Wednesday, January 30, 2008
our weekend, waki's sick etc...
hay! lagi na lang ganyan title ng blog entry ko hehehe. weekly basis na lang talaga pag post ko dito. anyway, saturaday nag lunch kami with high school friends. dumating kasi si boogie from chicago eh aalis na din agad sa tuesday kaya yun madalian nag lunch na lang kami. sinama ko si jim and waki. pag uwi namin napansin ko na mainit na si waki =( nilalagnat na sya 38.5 hay! madaling araw ng sunday nawala lagnat nya pero sabi ko kay jim papa check up pa rin namin si waki. sunday morning pina check up namin na prapraning kasi ako baka dengue ba kaya gusto ko pa kuhaan na agad ng dugo. di kinuhaan ng doctor kasi masyado pa daw maaga. wala din daw makikita sa blood test hay! so umuwi kami at obserbahan daw si waki. if may lagnat pa rin ng tuesday pa kuhaan na daw ng dugo. so monday di ako pumasok kasi may lagnat pa rin si waki pero nawala na ng hapon bumalik lang ulit tuesday morning. tuesday morning may lagnat pa rin si waki kaya pina check up namin ulit. sabi ng pedia baka daw UTI hay! pati ba naman sakit eh namana pa sakin ni waki. sabi ng pedia pag nilagnat pa ulit pa urinalysis ko na daw. buti na lang di na ulit nilagnat mula kahapon hanggang kaninang umaga. sana di na ulit lagnatin.
Wednesday, January 23, 2008
goodies = )
last saturday we went sa eastwood kasi nag treat si diko ng dinner birthday nya kasi. after dinner namasyal muna kami ni jim. syempre pumunta kami sa favorite place ko sa toy town hehehe. kundi sa baby section e sa toy section ako lagi pag nasa mall kami. so sa toy town kami pumunta. may gusto kasi akong balikan na mga toys na naka sale para kay waki. hehehe. i dont buy toys na hindi sale. ewan ko feeling ko kasi pagsasawaan din naman agad so bakit ako bibili ng mahal? anyway... nakabili ako ng toys para kay waki. 3 toys for only 250 hehehe branded toys yung ha fisher price at first years hehehe. kailangan nga lang labhan kasi medyo madumi na sya. pero ok pa naman condition nung toys. gustong gusto ko yung elephant na may salamin cute cute.... pati yung monkey na umiikot hehehe.
sunday sa may riverbanks naman kami pumunta. nakabili naman ako ng pokemon monster ball for only 50 pesos para kay jc naman. 150 kasi yung bili namin dati sa mall. kaya nung makita ko na 50 lang eh syempre binilhan ko na agad si dear brother. 2 pa binili ko hehehe. after sa SOS sa price off naman kami pumunta... nakakita ako ng comforter SALE ulit (hehehe) kaso rectangle yung shape nya eh ayaw ko g ganun... tapos yung mga square yung shape eh puro pang babae hay! sayang... naghiwalay kami i jim after sa price off... ako sa Guess Company store sya sa Van Heussen? (tama ba?) hay! pag dating ko ng ng guess daming tshirt at polo shirt na SALE (hehehe) hay! nakaka temp bumili kaso dami pang shirts/polo si waki na di pa nasusuot. so hanggang tingin tingin na lang muna ako. aba sa kakatingin ko eh may nakita akong shorts ang cute cute talaga. pinabili ko na kay jim. sayang SALE kasi. hehehe... happy ako sa mga nabili kong SALE nyahahaha
Tuesday, January 22, 2008
bad mommy = (
hay! di ako pumasok kahapon kasi pag gising ko eh namamaga yung left eye ni waki. hay! hay! kinagat ata ng langgam. kakainis! pati yung batak, arms at cheeks nya may kagat! kakainis tlg! bad mommy tlg! huhuhu!
