Monday, April 27, 2009

nova weekend

spent our sunday sa nova. di pa rin kasi tuyo yung sugat ni ate dahil sa opera nya kaya kami na lang pumunta sa nova. para di na rin sya matagtag sa byahe. maaga pa lang umalis na kami. nakakainis yung taxi na nasakyan namin kasi parang nagmamadali kaya nahilo ako, bumaba tuloy kami sa fcm hehehe. akala ko nga iiyak si waki nung sumakay kami ng tricycle.

pagdating namin sa nova nag almusal muna kami. tapos eh naglaro na sa at tumambay na lang kami sa bahay. si waki enjoy na enjoy sa paghabol ng mga chickens ni papa. yung kapitbahay nga namin pinakita kay waki yung rabbit nila. akala ko matatakot si waki, pero hindi hinawakan nya hehehe medyo hard pa nga pag hawak ni waki hehehe. tuwang tuwa di si waki sa broom broom nya. actually yung broom broom na yun eh yung regalo ko kay jc nung 6th birthday nya. dahil bigboy na si jc kaya binigay na lang kay waki. nakakatawa pa nga kasi ang init init sa may garahe eh kaso dun lang yung maluwang na space na pwede mag broom broom si waki. kaya ginawa ni papa para sa kanyang paboritong apo eh pinayungan habang nag lalaro si waki ng broom broom. hehehe.

after lunch nag latag kami ng banig, foam at duyan sa may sala at tigisa kaming electric fan magkakapatid hehehe. di naman kami nakatulog kasi nag kwentuhan lang kami. si waki nasa kwarto kasama lolo nya dun sila natulog. we ordered greenwich pizza pang merienda. after merienda nag basketball si waki at jc sa tapat ng bahay. 530 tumawag si jim uwi na lang daw kami sa bahay kasi di kami magsisimba.

next week ulit! ate pagaling ka na = )


Friday, April 17, 2009

thank you

... at naka uwi na rin si ate. after 5 days sa hospital dahil sa appendicitis. she's ok now.

Wednesday, April 15, 2009

appendectomy

yan ang ginawa sa ate ko. monday nag text si ate sakin na may sakit sya. na miss ko yung call nya kaya akala ko eh simpleng sakit lang. 4pm nag text sya ulit nasa er na sya ng lcp. ask ko anong findings sa mga test sa kanya acute appendicitis daw. 5pm naka confine na sya at ooperahan na daw ng 830pm. dahil biglaan walang dating damit si papa at naiwan si jc sa bahay kasama ang new angel nila. wawa naman. 9pm na kami dumating sa lcp, diko na naabutan si ate. sabi ni papa kakababa lang sa er. akala ko mabilis lang yung pag opera. 12mn wala pa rin tawag. so umuwi si jim. ako at si papa na lang naiwan para maghintay. 1230 may tumawag samin para bumaba daw kami sa recovery room. kakaiba yung recovery room sa lcp as in individual room talaga sya na may viewing area sa bawat room. sabi ni ate kaya daw ganun dun eh karamihan ng inooperahan dun eh kailangan isolated. kung baga eh nakakahawa yung sakin nila or very weak ng immune system kaya kailangan ganun yung style ng rr. akala ko kaya kami pinababa eh dahil ikkakyat na si ate. di pala pinababa lang yung soap at bimpo. kinabukasan pa daw e aakyat. buti na lang at di ako pumayag na maiwan mag isa sa room kungdi ako lang magisa sa room magdamag hehehe.

9am na inakyat si ate (grabe 12 hrs syang nasa rr susmio!) ok naman operation. naka lakad at naka utot na sya agad kaya pinayagan ng mag clear liquid diet (jello and water only). its the first time na diko katabi si waki matulog. di ako nakatulog namimiss ko ang amoy ng aking anak hehehe. umuwi ako ng bahay 5pm na kinabukasan. ok na si ate baka tom maka uwi na sya. 2 weeks syang naka bakasyon.

