...10th (as bf/gf) and 2nd (as married couple) anniversary today. hay naalala ko pa 10 years ago (susulat ko na kasi sa sobrang daming beses na akong na injectionan ng anesthesia eh baka diko na maalala, wala akong ma e kwento sa mga magiging anak at apo ko) so 10 years ago May 14, 1998 nag start ang araw namin ni jim sa broadcast city. galing kaming night shift ng Poll Watch. elections kasi nun (si erap ang nanalo). niyaya ko si jim na samahan ako mag enroll kasi wala akong kasama... di pwede si ate at mga friends ko kasi lahat sila puyat dahil sa poll watch. so pumunta kaming dalawa ni jim sa ceu. sinamahan nya ako hanggang matapos ako. nung matapos ako di ko maalala if nag lunch kami sa sm sta mesa or sa school lang (gosh memory gap!) so after ko mag enroll nag pahatid ako sa Delos Santos Hospital kasi nandun yung aunt ko naka confine dadalawin ko before ako umuwi. pagdating namin sa Delos Santos hinatid nya ako sa room ng aunt ko then umalis na sya. hay saddest moment ko yun that day. kasi diko alam kung kelan kami ulit magkikita. kasi di na kami schoolmates, ceu ako sya sa la salle main. wala na kasi akong maisip na rason para magkita pa kami... tapos na lahat ng debut ng friends namin, nahiram ko na ata lahat ng gamit nila sa bahay nila (hehehe) at iba pang favors na pinaghihingi ko sa kanya na sinusunod naman nya. so back to my kwento... so umalis na nga sya... naupo na lang ako na tumunganga sa room ng aunt ko kasi tulog naman sya at yung bantay nya eh busy nanood ng tv. after a few mins eh may kumatok sa room. so hinintay ko pumasok. aba hindi pumapasok basta katok lang ng katok. so tumayo ako at binuksan ang pinto. si jim yung nasa labas. (hehehe ang saya ko) bumalik sya kasi meron daw syang sasabihin sakin. so lumabas kami at sa corridor ng hospital tumambay. may chairs kasi sa labas ng rooms eh kaya dun kami nag "usap". anong importanteng sasabihin nya sakin? well hindi nya sinabi (hay! nag guessing game kami! hehehe) sabi nya sakin tingnan ko daw yung mga room number na tuturo nya (susme baka manuno sa punso sa kakaturo!) so ako eh mega basa lang... yung unang number, sa gitna at sa huli sabi nya sakin... so thats number 143... so ako si ever engot nag dalawang isip pako na kung ano ibig sabihin nun love ba o hate? nyahahaha! so after a few mins inasume ko na love yun hehehe. so yun kami na agad! nyahaha! di nako nagpakipot kasi matagal ulit bago kami magkita baka di nya na ako ulit tanungin. sabi ko sa kanya na secret muna na kami na kasi ayaw pa ng parents ko. so ok daw sa kanya. pagkauwi ko ng bahay eh tinawagan ko mga friends ko at inanounce na kami na ni jim... ang sagot nila sakin? sa wakas nyahahaha! Ya, Happy Anniversary! A.R.T.I.L.Y.
No comments:
Post a Comment