Friday, January 18, 2008
not a good day
yesterday was not a good day for me = (
- mali ang nasakyan kong fx pauwi. hay! badtrip tlg! imagine taytay junction nasakyan ko imbes na landmark?!@#$ susme! so sabi ko ibaba ako sa buendia, nagbayad ako... aba pagkabayad ko eh binababa ako sa kabilang kanto at dun daw ako sumakay ng landmark at di nya sinauli yung pamasahe ko = ( nilakad ko na lang sana )
- pagdating ko sa mrt sira ang escalator. so mega akyat ako. pag dating ko sa taas hay! di nagpapapasok. may problem sa train hay! so pumunta muna ako sa sm para palipas oras at bumili na rin ako ng knee pads para kay waki.
- nag text ako kay papa para tanungin if sasama ba sya sa wake. nag reply si ate sabi tawag daw ako at si papa daw... so tumawag ako umiiyak si ate (naman!) diko naiintindihan yung sinasabi nya puro si papa... si papa... susme! ano ba?!@ may nangyari ba? tanong ko kay ate. yun pala eh nagkaroon sila ng misunderstanding... hay! kainis! pati tuloy ako umiiyak na sa loob ng car namin. akala siguro ng asawa ko nasisiraan nako ng bait nyahaha! my oh my! hirap ng life!
Thursday, January 17, 2008
angelina jolie lips
last week i woke up na masakit ang upper lips ko. dahil inaantok pako ginising ko si jim para tingnan ang lips ko kasi feeling ko namamaga. sabi ba naman ng mahal ko asawa (ewan ko ba dahil siguro sa antok) "oo namamaga... kamukha mo na si angelina jolie" nawala tuloy antok ko at tawa kami ng tawa
Tuesday, January 15, 2008
Despedida Dinner for Frenny
last night nagkita kita kaming barkada. this will be the last time na kumpleto kami for the next 3 years lang naman kasi our dear friend frenny eh sa dubai na mag wowork. sa napolis kami nag dinner as usual ang ingay namin. ang favorite topic nung gabi eh yung cleavage ni mimi nyahaha!!! kasi kita yung cleavage nya dun sa suot nyang blouse eh kasama ko si jim kaya inasar nya si mimi na nakakawalng gana daw kasi nakikita nya yung cleavage ni mimi. hehehe. after dinner na super busog kami dumerecho kami sa house ni wendy. mag iinuman sana kasi birthday ng kasambahay nya. so bitbit namin yung natirang fod sahouse kami ni wendy tumambay. grabe ang cute ng pug ni wendy si rem! ay! gusto ko din nun kaso ang mahal 12k?!@#$ sus! ipambili ko na lang ng food ni waki mas ok pa. kwentuhan kami sa may dining area nila. dami nilang dogs at ang cute pa ng mga names. si tax na isang mini pinscher na akala mo eh napakalaking aso. kung tumingin sa tao eh akala mo kayang kaya nyang labanan hehehe. si rem (short for remedial) ang aking favorite na dog sa lahat ay isang pug. ang cute cute nya talaga. pag tinatawag mo sya titingin sya sayo tapos e tilt nya yung head nya na parang nakikipag usap talaga sayo. at si consti (short for constitution) ay isang mongrel. ano daw? ito ang explanation... so tinatanong ko si wendy anong breed ng mga dogs nya sabi nya...
kai: wendz, anong lahi ni consti?
wendz: mongrel
kai:(biglang napaisip) ano?
wendz: mongrel
kai and the others na nakikinig: (lahat nag iisip)
kai:(nagsasalita sa isip) eh mukhang askal lang yun may lahi pala yun...
kai:(di makatiis kaya nagtanong na) ano yung mongrel?
wendz: mongrel=askal
kai and the others: natawa
so that is the word of the night. ang saya! = )
kai: wendz, anong lahi ni consti?
wendz: mongrel
kai:(biglang napaisip) ano?
wendz: mongrel
kai and the others na nakikinig: (lahat nag iisip)
kai:(nagsasalita sa isip) eh mukhang askal lang yun may lahi pala yun...
kai:(di makatiis kaya nagtanong na) ano yung mongrel?
wendz: mongrel=askal
kai and the others: natawa
so that is the word of the night. ang saya! = )
Monday, January 14, 2008
Happy 58th Anniversary Grandma and Grandpa and other kwentos
nakakapagod! feeling ko hindi weekend. parang walang pahinga.
