool. susmio! halos lumuwa mata ko nung nakita ko yung camera sa pool. kaya wala akong ma post na pic kasi wala kaming cam huhuhu sana hindi nasira.

easter sunday - sa bahay lang din kami. dumating na 1 angel namin kaya meron ng magluluto yehey! sila ate at jc lang dumating sa bahay. wala si papa may pinuntahan daw. 4pm umuwi na sila kasi aalis na kami. birthday kasi ni nadine. nag easter egg hunt kami. nag enjoy si waki makipaglaro sa mga cousins nya at nga neighbors namin.

Tuesday, April 07, 2009

three decades...

... and still counting = D

Happy birthday to me! celebrated my birthday sa bahay lang. cooked red spaghetti and carbonara. bought mang fredricks pork bbq, andoks lechong manok, pixies inihaw na bangus, and pan de amerikana pandesal. jim bought alex franco's yummy cake for dessert. nakakatawa pa yung cake kasi friday night pa lang kinuha na ni jim yung cake. sabi ko kasi sa kanya yun na lang gift nya sakin kahit yung 9" lang kasi alam ko tipid kami ngayon for our trip sa May. aba pag sakay ko ng car friday night ang lamig eh di naman talaga kami nag aircon. baka daw kasi matunaw yung cake. pagdating sa bahay binuksan ko na yung box nagulat ako kasi nakasulat 18" cake. sa loob loob ko aba galante ang asawa ko at 18" tapos natawa sya sakin kasi nakita nya sa face ko na nagulat ako. sabi nya "kai, ang liit nung box oh di yan 18 inches nilagay ko lang yan" kainis! akala ko pa naman galante hehehe. happy naman birthday ko. thank you sa lahat ng bumati.


Thursday, April 02, 2009

WA...

tinuturuan ko si waki mag salita. kasi bulol sya. sya lang nakakaintindi ng mga sabinasabi nyo. pero meron naman na naiintindihan namin like "tenchu" (thank you), "rap" (sarap), "dad", "mi" (mommy), (Up) at iba pang diko maalala. so kagabi tinuturo so sa kanya "what's your name? my name is WA-KI" tapos sasabihin nya sakin "WA" hehehe bitin. kahit ilang beses ko ulitin hanggang dun lang talaga. so ngayon sya si "WA" hehehehe

mmm rap!

kagabi nag luto ako ng seafood pasta in oil and garlic. try ko lang kasi ihahanda ko sana sa linggo. kaso ang problem disaster ang luto ko... walang lasa... parang papel hehehe. so nilagyan ko ng asin at garlic poweder ayun nagkalasa ng konti. mas masarap pa rin ang luto ni mama. so dahil yun lang ang food namin for our dinner so no choce ang lahat ng tao sa bahay na kainin ang niluto ko. lahat nag comment na malas ay yung lasa. pero ang pinaka fave ko na comment eh galing sa aking anak... bawat subo nya sasabihin nya "mmm rap!" nyahahaha! after 5 subo niluwa nya na rin hehehe. hay anak love mo talaga ang mommy!

Monday, March 30, 2009

nakakapagod na araw

march 29- nakakapagod na araw. 630am gising na si waki (sus naman anak weekend naman patulugin mo naman ang mom and dad ng medyo mahaba haba) dahil inaantok pako binuksan ko lang muna yung tv para manood muna si waki ng barney or any disney show. siguro na bored, naramdaman ko na bumaba ng kama tapos narinig ko na lang biglang bumukas yung pinto namin. sabay pa kami napa tayo kasi si waki nakalabas ng room namin! hay! keaga aga eh aatakihin pa ata ako sa puso. kaya yun bumaba na lang kami. nag almusal muna sya. nung tapos na mag laba yung angel1 ko binantayan nya na si waki kaya umakyat nako ulit para matulog.

bumaba ako after 30mins. naririnig ko tumatawa si waki. nasalikod pala ng bahay namin naliligo sa planggana hehehe. ang cute kaya umakyat ako para kunin yun cam syempre photo op din yun. after 10 mins mukha ng prunes daliri ni waki pina ahon ko na sya. kasi 1130 aalis kami kasi birthday ng SIL ko.

dahil maaga sya nagising 11am nakatulog si waki. eh 1130 aalis kami. pinabihisan ko kahit tulog akala ko kasi di magigising. mali pala ako. kaya yun 30mins lang tulog. hinitay pa namin si BIL sa may kanto ng capitol hills. tagal dumating. ang init pa naman. nung pag daan namin sa dati naming school nakita namin na may tinatayong condo dun sa parking ng dati naming school. ganun?!@ eh san na kaya sila mag park? pano if may event? wala ng parking. we ate luch at albergus.