Monday, April 13, 2009

1 month na lang


one month na lang at magbabakasyon na rin kaming 3! yahoo! di pa rin ako nag file ng leave. bahala na kahit di payagan wala naman kayaong magagawa no. di pa rin ako papasok. bayad na yun no. sarap 4 days na bakasyon. sana nice weather dun.

holy week

this is how we spent our holy week.

palm sunday - my birthday sa house lang.

holy monday - sm moa. ate at aling (i forgot the name nung lutuan). my mil's birthday. (yup magkasunod kami ng birthday). nakita pa namin si kapitan boom hehehe.

holy tuesday and holy wednesday- sa office. halfday dapat ng wednesday kaso daming ginawa kaya parang whole day pa rin ako. kasi pag diko natapos yung work ko eh papapasukin pako ng saturday.

maundy thursday - my first time na mag bisita iglesia. ganun pa yun hehehe. nakakatawa kasi yung unang plan is to visit 14 churches sa laguna. my fil have listed mga churches to visit. come thursday na late kami ng alis kasi wala kaming angels (yup pinag bakasyon ko yung 2 angels ko) kaya natagalan kaming umalis. we're suppose to leave at 7am. we left manila 9am na hehehe. sa likod kami dumaan (antipolo) ang traffic. dumating kami ng laguna 11am na. dahil sa traffic na cut down into 7 churches na lang ang pupuntahan namin. 1st church is yung sa pakil, laguna. nice small church. daming tao. ganun pala yung nag pray sa bawat station (yun pala yung bisita iglesia) after my mil prayed sa 3 stations umalis na kami. next church dapat is paete. maganda daw dun kasi madaming santo yung church. kaso sa kasamaang palad naligaw kami. ewan ko ba kasi ginawa nila lahat na one way kaya yun naligay tuloy kami. dahil nag 12 na nag decide si fil na kakain muna kami sa exotik resto. naku buti na lang at super puno yung resto. eh gutom pa naman ako tapos yung pinag uusapan nilang kakainin eh frog ewwwww! diko nga mahawakan yung frogs tapos kakainin ko pa. hehehe. dahil di namin nakita yung paete church (sayang talaga) dumurecho na lang kami sa pagsanjan church. dahil sa gutom at ang likot na ni waki di na kami nakasama sa loob ng church. si mil na lang nag pumasok at kami nag hanap na lang kami ng resto kung saan kami pwede kumain. after lunch derecho na kami sa majayjay church. nice big church. dito tinapos na ni mil lahat ng station of the cross kasi malabo na umabot kami sa nagcarlan ng 3pm. after sa majayjay derecho na kami sa house ni tito mario. dito na nag enjoy si waki kasi may kalaro na sya. wala silang ginawa kundi nagtatakbo. tiningnan pa namin yung mga hamsters. grabe ang daming hamsters ibat ibang breeds pa. si waki di tapos ako di talaga ako lumapit. mga 5pm umuwi na kami. dumaan muna kami sa bae to buy monay. dahil traffic nag dinner na kami sa rsm sa pansol para derecho na ng uwi. pagkauwi sa bahay binaba lang ni jim lahat ng gamit tapos umalis ulit para isauli na yung sasakyan. so naiwan kaming 2 ni waki sa bahay. at ito ang nakakainis na nangyari. nasa may kusina kami iinom sana ako ng water tapos bigla na lang narinig ko si waki nag "psst! psst!" waaaaa!!!!! naalala ko yung sa commercial ng T2 nyahahaha! kaya yun binuhat ko si waki at nagmamadali kaming lumabas ng bahay. nyahaha... kaya nagulat si jim kasi nasa labas kaming 2 ni waki at bukas lahat ng ilaw sa bahay. hehehe.

good friday - sa bahay lang kami. dahil siguro sa pagod sa byahe nung thursday late na kami nagising. natulog lang kami buong araw. kinagabigan naisip ni jim na pumunta sa house nila. makiki internet kami. nakakatawa kasi pagdating namin dun kumpleto silang magkakapatid. 10pm na akmi nakauwi. di rin kami nakapag internet kasi naglaro silang magkakapatid ng star craft ba yun.

black saturday - 10am excited na si jim. bukas na daw kasi ang mall. excited sya kasi baka dumating na yung xbox nya. tumawag sya nga 1130 all smile sya kasi dumating na daw ang package from mother dear. kaya pag ka lunch eh umalis na kami para pumunta sa johnny air mega mall. wala pa kaming 10 mins umalis na din kami bitbit ang package nya. derecho kami sa ml kwarta padala para magpadala ng money sa aking 1 angel. 330 dumating kami sa cobo resort. dito ako minalas. di kasi ako nakapag swimming kasi meron akong monthly visitor. habang nag swimming si jim hawak ko si waki. nilagay ko yung camera sa lapag diko napansin na sumabit pala sa paa ni waki yung strap ng camera kaya yun pag buhat ko kay waki sumama yung camera nahulg sa pool. susmio! halos lumuwa mata ko nung nakita ko yung camera sa pool. kaya wala akong ma post na pic kasi wala kaming cam huhuhu sana hindi nasira.

easter sunday - sa bahay lang din kami. dumating na 1 angel namin kaya meron ng magluluto yehey! sila ate at jc lang dumating sa bahay. wala si papa may pinuntahan daw. 4pm umuwi na sila kasi aalis na kami. birthday kasi ni nadine. nag easter egg hunt kami. nag enjoy si waki makipaglaro sa mga cousins nya at nga neighbors namin.

Tuesday, April 07, 2009

three decades...

... and still counting = D

Happy birthday to me! celebrated my birthday sa bahay lang. cooked red spaghetti and carbonara. bought mang fredricks pork bbq, andoks lechong manok, pixies inihaw na bangus, and pan de amerikana pandesal. jim bought alex franco's yummy cake for dessert. nakakatawa pa yung cake kasi friday night pa lang kinuha na ni jim yung cake. sabi ko kasi sa kanya yun na lang gift nya sakin kahit yung 9" lang kasi alam ko tipid kami ngayon for our trip sa May. aba pag sakay ko ng car friday night ang lamig eh di naman talaga kami nag aircon. baka daw kasi matunaw yung cake. pagdating sa bahay binuksan ko na yung box nagulat ako kasi nakasulat 18" cake. sa loob loob ko aba galante ang asawa ko at 18" tapos natawa sya sakin kasi nakita nya sa face ko na nagulat ako. sabi nya "kai, ang liit nung box oh di yan 18 inches nilagay ko lang yan" kainis! akala ko pa naman galante hehehe. happy naman birthday ko. thank you sa lahat ng bumati.


Thursday, April 02, 2009

WA...

tinuturuan ko si waki mag salita. kasi bulol sya. sya lang nakakaintindi ng mga sabinasabi nyo. pero meron naman na naiintindihan namin like "tenchu" (thank you), "rap" (sarap), "dad", "mi" (mommy), (Up) at iba pang diko maalala. so kagabi tinuturo so sa kanya "what's your name? my name is WA-KI" tapos sasabihin nya sakin "WA" hehehe bitin. kahit ilang beses ko ulitin hanggang dun lang talaga. so ngayon sya si "WA" hehehehe

mmm rap!

kagabi nag luto ako ng seafood pasta in oil and garlic. try ko lang kasi ihahanda ko sana sa linggo. kaso ang problem disaster ang luto ko... walang lasa... parang papel hehehe. so nilagyan ko ng asin at garlic poweder ayun nagkalasa ng konti. mas masarap pa rin ang luto ni mama. so dahil yun lang ang food namin for our dinner so no choce ang lahat ng tao sa bahay na kainin ang niluto ko. lahat nag comment na malas ay yung lasa. pero ang pinaka fave ko na comment eh galing sa aking anak... bawat subo nya sasabihin nya "mmm rap!" nyahahaha! after 5 subo niluwa nya na rin hehehe. hay anak love mo talaga ang mommy!