Monday, March 31, 2008

waki @ the hospital

hay! naospital si waki. kakainis kasi di malaman kung ano yung cause nung pagbaba ng dugo nya. grabe talaga nakakaiyak. tuesday morning pinababa ko na si waki kay jim kasi kakain na sya. still active sya before bumaba. so pumasok nako sa cr para maligo. after 5 mins kumatok si jim sabi sakin masakit daw tyan ni waki. nakapatis lang ako bumaba kasi akala ko minor lang na sakit ng tyan. pagdating ko sa baba ang putla na ni waki tapos para pa sayang nasusuka. natakot pako kasi para syang nag faint, parang naubos bigla powers nya. so dinala na namin agad sa ospital. pagdating sa ER nung na check na sya ng doktor sinabihan na kami agad na ipa confine na kasi ang putla na ni waki. so pinakuha ko na agad si jim ng room para samin naiwan kami ni waki sa ER. grabe nakakaiyak nung kinabitan si waki ng suwero. 8x na tinusok hay! halos sabayan ko si waki sa iyak nya. wala akong magawa kasi kailangan ikabit yun. pati nga si jim naawa kasi waki. pina cbc nila si waki dun nakita na mababa yung dugo nya. sabi nung pedia-hematologist papa repeat cbc si waki kinabukasan kasi if bumaba pa yung dugo nya eh no choice na daw kami kundi magpag transfuse hay! kaya mega dasal talaga ako na tumaas dugo ni waki. awa naman ng diyos eh naging ok naman cbc nya at pinauwi na rin kami kinabukasan. ito nakakatawa yung isang doktor mga 10 mins sya nag stay sa room namin inulit nya lang yung mga na research ko about g6pd aba nung nag out na kami nakita ko sa billing namin 1.2k siningil nya samin! susme talaga! taga masyado hmp! hindi ako pumasok ng thursday para bantayan lang si waki. ok naman sya buong thursday so sabi ko friday papasok nako, friday morning eh nagsuka nanaman si waki kaya yun hindi nako nakapasok buong linggo. ok na si waki ngayon. triple dose of iron lang binibigay sa kanya ngayon. tapos pinapakain ko sya ng liver at malunggay. hay pls sana di na ulit ito maulit. di kaya ng powers ko.



dad and waki


ma and waki sa bed


ok nako


pa cute sa hospital

happy kasi uuwi na kami

Monday, March 24, 2008

holy week - hidden valley

March 20 to 22 ( Maundy Thursday to Black Saturday ) punta kami sa Laguna. sa Hidden Valley kami nag holy week. grabe ang traffic nung papunta kami. yun na ata yung pinaka traffic na naabutan ko sa slex. susme! from alabang to san pedro eh halos 2 hours kami inabot. kawawa nga si dax kasi sya nag drive eh. kumpleto ang magkakapatid kaya nag decide si fil na mag outing. bihira kasi silang ma kumpleto. sa hidden valley kami nag stay for 3d/2n. grabe hirap mag impake! parang gusto kong dalhin buong cabinet ni waki (hahaha) kasi feeling ko sa liblib na lugar kami pupunta (hidden nga di ba?) kaya natatakot akong may maiwang gamit si waki. its better safe than sorry di ba? well diko naman dinala buong cabinet nya ( kalahati lang ) buti na lang at nag bf pa rin ako kahit paano kaya diko kailangan dalhin mga feeding bottles nya. yung buong likod ng crv eh gamit lang ni waki ang laman hehehe. laki kasi ng stroller nya eh buti nga diko naisip na dalhin yung crib nya! hehehe. so after 4 hrs nakarating na rin kami sa hidden valley. grabe! hidden talaga as in pasikot sikot yung daan. pero nice yung place. ang presko at ang daming puno. pagkadating namin nag lunch na kami agad. buffet... nothing special sa food nila. tama nga sabi ni fil na wag tikman lahat ng ulam kasi yung iba dun eh ulam din namin nung dinner = ) nagpahinga lang kami sandali tapos nag merienda, mga 3pm nag swimming na kami. sa warm pool muna kami nag swimming kasi yun ang pinakamalapit. sarap mag swimming sa mga ganung klaseng pool yung mga natural yung water kasi di ako nag worry if maka inom si waki ng tubig sa pool eh walang chlorine. konti lang tao... ayos nga eh kasi di masikip yung pool. daming koreans hehehe. hay! nakakaasar pa dito sa pool muntik mahulog si waki! grrrr! kasalanan ni jim yun eh. nananahimik kami ni waki sa mini pool tapos itong si jim kinuha sakin si waki aba! bigla ba naman nadulas grrr! buti na lang hawak hawak ko pa rin si waki kundi laglag talaga sa pool. hay! dahil umahon na lang tuloy kami ni waki medyo late na rin kasi at mukha ng prunes mga daliri ni waki kulubot na sa babad sa tubig. nag dinner kami ng mga 7pm. tapos nung natulog na rin kasi wala rin namang ibang pwedeng gawin.

