hay! naospital si waki. kakainis kasi di malaman kung ano yung cause nung pagbaba ng dugo nya. grabe talaga nakakaiyak. tuesday morning pinababa ko na si waki kay jim kasi kakain na sya. still active sya before bumaba. so pumasok nako sa cr para maligo. after 5 mins kumatok si jim sabi sakin masakit daw tyan ni waki. nakapatis lang ako bumaba kasi akala ko minor lang na sakit ng tyan. pagdating ko sa baba ang putla na ni waki tapos para pa sayang nasusuka. natakot pako kasi para syang nag faint, parang naubos bigla powers nya. so dinala na namin agad sa ospital. pagdating sa ER nung na check na sya ng doktor sinabihan na kami agad na ipa confine na kasi ang putla na ni waki. so pinakuha ko na agad si jim ng room para samin naiwan kami ni waki sa ER. grabe nakakaiyak nung kinabitan si waki ng suwero. 8x na tinusok hay! halos sabayan ko si waki sa iyak nya. wala akong magawa kasi kailangan ikabit yun. pati nga si jim naawa kasi waki. pina cbc nila si waki dun nakita na mababa yung dugo nya. sabi nung pedia-hematologist papa repeat cbc si waki kinabukasan kasi if bumaba pa yung dugo nya eh no choice na daw kami kundi magpag transfuse hay! kaya mega dasal talaga ako na tumaas dugo ni waki. awa naman ng diyos eh naging ok naman cbc nya at pinauwi na rin kami kinabukasan. ito nakakatawa yung isang doktor mga 10 mins sya nag stay sa room namin inulit nya lang yung mga na research ko about g6pd aba nung nag out na kami nakita ko sa billing namin 1.2k siningil nya samin! susme talaga! taga masyado hmp! hindi ako pumasok ng thursday para bantayan lang si waki. ok naman sya buong thursday so sabi ko friday papasok nako, friday morning eh nagsuka nanaman si waki kaya yun hindi nako nakapasok buong linggo. ok na si waki ngayon. triple dose of iron lang binibigay sa kanya ngayon. tapos pinapakain ko sya ng liver at malunggay. hay pls sana di na ulit ito maulit. di kaya ng powers ko.
dad and waki
ma and waki sa bed
ok nako
pa cute sa hospital
happy kasi uuwi na kami
No comments:
Post a Comment