(wala akong pics kasi nag cranky na si waki)
- saturday scheduled check up ni waki. maaga pa lang nag ayos nako ng mga dadalhin. 10am tumawag na kami ng delos santos para magpa lista na. nagbihis na kami kumain at nung aalis na kami may nag tex kay jim... si dolor yung sec ng pedia ni waki, hindi daw makakapag clinic si dra masangkay. hay! oh well.
- dahil nakabihis na kami niyaya ko na lang si jim na pumunta ng ark avilon, pagkatapos sana sa ark avilon eh mag grocery kami sa hypermart pasig. himala pumayag si jim. nung papunta na kami... hay! biglang umulan... kakainis talaga. kaya nag grocery na lang kami.
- sunday nag simba kami. 1030am mass kami kasi may lakad mga inlaws ko kaya maaga kami nagsimba. sa chocolate kiss kami naglunch.
- 5pm pumunta pa muna kami kina mang larry hehehe bago pumunta sa bf. kumain muna kami ng bbq tapos nag shoppers na para bumili ng mini cupcakes. 50 pcs na binili ko. akala ko marami na yun hehehe mali ako.
- 7pm dumating kami sa bf. grabe ang daming bisita. yung dala kong mini cupcakes wala pang 3 mins ubos na agad. hehehe. dahil sa dami ng tao cranky na si waki. nung una happy pa dahil siguro sa kakatawa eh kinabag. kaya yun napaaga kami ng uwi.
(wala akong pics kasi nag cranky na si waki)
Friday, January 11, 2008
LRT, Amilyar, Meralco atbp
kahapon di ako pumasok kasi may mga bagay na dapat kaming asikasuhin. first na insaikaso namin is yung amilyar. si jim nag renew ng MCF card nya. akala ko pwede kaming 2 meron nun kaya mag aaply sana ako. pagdating dun sinsabihan ako na 1 card per family lang ang pwede. hehehe. so pagkakuha ni jim ng card derecho na kami agad sa pagbayad ng amilyar. kumuha si jim ng number 274 susme! 200 pa lang ang na serve 74 pa hihintayin namin. buti na lang walang lunch break kaya tuloy tuloy. after 2 hrs (yes 2hrs!) turn na namin. binigay ni jim mga papeles only to find out di pa kami pwede magbayad kasi di pa daw na untag yung record sa lupa namin. hay! so punta kami sa city assessor's office para mapa untag yung sa lupa. aba! absent si assessor at wala daw ibang gagawa... ganun?! pinababalik pa kami kinabukasan... hay! so no choice kami kundi bumalik na lang kami kinabikasan... bigo kami hehehe. next stop namin is sa meralco. umuwi muna kami kasi kukunin ni jim yung psp ni BIL para may magawa naman sya habang naghihintay sa meralco. dumaan muna kami sa sec ng subd para tanungin ano na nangyari sa Bond namin. ayos naman naging usapan nila kasi di na kami magbabayad ng monthly dues hanggang Oct yehey! naiwan na lang ako sa bahay di nako sumama sa merelco. nag alaga na lang ako kay waki. bigo din si jim sa meralco. daming hinihinging papeles. hay! mga 6pm umalis kami para bumili ng SD card. first time ni waki sumakay ng lrt at natulog lang sya! hehehe ang laming kasi sa loob ng train. so far sa lakad namin kahapon yung sa SD card lang kami wagi hehehe. = )
Monday, January 07, 2008
Our Weekend Again hehehe
- sa house namin natulog ulit sila papa. hehehe mukhang every weekend eh dun sila natutulog. ok lang kasi atleast may taga bantay kay waki.
