Monday, March 30, 2009

nakakapagod na araw

march 29- nakakapagod na araw. 630am gising na si waki (sus naman anak weekend naman patulugin mo naman ang mom and dad ng medyo mahaba haba) dahil inaantok pako binuksan ko lang muna yung tv para manood muna si waki ng barney or any disney show. siguro na bored, naramdaman ko na bumaba ng kama tapos narinig ko na lang biglang bumukas yung pinto namin. sabay pa kami napa tayo kasi si waki nakalabas ng room namin! hay! keaga aga eh aatakihin pa ata ako sa puso. kaya yun bumaba na lang kami. nag almusal muna sya. nung tapos na mag laba yung angel1 ko binantayan nya na si waki kaya umakyat nako ulit para matulog.

bumaba ako after 30mins. naririnig ko tumatawa si waki. nasalikod pala ng bahay namin naliligo sa planggana hehehe. ang cute kaya umakyat ako para kunin yun cam syempre photo op din yun. after 10 mins mukha ng prunes daliri ni waki pina ahon ko na sya. kasi 1130 aalis kami kasi birthday ng SIL ko.

dahil maaga sya nagising 11am nakatulog si waki. eh 1130 aalis kami. pinabihisan ko kahit tulog akala ko kasi di magigising. mali pala ako. kaya yun 30mins lang tulog. hinitay pa namin si BIL sa may kanto ng capitol hills. tagal dumating. ang init pa naman. nung pag daan namin sa dati naming school nakita namin na may tinatayong condo dun sa parking ng dati naming school. ganun?!@ eh san na kaya sila mag park? pano if may event? wala ng parking. we ate luch at albergus.

after lunch nag trinoma kami. kasi bibili sana ako ng bilin ni mama na shirt ni francis m. ewan ko ba dahil naiyak daw sya nung nalaman nyang namatay si francis m kaya yun gusto nya ng tshirt. pero bago pumunta ng trinoma dumaan muna kami sa manila seedling para bumili ng talisay, calamansi at neem tree. grabe ang gaganda nung flowers kaso 250 per pot ang mahal. pero sabi ko kay jim babalik kami dun para bumili ng flowering plants. gusto ko maraming plants ang aming munting garden. nakakainis pa yung una naming tinanungan sarado daw manila seedling. tapos nung paalis na kami kinulit ko si jim na magtanong na lang ulit. ayun bukas naman pala. kaya naka bili kami ng mga trees. nakakatawa pa tong si waki kasi tinuro ko yung calamansi sabi ko ball bigla ba naman hinila yung calamansi! buti na lang di natanggal kundi lagot ako kay manong hehehe.

after manila seedling derecho kami sa trinoma para bumili ng tshirt. kasi nakalimutan ko yung name nung shop! naka ilang itkot na kami sa 2nd level eh di ko pa rin nakita. kaya umuwi kaming luhaan.

pagdating sa house ng in laws ko puno lahat ng rooms. wala kaming matulugan, kaya sa may sala na lang kami ng pahinga. kaso itong si waki eh hyper kaya di rin kami nakatulog. nagpabili si MIL ng ice cream for merienda. nakapag simba na pala mga inlaws ko kaya pala 530 na eh nasa house pa rin sila. 7pm pa daw kami aalis for dinner. kaya nag laro muna si jim ng street fighter. natawa lang ako sa isang pamangkin ni jim. kasi gusto nya mag laro eh sabi ni jim "its for boys only" sabi nya "ok ill be tumbuy" nyahahaha! natawa ako kasi una gagawin nya lahat para makapag laro at 2nd bisaya sya "tumbuy" daw.

7pm dinner at barrio fiesta. yummy sana food kaso di sila nagbibigay ng OR! heller! siguro di nagbabayad ng tax. pag dating sa bahay. nag punas lang si waki tapos drink ng milk tapos tulog agad.

No comments: