Monday, September 29, 2008

9.27.08 and michael's birthday

9.27.08 saturday at duty ako. dahil saturday nag service lang ako papuntang office. pag dating sa may greendale sumakay nako sa service. katabi ko isang malaking lalaki sa madaluyong daw sya bababa sabi nya sa driver. dahil saturday 1 route lang ang service ortigas/buendia/ayala. daming bumaba sa ortigas. siguro mga 5 na lang kaming natira sa van. sa may san miguel ave dumaan yung van tapos sa may pioneer st lalabas mag tunnel the boni edsa na labas. nung habang nasa san miguel ave kami tinanong na ni big guy si driver if dadaan ng pioneer st. ewan ko na at itong si manong driver ata ay hindi nakikinig kay big guy. sindabi na nga ni big guy na may trauma sya sa pag daan sa pioneer st. nabangga kasi sya at muntik ng mamatay yung anak nya sa street na yun. so aas much as possible eh ayaw nya dumaan dun. ito naman si manong driver eh dire direcho lang. hindi man lang sinabihan si big guy na malapit sa pioneer. aba naman nung nasa nadiass na kami bigla ba naman sinabi ni big guy na bababa na sya sabay baba ng van eh hindi naman nakahinto yung van! hay! akala ko naaaksidente pa sya. kainis! ninerbiyos tuloy ako.

pagdating ko sa office nag aayos sila. nagbibigay ako ng instructions sa bago namin kasama ng bigla akong may narinig na may nalaglag na steel cabinet. gosh! nalaglag yung cabinet sa likod namin at naipit yung isa namaing officemate! my gulay! so napatakbo tuloy kami ni officemate 1 sa labas para humingi ng tulong. na off balance daw yung cabinet (hahaha!)

habang nag susurf sa net bigla akong nahilo. mga 5 seconds siguro. akala ko lumindol. tiningnan ko yung iba kong officemates eh no reaction naman sila. after 15 seconds parang inuga ako unit pero mas malakas. dun na may nag react hehehe. lumilindol na pala! hahaha! nakikiramdam lang pala kami sa isat isa kung sino unang magsasabi samin. hay!

230pm pumunta na kami ng las pinas para sa birthday party ng anak ng officemate ko. mahina talaga ako sa mga directions. buong akala ko eh sa aguinaldo st kami dadaan. aysus! nakarating na kami sa bamboo organ eh wala pa rin jollibee! nyahaha! yun pala imbes na kumaliwa kami dapat pala derecho. buti na lang at hindi gutom ang mahal kong asawa kundi patay! ako. saya ng party aliw yung host nila. nag enjoy naman si waki. ang ingay nga nya sa party. para syang boss mag sisigaw ng instructions nya, wala naman nakikinig hehehe. love ni waki jollibee spag! halos maubos nya yung spag na serve samin. picture picture then sumayaw si jollibee then uwian na.

after the party umuwi na kami. pagdating sa bahay tumawag ang kuya na ngayon na kami buy ng ref. condura 2 door 8 cubic binili namin. so ayun lumabas kami ulit 3 para bumili ng ref. ngayon e dedeliver yun. unti unti na rin nagkakalaman ng appliances ang bahay namin yahoo! after ng ref tv ulit nyahaha!

Friday, September 26, 2008

Jim's Big 3-0 = D

kahapon hindi kami pumasok ni jim... kasi birthday nya. 30 na asawa ko hehehe. maaga pa lang umalis na kami ng bahay. medyo marami rami kasi aasikasuhin namin. 1st stop namin is as marikina post office. kukunin na lang namin yung refund from philhealth at ang ID ko sa SSS na hay naku na 1 year bago ko nakuha. pagdating namin dun ang daming tinanong na kung anong anik anik na number. tinatamad lang siguro sila mag hanap. aalis na sana kami kaso si jim ayaw, sayang daw lakad namin. so bumalik sya ulit at sa postman na nakipag usap. kaya pala hindi na dedeliver sa house namin yung mga sulat kasi nag resign na ang postman na naka assign samin hay naku! so yun kung hindi pa namin pimuntahan hindi pa namin makukuha mga sulat namin.

after sa post office sa nso kami tumuloy. sa may city hall kami nag park tapos nag jeep papuntang nso. daming tao grabe! yung number namin is 2400 tapos yung sineserve na number nasa 1500 pa lang ayos! nag merienda lang kami sandali sa jollibee then naghintay na kami sa nso. mga 1230 kami natapos. pagkatapos sa philhealt tumuloy naman kami sa sacred heart sa kamuning, para kumuha ng baptismal cert ko. dahil nandun na rin kami kinuhaan ko na rin si ate same lang naman yung church kung saan kami bininyagan.

after ng sacred heart pumunta kamisa e rod para pumunta sana sa may US surplus para bumuli sana ng car seat at high chair. pagdating namin sa e rod hehehe wala na dun yung shop naging persian kebab food na sya hehehe. dahil bigo kami eh sabi ko kay jim sa ikea sa kamias kami pupunta. binaybay namin ang kamias road. bad trip walang parking! so ayaw ni jimna bumaba kami. kainis! syempre birthday nya hindi nako nagpumulit pa. last hirit ko eh bibili ng lumpia sa lei's. dahil siguro nakita nya na nalungkot ako na hindi kami dumaan sa ikea kahit walang parking eh huminto pa rin sya sa tapat ng lei's. ayos! bumili ako ng 4 na lumpia. yummy lumpia dito promise! si mama ko dito pinaglihi si ate.

after sa lei's sa robinson liit kami tumuloy. bumili ako ng pang carbonara. after robinson umuwi na kami. nakipag laro sandali kay waki then nag pahinga muna kami. 6pm nag start nako magluto. carbona at pork chop ang handa ni jim. tiring day pero happy kasi marami kaming na accomplish ni jim.

Ya, Happy Birthday! We Love You!

~ kai & waki ~

Tuesday, September 23, 2008

reunion

last saturday pumunta kami sa bulacan to attend a mini reunion.dadatting kasi yung mga cousins ko na 15 years na namin di nakikita. ang masaya pa eh lumuwas yung dad nila from bicol para makita sila.sayang nga kasi di nakasama yung bunso nilang kapatid kasi may pasok. timing naman at pinasok ni jim yung car sa talyer para ipaayos. biti na lang at pinahiram kami ni BIL R ng car nya. dapat kasi makikisabay na lang kami kina papa. 11am umalis na kami sa bahay ok pa yung car. nung nasa north fairview na kami biglang kinut si jim ng isang car, dahil hindi samin yung car eh hindi pa gamay ni jim yung kotse. namatay yung makina at ayaw na ulit mag start! susmio! nasa highway/ busy street pa nmaan kami. mga 10 mins nag try si jim e start yung car pero ayaw talaga. syempre mega busina yung mga nasa likod. so tinulak ni jim yung car at ako ang nag maneho kandong ko si waki. ayos! nakakainis pa yung isang jeep nakita na nga nya na tinutulak eh inabante pa nya yung jeep nya. gusto ko sana sapakin eh hehehehe. so natabi na namin yung car. meron lumapit samin mekaniko daw sya. tiningnan nya yung car sabi nya kay jim hinid daw sya "technical" kaya tatawagin nya yung kasama nya na marunong sa "electrical" ng car. pagdating nung kasama nya sinubukan na e strat ulit yung car.ayaw talaga so tinulak nila ayun nag start na yung car. hay! salamat! binigyan ni jimyung 2 good samaritan ng konting tip sa pagtulak nung car hehehe. so from fairview to bulacan mega dasal ako na wag kami mamatayan ng car. salamat naman at tuloy tuloy ang biyahe at nakarating naman kami ng maayos sa bulacan. pagkadating nag lunch kami agad. i saw na yung twins na anak ng cousin ko. ang cute cute nila. kaka aliw. mga 3pm dumating na yung mga cousin ko syempre meron iyakan blues hehehe. saya atleast happy lahat. 4pm umuwi kami umandar naman ulit yung car. nakarating naman kami ng marikina ulit hehehe.

Tuesday, September 16, 2008

JC's Birthday... Manila Ocean Park... at iba pang kwento

last sept 13 late birthday celebration ni jc. akala ko di na matutuloy buti na lang eh nakagawa kami ni ate ng paraan.

dahil pupunta kami sa OP at may work si jim dahilsa bookfair sa MOA binitbit ko na lang si waki sa office, duty kasi ako. ahy! wrong decision pala. di ako nakapag trabaho. ni umihi eh diko magawa, hindi nga ako nakakain hay! diko dapat pinahiram yung stroller. sana kng may stroller eh hindi sya malikot hehehe. pero ok enjoy naman magbantay kay waki. nakakapagod pero masaya.