next day maaga ako nagising. mali maaga nagising si waki kaya maaga din ako gumusing. nag breakfast muna kami. dami kong nakain hehehe at buti na lang madami akong kinain kasi malayo pala yung lalakarin namin that day. so lakad kaming 3. sabi ni jim sa hidden falls daw muna kami. susme! pagkalayo layo naman nung nilakad namin. buti na lang madami akong kinain nung almusal. kasama namin sila gil papuntang hidden falls. ang bigat ni waki tapos nakalimutan ko pa dalhin yung sling ko. nanginginig na braso ko sa pagbubuhat. so sa wakas after kilometers of walking nakarating na rin kami sa hidden falls. ang ganda kaso di pwedeng lumapit kasi malalim daw 35 feet. oh well nag picture picture na lang kami. pahinga sandali then lakad nanaman pabalik. naiwan sa lovers pool sila gil kami sa soda pool na lang kasi dipa naka swim wear si waki. so sa soda pool kami nag swimming kasama si fil at mil. nakakatawa kasi napapagod akong mag hawak kay waki kaya pinakapit ko sya dun sa pole. mukha syang tarsier! hehehe sayang nga diko na picturan kasi busy si jim mag swimming. tapos bigla na lang may foreigner na lumapit samin tapos nag paalam na kukunan nya daw ng picture si waki kasi cute daw. eh biglang sumagot si fil at umoo na kaya di nako tumanggi pa. after mag swimming sa soda pool nag lunch muna kami. nagpahinga sandali tapos nag swimming kami ulit. sa warm pool na lang kami nag swimming kasi di na kaya ng powers ko sa lovers pool. mga 4pm nag banlaw na kami at nag merienda. after namin kumain namasyal na lang kami. ayaw ko na mag swimming kasi baka masobrahan naman si waki at baka lagnatin. nilibot na lang namin yung place. wala masyadong pasyalan eh. kaya tumambay na lang kami sa isang rest area dun at umidlip sandali. mga 6pm bumalik na kami sa room namin nagbihis at nag dinner ulit. si jim nakipaglaro muna ng poker sa mga kapatid nya ako at si waki nanood na lang ng tv.

saturday- maaga kami nagising ulit. namasyal muna kaming 3 at nag picture taking hehehe. nag breakfast tapos nag ligpit na ng gamit. umidlip sandali si jim at waki. ako nag picture picture ulit sa labas. kina fil na kami sumakay pauwi. yung byahe namin pauwi 1 hr lang hehehe. bilis walang traffic. thanks kina fil and mil! next year ulit hehehe. = )

kami



waki big bato


cute floater


sarap!


warm pool


roots ng tree ang laki!

hidden falls

Monday, March 17, 2008

crawling forward!

yes! waki now knows how to crawl! yehey! we're very happy kasi na witness namin pareho ni jim. sunday morning mangyari yun. nakadapa si waki tapos nakita nya yung remote ng tv namin. tapos yun bigla sya nag crawl papunta dun sa remote. tuwang tuwa talaga kami ni jim. bumaba kami agad para ipakita kay ate, papa at jc kaso nahiya ata ang mahal kong anak at ayaw na gumapang. hehehe

Wednesday, March 12, 2008

Tuesday, March 11, 2008

strike

hay! may transport strike ngayon pero ang traffic pa rin. akala ko di ako apektado dito kasi di naman ako sumasakay ng bus/jeep/tricycle. so binaba ako ni jim sa boni stn ng mrt ayos! ang luwag. pagdating ko ng ayala stn bumili muna ako ng stored value ticket. so bumaba nako para sukay ng ayala lopp. susme! ang haba ng pila. sumama pala sa strike yung mga aircon jeep... hehehe akala ko kasi dahil "aircon" sila di sila kasali sa strike. buti na lang yung ibang sasakyan dun yung mga van/fx na nakatambay eh naisipan nilang magsakay na lang muna. oo nga naman kesa naman nakatambay lang sila dun eh magbyahe sila ng kumita sila ng extra. sana maayos na para di mahirap pumasok tom.

