Thursday, October 30, 2008

coffee break ver. 1.42


Jan's coffee break:

nangyari sakin nung 1992 sa house namin sa novaliches. gabi na nun nagulat ako kasi dumating yung mama ko kasama mga kapatid nya. nakita ko si mama parang nanghihina. tinanong ko kung bakit sabi nya lang samin pagod sya. yun pala kaya sya hinatid kasi nagpaparamdam sa kanya yung best friend nyang namatay. sa office pa lang nung nasa loob sya ng room ang lakas na daw nung amoy nung perfume nung friend nya. tapos naramdaman nya na parang niyakap sya nung friend nya. sa sobrang takot ni mama nagpasundo sya sa mga kapatid nya.

habang nag didinner kami, 3 uncles ko ang nasa labas. pumasok isang uncle sabi nya na naiwan yung headlight nung sasakyan na naka on. nag taka naman yung isa kong uncle na nag drive nung sasakyan kasi nasa kanya yung susi so pano yun bubukas? sinundan si mama nung friend nya hanggang sa bahay namin. natakot na si mama so nagligpit na kami ng gamit namin kasi sa house na lang kami ng lola namin matutulog.

habang naghihintay na matapos yung maid namin mag ligpit. yung isa kong uncle ewan ko na anong trip nun at parang binuyo nya yung spirit nung friend ni mama. sabi nya di daw sya naniniwala na nagpaparamdam to. nakasilip ako sa bintana nun nakikita ko yun uncle ko na nagsasalita na parang kausap yung sasakyan. yun pala sinasabi nya na pakitaan pa sya nun ng mas matindi daw para maniwala sya. tapos biglang umilaw ulit yung headlight nung sasakyan tapos bigla syang nag start yung makina ng walang driver. nagsigawan na kami lahat sa sobrang takot. feeling tumaas lahat ng hair ko nung nakita kong umilaw at nag start yung sasakyan grabe talaga.

akala ko dun na sa house namin matatapos yung pagpaparamdam. pagdating namin sa house ng lola ko nag paramdam sya ulit. nasa room kami ng cousin ko. yung aircon sa room nya nasa may taas binuksan namin yun sa number 1. tapos nagdasal na kami kasi natatakot kami. habang nagdadsal kami biglang may nag switch nung aircon. wala naman ibang tao dun kasi kami nag dadasal lahat. di na lang namin pinansin para tumigil na lang.

Wednesday, October 29, 2008

2nd confinement in 1 year = (

hay! na confine ulit si waki sa ospital.this time due to pneumonia. hay! hay! hay! monday 3am nagising ako kasi umiiyak si waki. tapos nung binuhat ko biglang sumuka. natakot ako kasi nag tuloy tuloy yung pag susuka nya.tapos para syang nahihilo na hindi nya ma open yung eyes nya. tiningnan ko yung lips na namumutla nanaman. try ko syang painomin ng milk. naubos naman nya kaso nung na ubo eh sinuka din lang lahat nung gatas. so nag decide na ako na dalhin na lang sa hospital.

3am nasa Marikina Valley na kami. sabi ng doctor e admit na alng kasi baka ma dehydrate. so pumayag nako kaso ang problema no room available. hay! kainis! so advise kami na sa salve regina pumunta kasi yung pedia namin affiliated in dun. so go kami dun. on the way papuntang salve regina bumalik na kulay ni waki di na sya maputla. pagdating namin ng salve ganun pa rin advise samin na e admit na lang. ang problem? they dont accept medicard. anak naman ng pating oh! kakainis! so sabi sa Garcia kami pumunta.

dahil hindi ako mapakali kahit bumalik na kulay ni waki eh tumuloy pa rin kami sa garcia. pag dating dun eh meron pang nasa ER na naka ambo bag at parang cpr ng mga doctors. kakatakot kasi nakikita ko na nag flatline na yung sa monitor. sa kasamaang palad eh di nila na revive yung manong. hay! may he rest in peace. so na admit na nga kami. walang available na private room sa sa semi private kami tapos sabi ko if may available na private lilipat na kami. kinabitan si waki ng swero 6 adults kami nakahawak. grabe lakas ng anak ko. sabi ng doktor if may sakit ba daw talaga kasi 4 na kaming nag hahawak. buti naman eh 1 beses lang eh nakabit na agad ang swero.

540am admitted na kami sa ospital. so nung sinabihan na kami na pwede ng umakyat tumayo nako at hinanap ang elevator kasi naman sa 4th floor pa yung room. aysus! walang elevator! naman! eh ako may karga kay waki. pagdating namin sa room nagulat ako kasi meron 4 beds. eh halos kasing laki lang ng room namin yun sa bahay. ang sikip sikip namin. buti na lang kami pa lang sa room so parang solo na rin namin.

after 2 hours natanggal ang swero ni waki. nag wala aksi sya at pinalo yung hand nya with swero ayun natanggal. nakakainis kasi 3 nurses pa tumingin sa swero bago tinanggal. heller! parang hindi mga nurses nagpapasahan pa. parang walang sakit anak ko kasi ang likot likot sa loob ng room. sabi ko kay jim baka pwede na kaming umuwi. mga 5pm nun. so bumaba si jim sa nurse station para sabihin na uuwi na kami. di na daw pwede kasi sarado na billing.

tinawag na kami ng nurse para daw ikabit ulit yung swero. heller! sa er pa daw ikakabit yung swero. ano ba naman yun! pag baba namin tinawag kami sa may xray room asi may request daw yung pedia na e xray si waki. so 1st xray nag iiyak na.buti na lang nak xray sya. yung pangalawa naku! ayaw na talaga. eh kaka dede nya lang kaya yun nasuka tuloy. so diko na pinakunan kasi iyak ng iyak. after sa xray sa er naman para ikabit yung swero. ayun nag iiyak nanaman at nasuka ulit. pagkakabit umakyat na kami ulit sa room.

after a few hours eh natanggal nanaman yung swero. so ayaw ko na talaga ipakabit kasi uuwi na rin naman kami. sabi ng doctor if sumuka ulit si waki ikakabit ulit. di naman ulit sumuka kaya yun di na kinabit.

so hindi kami nakauwi. sa ospital kami natulog. kinabukasan 7am pa lang pinababa ko na si jim sa billing at gusto ko na talaga umuwi. hay! sarado pa. 10am dumating yung dr garcia check check kunwari yung chart ni waki. so tinanong ni jim if pwede na kami umuwi sagot ba naman kay jim eh di naman daw sya yung pedia namin so di sya mag decide. heller! eh bakit pa sya nag check check, kakainis! 2pm dumating na yung pedia namin. tapos binigyan nya na kami ng to go home. sobrang bagal nila mag process inabot kami ng 4pm sa ospital. nakakainis pa yung 1 doctor na wala naman ginawa eh nag charge pa ng pf samin. kapal ng mukha! wala anman ginawa!

hay! di na talaga ako babalik sa ospital na yun. nakakainis!

Wednesday, October 22, 2008

natalo ako = (

... sa bet namin ni jim hehehe. kasi ba naman nag marunong nanaman ako. nag bet kasi kami if naging classmate namin si LJ sabi ko oo nung 2nd year kami, sabi naman nya hindi kasi 3rd year na pumasok si LJ at sa kabilang section naman sya. so dahil feeling ko talaga tama ako kaya nakipag bet ako. if i win bibilhan nya ako ng book at pag syanamna nanalo eh buy ko sya ng tshirt. so pag dating sa bahay hinanapko agad ang class picture namin. my gulay! wala dun si LJ.ibang tao naiisip ko nyahahaha! so natalo ako. now i owe him 2 shirts. 1 for his birthday and 1 dahil sa bet na to. kainis!

Tuesday, October 21, 2008

coffee break 1.41

last aug 16 nagkita kita kaming hs barkada. ang aming usual topic? ano pa ba?eh di mga nagyari nung HS! hehehe. di kami nag sasawa pag kwentuhan mga nangyari samin nung HS. mga nangyari nung CAT/COCC, prom , science fair , linggo ng wika, mga nadulas habang nag practice kami sa auditorium, teacher na nakakainis at kung anu ano pa. i love HS. i love my barkada.kahit na minsan lang kami nagkikita eh close pa rin kami. kapag may chismis eh agad kami magtatawagan para ipaalam ito sa isat isa hehehehe. ayon nga sa mga boys namin barkada eh express chismis daw kaming mga girls hehehe. hindi naman sa express chismis kami ayaw lang namain na nawawala sa circulasyon ang barkada namin. dapat alam lahat ng balita nyahahaha! ito ang pinaka masayang stage sa buhay ko. dito ko kasi na meet yung taong makakasama ko habang buhay nyahahaha!


ito ang aking HS barkada. kulang pa yan. love ko silang lahat.

Friday, October 17, 2008

coffee break ver. 1.40

it happened a few weeks ago. nasa sm marikina kami. naghahanap ako ng new shoes. kasama ko ang aking brother. nakita ko na yung shoes na gusto ko a gold gladiator shoes ang ganda! so tinaas ko yung pants ko para sukatin. ang ganda sa paningin ko. so tinanong ko ang aking dear brother if bagay talaga sakin yung shoes. sabi ba naman sakin:

"Ate, maganda sana kaso di bagay sa legs mo ang buhok eh"

hay! syempre diko binili yung shoes.

Thursday, October 09, 2008

coffee break ver. 1.39

first time ko sumagot sa coffee break ni Jan. seryosong topic to. ito ang masasabi ko:



sa opinion ko mali yung ginawa ni pgma. di naman ganun katanda or may sakit si teehankee para palayain. kulang pa yung stay nya sa prison para palayain sya. napanood ko kagabi si mrs haultman sa news sa ch2. nakaka awa sya kasi narinig nya yung news sa isang kaibigan pa. hay! tama ba naman yun? maling mali yun. nakaka sad. = (

Monday, October 06, 2008

PBA

last sunday was the opening ceremonies of the new season of pba (phil. basketball association) while waiting for jim nag scan ako ng magandang mapanood ng makita ko yung pba sa cs 9. bigla akong nalungkot. as in na para akong naiiyak. ewan ko ba basta nalungkot ako kasi wala na samin ang pba. i should be happy kasi nabawasan na ang stress sa office. pero nalungkot ako kasi na miss ko yung stress na binibigay ng pba sakin nyahahaha! ang weird ko no?! hehehehe.

well for the first time na nanood ako ng pba na hindi kinakabahan. dati kasi nung nasamin pa yung pba ayaw na ayaw ko manood. kasi sumasakit ulo sa nerbiyos. kasi halos ma memorize ko mga commercial na ipapalabas, so pag may nilipat sila bigla akong na stress kasi akala ko na na miss yung commercial hehehe. pero last sunday nag enjoy ako sa panonood. stress free nyahaha!

so sa bagong pba traffic i wish you luck. uminom ng madaming stresstabs! = )

Thursday, October 02, 2008

new ref

we bought a new ref last saturday. kasi ba naman yung ref na hand me down samin eh everytime na e papa defrost ko eh nagloloko pag saksak ulit sa kuryente. kaya last saturday after weeks of searching of a store that give 12 months 0% interest naka hanap na rin kami sa western appliance sa sta lucia. sa iba kasi (abenson, sm at robinson) laging 6 months lang. hirap naman nun mabigat sa bulsa. saturday night pumunta kami sa sta lucia para bilhin na. Condura 8 cubic feet ang binili namin. dapat panasonic yung bibilhin namin pero na sales talk ata tong asawa ko kaya condura binili namin. pero in fairness maganda naman talaga yung mga features ng condura compare dun sa panasonic. opinion ko lang naman ito. excited pa anman kami ni jim kasi akala namin e dedelivery yung ref kinabukasan hindi pala. wala daw delivery pag sunday... sabagay si GOD nga nagpahinga ng ika 7th day so dapat yung mga tao din may pahinga. so monday dineliver na yung ref. dahil malaki ng yung freezer napag desisyonan namin na every 2 weeks na kami mag grocery, para makatipid na rin sa gas. hay salamat unti unti ng nagkakalam house namin hehehe. pag natapos na namin bayaran to component naman. = )