2pm dumating sila ate. sa wakas! makakapagtrabaho na rin. timing nga kasi tumawag na rin ang traffic. nag work lang sandali then pumunta na kami sa smx sa moa. akala ko makaka alis kami agad... hindi pala. pagdating namin eh di pa rin tapos si jim. naglibot libot muna kami tapos mga after forever natapos na rin si jim hehehe. sa kenny rogers kami nag dinner. 7pm dumating na kami sa OP. ninerbiyos pa ako kasi nakapila kami ni ate para bumili ng tickets tapos biglang nag mamadali si jc pumunta sakin kasi masakit ang dibdib ni papa. hay! hay! wala pa anman akong dalang wallet di ako makabili ng water... nanghingi pako ng pera kay papa hay! hay! tinanong ko kung bakit sumakit bidbid nya... kasi daw tumakbo sya hinabol si jc... tama ba naman yun? hay! nagpahinga lang sandali then pumasok na rin sa loob. ok na rin sana kaso nainis lang ako kasi si waki ( 1 yr 3 months ) may bayad ng 350 pesos sus naman! maganda palang gabi pumunta kasi wala ng tao masyado. ganda ng pics namin.

~0~
sunday,pumunta kami ulit sa bookfair. kailangan kasi ni jim mag work. grabe daming tao sa moa. tinanaong ko si jim if dadalhin yung stroller wag na daw kasi sya na lang mag bitbit kay waki. aba naman pagdating sa smx eh nag work na sya so ako nag alaga kay waki hanggang makauwi kami. rason nya kasi mag mamaneho pa daw sya. ay sus! sana eh dinala ko na lang yung stroller. hirap kaya ang bigat ni waki eh. after smx dapat mag grocery kami kaso sa sobrang pagod tumuloy na lang kami sa house nila jim at dun nag pahinga,then nag simba afterwards. after mag simba sa may petron sa katipunan kami kumain. habang naglalakad papunta sa petron sinabihanko si jim na ilipat yung car ng dad kasi aabutan kami ng 7pm mass. hay! di nya ako sinunod. so after dinner mga 730 ayun may naka bara sa may car so hinitay pa namin matapos yung mass. para tuloy twice kaming nagsimba hehehe.

Monday, September 08, 2008

Kumusta Naman?

tagal ko ng di nakakapag blog. tinanamad lang akong mag blog. sa dami ng nagyari eh nakalimutan ko na yung iba. hay hirap ng CS eh. hehehe. anyway isusulat ko na lang mga naalala ko.

Aug 24- divi day namin ni ate. grabe nakakapagod! di ko na ulit uulitin yun. hirap mag byahe kasi maulan. grane nakakainis yung ibang presyo nung mga binili namin. nung birthday ni waki eh 20 pesos ko nabili susme! mgayon eh 11 pesos na lang... kainis! sana naglakad lakad pa kami ng malayo layo para nakatipid kami nung bday ni waki.

Aug 28- kita kits kaming magpipinsan (espeƱa side) sa trinoma. kasi e meet namin yung cousin namin na hindi namin nakita for 15 years! (ganun katagal). mga 7pm nako dumating. grabe mas malaki na sakin ngayon yung cousin A! dati eh baby pa sya nung huli kong nakita. dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari eh kaya di na kami ulit nagkita. yung mga brothers nya hindi nya kasama kasi nag aaral sa batangas. nice seeing you again cousin A. see you sa Sept 20!

Aug 30- Jihane's Party. kakainis na late ako nagising! tuloy hinid maganda yung balloon decors namin. di bale nag enjoy naman mga kids sa party. costume party syempre naghanap kami ni jim ng kakaibang costume para kay waki. buti na alng rent ako ng f1 driver suit. nilagyan na lang namin ng mga stickers para kunwari patches sya. nanalong best in costume anak ko nyahaha! sama ng loob ng iba kong cousins. heller! naka family costume kaya kami no! pero kung ako tatanungin dapat si kaimah nanalong best in costume. ang cute ng suot nya.

Sept 6- pumunta kami sa sm marikina. sus daming tao. nakakainis mamasyal. parang puro tao na lang. maliit lang yung mall. umuwi kami agad. sayang nga bibili sana ako ng gald shoes eh kaso mainit na ulo si jim. siguro next week konti na alng tao dun. baka dun na kami mag grocery. sayang ang points! hehehe

Sept 7- @15 months ngayon lang naglakad si waki hehehe. delayed! actually marunong naman before pa kaso tamad. mas gusto nyang gumapang. pero ngayon grabe nakakapagod na kasi ayaw na nyang magpakarga. gusto nya lakad lakad lang. kaso para syang lasing maglakad. gumigilid! kakatawa! hilig nya makipag habulan ang kaso biglang lumiliko hehehe. happy pa rin kami kasi sabi naman nila late talaga mga boys.