after lunch nag trinoma kami. kasi bibili sana ako ng bilin ni mama na shirt ni francis m. ewan ko ba dahil naiyak daw sya nung nalaman nyang namatay si francis m kaya yun gusto nya ng tshirt. pero bago pumunta ng trinoma dumaan muna kami sa manila seedling para bumili ng talisay, calamansi at neem tree. grabe ang gaganda nung flowers kaso 250 per pot ang mahal. pero sabi ko kay jim babalik kami dun para bumili ng flowering plants. gusto ko maraming plants ang aming munting garden. nakakainis pa yung una naming tinanungan sarado daw manila seedling. tapos nung paalis na kami kinulit ko si jim na magtanong na lang ulit. ayun bukas naman pala. kaya naka bili kami ng mga trees. nakakatawa pa tong si waki kasi tinuro ko yung calamansi sabi ko ball bigla ba naman hinila yung calamansi! buti na lang di natanggal kundi lagot ako kay manong hehehe.

after manila seedling derecho kami sa trinoma para bumili ng tshirt. kasi nakalimutan ko yung name nung shop! naka ilang itkot na kami sa 2nd level eh di ko pa rin nakita. kaya umuwi kaming luhaan.

pagdating sa house ng in laws ko puno lahat ng rooms. wala kaming matulugan, kaya sa may sala na lang kami ng pahinga. kaso itong si waki eh hyper kaya di rin kami nakatulog. nagpabili si MIL ng ice cream for merienda. nakapag simba na pala mga inlaws ko kaya pala 530 na eh nasa house pa rin sila. 7pm pa daw kami aalis for dinner. kaya nag laro muna si jim ng street fighter. natawa lang ako sa isang pamangkin ni jim. kasi gusto nya mag laro eh sabi ni jim "its for boys only" sabi nya "ok ill be tumbuy" nyahahaha! natawa ako kasi una gagawin nya lahat para makapag laro at 2nd bisaya sya "tumbuy" daw.

7pm dinner at barrio fiesta. yummy sana food kaso di sila nagbibigay ng OR! heller! siguro di nagbabayad ng tax. pag dating sa bahay. nag punas lang si waki tapos drink ng milk tapos tulog agad.

Tuesday, March 10, 2009

yan yan yan yan

last saturday nag punta kaming family sa gateway. dun kasi e meet ni jim yung buyer nung dvd drive na benenta nya. so dahil nanduun na rin kami eh namasyal na rin kami. pumunta kami sa rustans kasi nag hahanap kami ng baby bag na dadalhin namin sa aming vacation sa May. nakita ni waki yung little tikes na car agad syang sumakay. so ako hinayaan ko na lang. ayaw sana pasakayin ni jimkasi hirap alisin ni waki iiyak pag pinaalis mo. tuwang tuwa ang anak ko sa broom broom. tiningnan ko ang presyo naku! 7k pagkamahal naman. so para umalis si waki pinakita ko yung mas malaking broom broom ayun lumabas dun sa car ng little tikes tapos kinarga ko na para di na makapunta dun sa big broom broom. nakaka awa nga kasi tingin ng tingin dun sa little tikes na car.

sunday nag online kami para makausap si mama. pinakita ko kay ate yung little tikes na car tapos kinuwento ko about dun sa nangyari sa rustans. tapos bigla nag sisigaw si waki sa likod namin sabi nya "yan! yan! yan! yan!" yung pala nakita nya sa monitor yung little tikes na car. nakakatawa kasi naalala nya yung car. hmmm kailangan ko na mag ipon ipon para mabili ko itong car na to.

*cozy coupe II from little tikes

Thursday, February 26, 2009

busy

busy kami dito sa office... kasi lilipat na kami ng office... dun sa kabilang street lang hehehe. nakakatamad mag ligpit ng gamit. kakapagod. be back next week pag dun na kami sa bagong office.

Friday, February 13, 2009

friday the 13th

hay! alam mo babuburaot ako sayo. alammo ba ilang commercials ang maling na air? 52! shhhhiiiiiiiyyyyyyyyeeeeeeeeetttttttttt!!!!!!!!!! aatakihin ako sayo sa puso eh. tapos ngayon mega deny ka. eh nung december ko pa sinabi sayo na yung new material ang gagamitin mo. hay! alam mo pag nakita kita sasabunutan kita. hay! sana malipat ka na ng ibang department. hay!

Wednesday, February 11, 2009

preschool

kanina nung papasok kami ni jim nadaanan namin yung isang preschool. sabi ko tuloy sa kanya na sa 2011 eh papasok na si waki sa school kasi 4 years old na sya nun by june. dun kasi sa gusto naming pre school eh september pa lang nag aaccept na sila ng students for the next school year. like for example si waki papasok ng june 2011, september 2010 magpapa assess na kami. bigla ko naisip na next year na yun... naiyak tuloy ako kasi feeling ko di na baby ang baby ko huhuhu... big boy na mag aaral na hehehehe.

Wednesday, January 21, 2009

last weekend

... nag swimming kami sa 9 waves. yup! kahit ang lamig lamig eh nag swimming kami. nakakatawa kasi meron kaming nakitang korean na kamukha ng 1 BIL ko hehehe. nasugatan pa si jimnung nag slide sya. treat ni bunny and frank yung swimming kasi babalik na sila sa london.

