Friday, June 27, 2008

Absent

... ako kahapon. may emergency lang kaya di ako nakapasok. my moms cousin died eh sister sya ng angel sa house sa nova kaya wala silang angel dun ngayon. my sister called yesterday morning asking if pwede mahiram yung 1 angel ko. so syempre pumayag ako. kaya di ako nakapasok kasi ako magbabantay kay waki at si angel #2 ang gagawa ng gawaing bahay. grabe! nakakapagod pala mag alaga ng bata. ang likot likot ni waki. pinababayaan ko sa crib kaso inaakyat yung crib! susme! kaya yun nasa rubber mats na lang kami naglalaro at dun na rin nag nap hehehe. nung hapon namasyal kami sa village. nakipaglaro sa mga cousins ni waki sa kabilang street. hay! how i wish SAHM na lang ako.

~0~

something happened to my cel yesterday. it bid goodbye to me na talaga huhuhu. ngayon pa naman na short ako sa money kasi bumili ako ng watch hehehe. nalaglag ni waki yung cel ko akala ko ok pa kaso di na talaga sya nag bubukas. huhuhu. cel phone less tuloy ako. hirap pa naman walang cel pag umaalis, di kami pwede maghiwalay ni jim. oh well baka meron akong mahiraman sa mga in laws ko.

Tuesday, June 24, 2008

anniversary, birthday and father's day celebration

3 in 1 celebration. June 19 32nd wedding anniversary of my parents, June 20 birthday of my sis and june 15 is father's day. my sister is not feeling well last week so we decided just to celebrate it last saturday june 21. it was raining hard last saturday, diko alam may bagyo na pala hehehe. we diid the grocery first then went home. nandun na pala sila ate. rest lang muna kami sandali then decided to have dinner na sa pan de amerikana . tinanong ko si jim if alam nya oo daw. aysus! hindi pala nya alam nagpa ikot ikot tuloy kami. pagdating namin dun sarado! hay! kasi meron kasal kaya sarabo buong place. so bumalik na lang kami ng blue wave at sa super bowl na lang kumain. after dinner umakyat kami sa taas para maglaro sa time zone. kainis kasi di tinanggap yung power card namin pang trinoma lang daw yung load nun so kailangan namin mag re load para magamit yung card. kawawa naman si jim kasi pinakuha ko pa yung card sa car eh di rin naman pala tatanggapin. so ang ending e bumili na lang kami ng bagong card. first time ko mag laro sa timezome ( hay! loser talaga ako hehehe) nag enjoy ako hehehe. si waki medyo cranky na kasi inaantok na. dami naming nilaro, air hokey, basketball, bowling, yung pinapalo yung crocs, yung pinapalo yung mga squirrels at nakipag car racing sa aking kapatid. hahaha! puro bangga yung kotse ko. sabi tuloy ni jim di nya papahawak sakin yung kotse! hahaha! after maubos ang load ng card namin eh umuwi na rin kami, closing time na rin kasi. nag promise pako kay jc na babalik na lang kinabuksan. kaso di na natuloy kasi bumagyo na. pero happy pa rin naman kami = )

Monday, June 23, 2008

hay scary si FRANK

hay! scary talaga ang bagyo na si frank. never pako naka experience ng ganun. grabe lakas ng hangin. sa sobrang takot ko eh hindi ako naka tulog hehehe. feeling ko there's mumu outside tapping very hard our window. yung parang nagmamadali sya sa pag tap na halos magiba nya ang window namin. hehehe. gusto ko na nga lang buksan ang windows namin kasi sobrang ingay talaga. mga 2am nag brown out pa hay! mega paypay ako sa anking unico iho at baka magising sa init naman. nung morning naman bigla naman tumaas yung water sa cr sa baba hay! mega hakot ang mga angels ko at si jim ng mga gamit sa storage kasi baka mabasa. buti na lang naagapan yung tubig di masyado tumaas. sana umalis na si frank = (

Friday, June 20, 2008

Wednesday, June 11, 2008

bullet post

hay dami kong gustong i blog kaso lagi kong nakakalimutan hehehe. mag bullets na lang nga ako hehehe.

  • Waki's 1st birthday (May 30) sa house lang kami nag celebrate. ate cooked spaghetti. may mini candle blowing lang.
  • Waki's Birthday Party (May 31) held it sa resort ng cousin ni jim. saya ng party, akala ko di mageenjoy si waki pero nung makita nya si Spongebob ahy! priceless talaga ang tuwa ng anak ko.
  • June 1. napagkasunduan namin ni jim na after the party eh lalabas kaming 3. we went to ark avilon (will post pics soon), fun ranch, tiendesitas at SM pasig. hehehe. Di sulit ang 200 pesos sa ark avilon. ang konti ng animals at most of them eh tulog nung dumating kami (afternoon siesta hehehe)
  • June 7, dinner with cousins kasi dumating si storky. i got na yung learn and groove drum ni waki. thanks very much storky!
  • June 8, flu vaccine kami ni jim. ayaw ni tita sol na sya mag inject kay waki so bumili na lang kami ng vaccine sa kanya and the pedia will inject. dinner again with storky and hosalla clan kasi birthday ni stork. im not feeling well na kasi dahil daw sa vaccine... hehehe... feeling ko lalagnatin ako.
  • June 9, holiday dahil sa June 12. stayed lang sa bahay kasi im not feeling well at parang may ubo si waki. nag linis kami ng bahay. sorted our clothes yung mga itatago at ipamimigay. asked my angel #1 to fold again yung mga damit na ipamimigay. my goodness! hindi ko alam kung ako may kulang sa sinabi ko or mahina lang talaga sya. after folding our clothes binalik nya ulit sa cabinet! hay! my gulay! i have to sort it again tuloy.
  • june 13-15 nasa bora mga cousins ko waaaaaaaaa!!!!!!!!! ako lang naiwan dito waaaaaaaaaaa!!!!!!!! hehehe joke! i have work kaya di ako pwede sumama ang i cant leave my baby waki for 3 days.
  • june 13, fiesta sa tayug. had dinner sa house ng in laws ko. maaga pa lang sinabi ko kay jim na umuwi sya ng maaga kasi sunduin nya si waki plus the 2 angles para to help sa house ng in laws. sabi nya wag na daw kasi wala naman bisita. hehehe yun akala ni jim pagdating namin dun may bisita sila. so no choice ako but to wash the dishes. hehehe. ok lang yun lang naman house hold chores that i love to do.
  • june 14, duty ako. nagmamadali akong umuwi kasi manonood kami ng wanders. sus! sana hinintay ko na lang sila sa office ko kasi dun din sila dumaan. nagpagod pako. hehehe. waki enjoyed the show, specially the girls wearing bikini hahaha! maybe beacause shiny yung clothes nila aliw na aliw si waki na tingnan sila. we saw Gabby Concepcion pa sa Wanders. nagpa souvenir pic pa kami 100 per shot. ( i have to scan pa para ma post ko) nakipagtalo pako sa girl who's in charge of seating arrangement. kasi she kept on asking us to move kasi para ma accomodate yung mga bagong dating. i kept on saying to her na may nakaupo dun sa 2 seats na bakante pinilit pa rin nya na paupuin dun yung mga bagong dating. hay! i really dont know if di nya ako naiintindihan or ayaw nya kaming intindihin. kaubos ng dugo! heller kayo ang kulang ang seats hindi kami ang sobra. sinabihan pako na kandungin ko anak ko eh heller!@#$% may sariling ticket anak ko no. kainis talaga.
  • june 15, fathers day. kakain sana kami sa rairai ken sa ble wave kaso masama pakiramdan ni ate kaya umuwi na lang sila at nag simba kami nila jim at waki. had dinner at outback. never liked eating there. feeling ko di sapat yung servings nila for its price. because its fathers day meron free picture from digiprint (hiramin ko kay mil yung pic para ma scan and ma post ko dito) and daddies got a bag. cute! belated happy fathers day to all!!!!

Tuesday, June 10, 2008

Waki's 1st Birthday Suppliers

Venue: CoBo Resort
943-1969 / 0917-8844425 / 0918-9193237
#6 Mt Wilson st. Mountainview Vill., New Marikina Subd., San Roque, Marikina City

ito ang unang supplier na book namin. kahit wala pa talaga kaming plano na if magpapaprty kami eh nag pa book na kami mga 6 months before the event. may minor problem lang kaming na encounter sa kanila. kasi 1 month before the party nagpaalam kami if pwede namin e visit yung resort para makita pano namin e design. aysus! sabi samin nung mommy nung may ari kanino daw kami nag pa book sabi namin dun sa anak nya. eh meron daw kasing debut na naka pencil book same date and time samin. grabe! as in nag panic talaga ako kasi inisip ko saan ako hahanap ng resort na ganun ka mura at kaganda ng 1 month? so ginawa na lang namin lumipat kami ng time. ginawa na lang namin morning yung event namin. tapos mga 1 week before tinanong namin yung may ari about dun sa debut na same schedule as ours. di na daw nag confirm kaya sabi nung may ari we could use the resort hanggang hapon. yahoo!!! kaya yung mga kids swimming to the max hanggang maging prunes mga daliri nila. hehehehe

Martha's Plate
0917-9969819

ito ang supplier na pinakamadaling nakausap namin. mas madali pa syang kausap kesa dun sa caterer namin nung kasal namin. nung una ayaw ko sa kanya kasi never ko pa natikman yung food nila. kaso si hubby and MIL sabi na sila na kunin kasi masarap daw food nila. tutal si MIL naman magbabayad ng caterer pumayag na rin ako. di naman nagkamili si hubby and MIL. super love ko si ms edith! daming freebies na binigay samin. yung iba sya na mismo nagsasabi samin kung ano gagawin. lahat ng request namin eh nasunod. she even suggested na bumili na lang kami ng softdrinks tapos yung waiters na lang bahala. binalik din nila samin yung sobrang softdrinks at pinahiram pa kami ng chairs and tables kasi meron pang mga nag swimming without extra charge!

Flickerhappy Photography
mige is my cousin. nung nalaman nya na mag birthday anak ko kinausap nya ako at sinabi na sila na lang daw ng friend nya mag picture sa party. syempre ako pumayag agad, discounted price binigay nya samin. sila din ang nag layout ng thank you cards, tarp, standee at sticker sila lahat gumawa in just minutes ha. mag kausap lang kami sa ym tapos maya maya eh send nya na sakin mga files. grabe! galing! sabi ko nga sana sa kanya ko na lang pinagawa yung invitation namin hehehe mukhang kawawa invitation namin sa thank you cards eh. nakuha ko din agad raw pics. grabe nag nose bleed ata ako. hirap pumili gaganda lahat ng shots almost 4000 shots susme flicker happy talaga sila. mamumulubi ako sa pagpapadevelop nun. love ko talaga kayong 2! grabe very affordable din rates nila. sayang nga at nung kinasal kami eh wala pa silang studio. laki sana nung natipid namin.

Kitchen Krafts
533-5288


dito kami nag over budget sa lahat. ang budget namin talaga eh 3.5k max na para sa cake. so si hubby ako na pinaghanap ng supplier ng cake. so nag surf ako at nakita ko sa multiply itong big spongebob 3d cake. hay! ang ganda! search ko ngayon sino gumawa. Kitchen Krafts daw. ayos kasi mandaluyong office nila on the way samin ni hubby. pumunta kami nakausap namin si ms melanie tinanong nya agad how much budget namin para dun na lang kami mag stick. ok na sana kaso itong si hubby eh gusto nasa pedestal si spongebob para daw mag mukhang malaki so dagdag nanaman kami. eh ako gusto ko may mga cupcakes kaya nagpagawa ako kahit 24 pcs lang dagdag nanaman hay! kaya yun umabot ng 4k yung cake namin. di bale sulit naman. daming nagandahan sa cake namin. "festive" daw ang dating hehehe. ang nakakainis lang eh nung daw na pick up ni hubby yung cake eh dahil nagmamadali sya di na nya nabilang yung cupcakes kulang ng 4 pcs. eh ang layo namin sa mandaluyong. nakakainis pa nung tumawag kami sabi pa samin if sigurado kaming 20pcs lang yung cupcakes. pinadaanan na lang namin sa messenger ng office ni hubby yung cupcakes tapos si FIL ang nag uwi.

http://sam4apapet.multiply.com

ito ang last na supplier na book namin. kasi nag isip kami if kailangan ba talaga namin ng magician. di naman kami nagsisi na sya ang kinuha namin. kuya sam is a family friend. nung una alam ko taga gawa lang sya ng puppet. i used to watch yung mga mini puppet show nya sa labas ng bahay nila dati. kaka aliw talaga. hindi ko alam na host/magician din sya. so sabi ng sister ko na sya na lang kunin ko kasi sa lahat ng na surf ko sya cheapest at pinka sulit. tama nga yung nakasulat sa multiply nya "I'm sure most of you never even heard of me before you found my website. But i'm very good,(I think). I'm professional, I show up to my shows ahead of time, I have a good act, I dress appropriately for the show and I always give more than what the client expects." tama yan lahat he was there 930am nag set up na sila. always ask me if ok si waki or is he cranky kasi ayaw nya na sa blowing of candle eh sleepy or cranky si waki. so we waited hanggang magising si waki for our blowing of candle. the kids even adults enjoyed yung games, magic show and the puppet show. he was dressed properly ( wearing a spongebob tie para appropriate sa theme namin ) and "I always give more than what the client expects " very true. i would never forget yung saya ng anak ko nung nakita nya yung mascot ni spongebob grabe priceless talaga. di maalis ang tingin ni waki kay spongebob. as in super aliw na aliw sya. kahit sa picture taking na eh kay spongebob pa rin sya naka tingin. di ko expected na may mascot. yun yung surprise nya samin. kuya sam thank you very much.

http://yanplepartyshop.multiply.com/

si ms apple super daling kausap. through text and email lang kami nag usap. kahit super kulit ko eh sinasagot pa rin lahat ni ms apple mga tanong ko. big hit ang food carts sa kids and adults. kakahiya nga kasi di ko alam na 3hrs lang pala yung food carts, late ko na nabasa yung text ni ms apple. di naman umalis yung mga tao nya. hinitay pa rin nila matapos yung party.

http://partybasics.multiply.com/


super nice ni ms heidi. kung nakita ko lang sana agad yung partybasics sana lahat ng ballons ko sa kanila ko na lang binili. daling kausap pm ko lang sya sa multiply the pick up ko agad that night mga balloons. next party namin sa kanya ko na lahat kukunin mga balloons namin.

2 trips to diviland para sa lahat ng prizes at lootbags. sarap mamili. super enjoy pa lahat ng kids sa mga prizes nila. akala nila mahal ( kung alam nyo lang how much yan hehehe).

sa lahat ng suppliers namin thank you very much lahat kami nag enjoy sa party.

more pics http://jimandkai.multiply.com/
http://flickerhappy.com/wakis.htm