- nakakaupo na si waki with minimal support. hehehe.
- di ko alam kung bakit pero lagi umiiyak si waki pag karga ni MIL. nakakainis nga eh... baka ano isipin ni MIL. maybe because sa voice ni MIL? parang laging sumisigaw/galit? hehehe
- first time umiyak ni waki while nasa mass kami. di ko alam kung bakit basta bigla na alng umiyak = (
- naka bili na rin ako sa wakas ng teether hehehe. sale sa toy town eastwood 100 lang 1st years na tatak. dami ko nga gustong bilhin kaso nagmamadali kami kasi nakikisabay lang kami kina MIL.
Wednesday, January 02, 2008
Welcome 2008!
HAPPY NEW YEAR!!!!!!
- dec 29- pumasok pako sa office kasi ako ang duty. si jim nagbantay kay waki kasi nagbakasyon ang yaya nya. nag meet kami ni ate sa trinoma to plan for our media noche menu (hehehe as if madaming lulutuin). nagikot ikot muna kami sandali sa trinoma. dun nakita ko ang animaland store sya na naglilinis ng mga stuffed toy. syempre nag inquire ako agad. balak ko kasi ipalinis si babay J. mura lang pala 500 pesos lang admission nila included na yung cleaning at re stuffing. kaso ang tagal bago makuha ulit 2 weeks after pa! pero papagawa ko pa rin. xmas gift ko kay baby j hehehe. nakuha ko na christmas gift ni ate para kay waki... a cutie shoes = ) after sa trinoma we went sa robinson para mag grocery.... my goodness ang daming tao! pero no choice kami kaya nag grocery na lang kami.
- dec 30- 7 months na baby ko. ate cooked pancit and we bought na lang a cake sa fortune bakeshop. sabi nga ni jim dapat daw sa dec na lang kami naghanda para isang handaan na lang. late na nya sinabi eh nakabili nako ng ihahanda. nagsimba kami, while sila ate naiwan sa bahay para maghanda. pagdating namin sa house kumain lang ako sandali then umalis na kami to watch the fireworks display sa may riverbanks. every year nanonood kami ni jim nito kaso last year na late kami ng punta kasi may party kaming pinuntahan. sa malayo kami naka pwesto kasi baka magiiyak lang si waki sa tunog ng fireworks. nung nag start na yung fireworks display akala ko iiyak si waki hehehe hindi pinanood nya lang yung fireworks... hindi sya umiyak hehehe. di maganda ngayon yung fireworks display nila. parang ang bilis bilis lang. mas maganda pa yng dati. after nun eh umuwi na kami at kinain namin yung cake ni waki.
- dec31- new years eve. umuwi muna sandali sila papa para pakainin ang mga dogs at cats sa bahay. kami nila ate at jc eh tumambay lang at nanood lang sa cable. si jim umalis (as usual hehehe ) 6pm nag prepare na kami ng handa namin for media noche. nakakatawa kasi ang tagal namin naka tambay sa bahay late na namin naisip na wala pala kaming drinks. kaya umalis kami nila at at jc at pumunta sa robinson. buti na lang eh walking distance lang samin. pagdating namin eh mag close na sila buti na lang umabot kami. 9pm nagstart na kami magluto. tuna carbonara, pork bbq, cheese sticks, ham at mango ref cake for dessert. 1130 meron ng nagpapaputok ng mga fireworks. gaganda... sabi ko nga kay jim next year di na kami pupunta sa riverbanks. mas madami pang magagandang fireworks samin eh hehehe. muntik pang malaglagan ng "flare" ba yun yung bahay namin buti na lang humangin kaya sa kapitbahay nalaglag. si waki natulog lang... gumising sandali tapos tulog ulit.
Subscribe to:
Posts (Atom)