~0~

sunday niyaya ko si jim na pumunta ng serendra. wala lang di pa kasi ako nakakapunta dun hehehehe. kaso tinamad si jim. kaya ang bagsak namin eh sa fun ranch! hehehehe. nag lunch muna kami sa mom and tina's. di masarap nung kinain kong pasta. parang walang lasa. sarap nung dessert ko yung manggo walnut something. hay! parang gusto kong maglakad at pumunta sa mom and tinas dito sa makati hehehe. after lunch sa fun ranch kami pumunta. sumakay kami ni waki sa ferriswheel at airplane. kaming 3 naman nag bump car din. sayang kasi bawal na si waki yung mag hawak nung steering wheel. mahilig pa naman sya mag drive kunwari.

umuwi muna kami kina jim at natulog muna sandali. 5pm umalis na kami para mag simba. after mass sa italianis eastwood kami tumuloy kasi mag treat si BIL birthday nya kasi last jan 15. pag dating namin dun wala pa dun si BIL nasa veterans pa daw. so mamamasyal muna sana kaming 3 sa new eastwood mall. kaso nung papalapit na kami sa mall biglang tumawag si MIl na bumalikna daw kami kasi mauna na kaming mag order. after kumain nag laro muna yung magpipinsan. may dalang puppy in my pocket si daphne. ang cute! so kukunan ko ng picture dapat nakakatawa kasi nung habang kukunan ko na eh nagsiksikkan yung 3 kids sa harap ko para makita yung picture pati si waki na nasa high chair eh pumipilit na nakikipagsiksikan. tinutulak nya yung ate nya para sya nasa harap. nakakatawa! kaso napikon na yung ate nya kaya tinigilan ko na kunan ng picture kasi si waki di papatalo sa pinsan nya baka kasi maitulak sya eh.

Friday, January 09, 2009

im back

hay! grabe tagal kong di nakapag blog. haba kasi ng bakasyon at yung internet namin dito sa office eh nagloloko. mag bullets na lang ako kung ano mga naalala ko nung bakasyon.


  • dec 16. wedding anniv ng in laws ko. breakfast sa HEAT sa edsa shang. applied for students license nung hapon. pwede nako mag drive! hehehehe.
  • my first christmas party sa Primedia (dec 18). masaya naman sa Fiamma yung party namin. saya ng fotoloco booth!
  • umalis yung 1 angel namin for good (di kasi sila magkasundo nung isa) at yung isa eh sinabayan naman yung long vacation. hay! kaya tuloy eh bitbit ko si waki sa office. buti na lang napapagsabihan na anak ko kundi wala akong matatapos na officework!
  • done wrapping our christmas gifts. nakuha/bigay na rin namin halos lahat exept for 1 yung para sa inaanak ko si Kobe. offline kasi lagi yung mom nya sa ym or diko maabutan sa ym. oh well if nababasa mo to please get Kobe's gift sa house na lang = )
  • house lang kami nag christmas. dahil kaming 3 lang sa bahay kumain na alng kami sa labas at natulog! hehehehe
  • dec 25-26 sandoval's christmas party. sa Camp Allen Sta Cruz Laguna. saya! i won 500 pesos sa name bingo hehehe. nakakatawa nga kasi ang host this year eh jim's family tapos halos sa lahat ng games (3 out of 4 games) kami ang nanalo. luot nga daw sabi nung iba hehehe. i received a 4G flash drive, waki got sando and shorts and jim got 2 white shirts. its my firsttime na maulan ang christmas. nakakainis pa kasi wala akong dalang jacket namin 3! hay!
  • dec 26-27 after sa camp allen, sa Mutya ng Calamba resort naman kami pumunta sa Pansol Laguna para naman sa EspeƱa. gabi na nung dumating kami ng pansol. cranky na si waki kaya nag pahinga na lang muna kami sa room. saya kasi kumpleto yung mga anak ni dadan.
  • dec 30 swimming sa Cobo resort with the hosalla clan naman courtesy of dove and bunny. lamig ng water kaya di ako masyado nag swimming. nung gabi nanood kami ng fireworks display ng marikina. sa sm kami nag park. ganda ng pwesto namin.
  • dec 31 New Year! daming food.lahat kami lang nagluto. carbonara,potato salad, ham at buko salad. maulan din ang new year pero meron pa rin nagpaputok.
  • jan 3 nicu's party. waki came as tazmanian devil. bagay na bagay yung costume nya sa kanya kasi ang gulo gulo nya nung party hehehe.
  • jan 4 di dumating yung angel namin so no choice but to call sick sa office hehehe. extended vacation daw ako.
ayan lang mga naalala ko nangyari. sana wala akong nakalimutan iba pa. post ko mga pics. halo halo na hehehe

@ nicu's party


@ mutya ng calamba resort

@ camp allen


@ our house, new year's eve


@cobo resort


@fiamma tv5 christmas party