Monday, March 10, 2008

shooting

last saturday may shooting ulit sa subdivision kung saan kami nakatira. abscbs show na ASTIG daw yung show. diko pa napapanood kasi diko naman kilala ibang artista dun hehehe. nung matutulog na kami nagtataka ako kasi ang liwanag sa tapat ng bahay namin, so sinilip ko kung anu yun aba! sa may tapat mismo ng bahay namin sila nag shooting at pinabuksan pa ang porch light namin (singilin ko kaya sila ng kuryente! hehehe) silip ako ng silip kung sinong artista baka kasi si victor basa (hehehe i like victor basa!) kaso mga diko kilalang artista. sabi ng angel ko yung isang guy daw dun eh yung anak ni alvin patrimonio. oh well... sana next shooting nila si victor basa naman! naku kahit buong bahay namin nakabukas ang ilaw ok lang. hehehehe

Thursday, March 06, 2008

jeric raval

napagkamalan ng guard dito sa building si jim na si jeric raval! hahaha! tawa talaga ako ng tawa kasi yung face ni jim "feeling feeling" talaga! as if naman kamukha nya yun. ganito kasi yun so everyday ako sinusundo ni jim pagdating nya sa office e text nya ako tapos saka lang ako bababa. eh minsan matagal ako makababa kaya ni open ni jim yung window ng car kasi nga mainit. matagal na pala nikikita ni jim yung guard at lagi pag nakikita nya eh tinitingnan sya at talagang lumalapit pa sa car namin para makita si jim ng malapitan. so ang dear guard di na talaga nakatiis kahapon nung nakita nya na dumating si jim at nag double park eh nilapitan nya ito at nadiscover nya na hindi pala si JERIC RAVAL si jim nyahahaha!!!! so nag kwentuhan na lang sila at dun ko nalaman na mayor na pala si jeric ng pampanga. oh well... haba ng hair ni jim kasi napagkamalan syang artista nyahaha!

Tuesday, March 04, 2008

perdiblade

kagabipauwi na kami ni jim, kinukwento ko sa kanya about yung sa guard sa may subd namin na may hinabol na bata. papasok na kami ng VV eh sanay si jim na kilala na sya nung guard kaya di na sya huminto derederecho na lang sya kasi may car sticker naman kami. eh bago pala yung guard kaya pinara kami. di yun napansin ni jim kaya sabi ko "ya, pinapara ka nung guard" dahil malayo na kami di na rin sya huminto pa. so dahil dun nag speech nanaman ako na kasi tagal tagal na nya nabili yung bagong car sticker bakit kasi di pa nya idikit. sabi sakin ng mahal kong asawa:

j: eh wala kasi akong perdible
k: eh ano naman connection ng perdible sa car sticker? eh diba blade ang kailangan dun?
j: oo nga perdiblade

kainis!

crawling backwards

hehehe... yup waki's crawling na kaso pa atras! kagabi ko lang nakita. pinakita sakin ni jim kasi nung kumakain kami pinabantayan ko muna si waki kay jim kasi kakain kami ng mga angels ko. tapos naririnig ko si jim tawa ng tawa yun pala kasi si waki nag crawl na nga kaso pa atras. so nung umakyat na kami pinakita ni jim sakin. dun kami sa play area ni waki pinadapa nya tapos tinawag ni jim si waki ayun nag crawl nga paatras hehehe. sabi ko kay jim ilagay sa 1st gear si waki para pa harap ang crawl nya. cute! we love you baywaki! = )

Monday, March 03, 2008

hApPy 9 mOnThS wAkI

hay grabe 9 months na baby ko. 3 more months at 1 year old na sya. dahil walang feb 30, ginawa na lang namin na march 1 e celebrate ang kanyang "monthly" birthday hehehe. dahil ako naka duty sa office late nako naka uwi. gumawa na lang si ate ng mango ref cake. last friday di ako pumasok dahil may rally sa makati hehehe so ang ginawa ko na lang eh pinabakunahan ko na lang sa center ni waki ng measles. last na yun sa center the rest ng bakuna sa hospital na. hay! 2x na hindi ako kasama ni jim na mag pa check si waki. kasi naman lagi akong naka duty if sked na ni waki magpacheck up. so nung sa si jim lang at si waki. before ako umalis nag bilin ako sa aking angel na gisingin si jim ng 11am kasi magpapa check up si waki. tapos sabi ko na diko alam sino sa kanilang 2 ang isasama ni jim basta mag ready lang sila. aba! walang sinama si jim !@#$% kainis talaga. alam ko malapit lang yung hospital sa bahay namin wala pang 1 km, nasa labas lang ng guard house pero naman! kainis! dapat isinama pa rin nya 1 angel namin para mag hawak kay waki. accidents happen anytime no! hmp! kainis pa hindi man lang nilagay si waki sa car seat. as in pinaupo nya lang sa passenger seat at nilagyan ng seat belt. ay susme tlg!


"chubbs"


kami


me, waki, ate, pap-b and jc


big boy