Thursday, May 29, 2008

sa wakas....

... may tumama din sa pinapabili ko. hehehe. kasi nagpapabili ako ng toy para kay waki sa states. meron naman dito kaso mas mura talaga dun halos hafl the price lang talaga. so nung april nagpabili kami sa tita ni jim...iba ang binili (pagbabae pa hehehe), tapos kay mama ako nagpabili, iba nanaman ang nabili. buti na lang hindi nila pinapabayaran yung maling nabili nila hehehe. kaya yun may 2 free toys si waki.

nung isang araw kausap ko ang cousin ko. sabi nya uuwi na daw sya dito sa pinas para magaral. so sabi ko sa sarili ko na ito na. sya na ang makakabili ng tama. so sinabi ko sa kanya na papabili ako ng toy para kay waki. bait nga nya kasi gusto nya ipa ship na lang dito sa pinas agad para daw umabot sa birthday ni waki. kaso di nag ship outside the us ang leapfrog. kaya yun pina ship na lang nya sa house nila. yehey! sa wakas tama na rin ang nabili! thanks so much storky! see you sa June 4! have a safe trip. = )


Learn and Groove Drum (Stork)

Alphabet Pal (Mama)




Little Touch Leap Pad (Pops)

Friday, May 23, 2008

cbox

hehe may cbox na ulit ako. nung nag palit kasi ako ng template nakalimutan ko mag save (stupid of me talaga!) ayan ngayon ko lang ulit naalala na maglagay ulit. hehehe

Thursday, May 15, 2008

waki's birthday preps

2 weeks na lang at 1st birthday na ni waki. hay cramming na kami ni jim. pero so far invites na lang kami behind schedule hehehe. and arte kasi ni jim eh. so far ok na mga suppliers namin. ok na rin yung venue sa cobo resort pa din. booked the caterer na din Martha's Plate, i love tita edith of MP dami nyang binigay na freebies samin (mas ok syang kausap kesa dun sa AE nung caterer namin nung kasal namin), nag dp na rin ako kay apple of YAN-PLE party shop (food cart, standee at balloon pillars) kami na lang mag ayos nung place kasi maliit lang naman. magpadala na si mama ng mga balloons na spongebob so ok na. booked na rin party host/magician si Kuya Sam. My cousin Bing and her friend will be our official photographers. nag rent lang kami ng tent kasi baka umulan. booked na rin Kitchen Kraft para naman sa birthday cake. videographer na lang kulang namin... baka si RNG na lang. lootbags and prizes c/o diviland, robinson, nbs and yung iba padala ni mama. hay sana yung bagyo eh wag na dumating. resort kasi venue namin.

At Last.... Mom's and Tina's

hay sa wakas nakakain na rin ako sa mom's and tina's hehehe. kasi ilang beses ko ng niyaya ni jim dun kumain. lagi na lang hindi natutuloy. so kagabi dahil 2nd anniversary namin, after namin kunin yung package ni mama sa mega mall derecho kami agad sa MAT. buti na lang medyo maaga kami dumating at may naabutan pa kaming upuan. maliit lang kasi yung place pero madaming kumakain. ito ang kinain namin, ceasar salad, chicken spinach lasagna, all meat lasagna, steak na nakalimutan ko yung name, walnut white toblerone na cake at bottomless na lemonade at green tea. ok ang service nila, mabilis lang dumating yung food, buti na lang kasi gutom na kami hehehe. hindi ko gusto yung chicken spinach lasagna may lasa sya na diko type. i love yung all meat lasagna nila... creamy and yummy. ok lang din yung salad nila nothing special. yung steak sarap malambot. cute ng lemonade nila kulay blue hehehe.. i love my green tea meron syang mint! sarap! so refreshing! hehehe. aliw pa kasi dahil bottomless ang drinks namin pwede namin pag palit palitin like yung sakin pwede ko palitan ng red tea or yung regular iced tea. sarap din nung walnut white toblerone cake nila, hindi masyado matamis yung whip cream pero ayaw ko nung toblerone hehehe feeling ko lang di sya bagay sa cake. buti na lang nasarapan si jim... sabi nya sakin babalik daw kami dun at e try yug ibang cake nila. thanks ya sa dinner! = )

Wednesday, May 14, 2008

its our 10th and 2nd TODAY

...10th (as bf/gf) and 2nd (as married couple) anniversary today. hay naalala ko pa 10 years ago (susulat ko na kasi sa sobrang daming beses na akong na injectionan ng anesthesia eh baka diko na maalala, wala akong ma e kwento sa mga magiging anak at apo ko) so 10 years ago May 14, 1998 nag start ang araw namin ni jim sa broadcast city. galing kaming night shift ng Poll Watch. elections kasi nun (si erap ang nanalo). niyaya ko si jim na samahan ako mag enroll kasi wala akong kasama... di pwede si ate at mga friends ko kasi lahat sila puyat dahil sa poll watch. so pumunta kaming dalawa ni jim sa ceu. sinamahan nya ako hanggang matapos ako. nung matapos ako di ko maalala if nag lunch kami sa sm sta mesa or sa school lang (gosh memory gap!) so after ko mag enroll nag pahatid ako sa Delos Santos Hospital kasi nandun yung aunt ko naka confine dadalawin ko before ako umuwi. pagdating namin sa Delos Santos hinatid nya ako sa room ng aunt ko then umalis na sya. hay saddest moment ko yun that day. kasi diko alam kung kelan kami ulit magkikita. kasi di na kami schoolmates, ceu ako sya sa la salle main. wala na kasi akong maisip na rason para magkita pa kami... tapos na lahat ng debut ng friends namin, nahiram ko na ata lahat ng gamit nila sa bahay nila (hehehe) at iba pang favors na pinaghihingi ko sa kanya na sinusunod naman nya. so back to my kwento... so umalis na nga sya... naupo na lang ako na tumunganga sa room ng aunt ko kasi tulog naman sya at yung bantay nya eh busy nanood ng tv. after a few mins eh may kumatok sa room. so hinintay ko pumasok. aba hindi pumapasok basta katok lang ng katok. so tumayo ako at binuksan ang pinto. si jim yung nasa labas. (hehehe ang saya ko) bumalik sya kasi meron daw syang sasabihin sakin. so lumabas kami at sa corridor ng hospital tumambay. may chairs kasi sa labas ng rooms eh kaya dun kami nag "usap". anong importanteng sasabihin nya sakin? well hindi nya sinabi (hay! nag guessing game kami! hehehe) sabi nya sakin tingnan ko daw yung mga room number na tuturo nya (susme baka manuno sa punso sa kakaturo!) so ako eh mega basa lang... yung unang number, sa gitna at sa huli sabi nya sakin... so thats number 143... so ako si ever engot nag dalawang isip pako na kung ano ibig sabihin nun love ba o hate? nyahahaha! so after a few mins inasume ko na love yun hehehe. so yun kami na agad! nyahaha! di nako nagpakipot kasi matagal ulit bago kami magkita baka di nya na ako ulit tanungin. sabi ko sa kanya na secret muna na kami na kasi ayaw pa ng parents ko. so ok daw sa kanya. pagkauwi ko ng bahay eh tinawagan ko mga friends ko at inanounce na kami na ni jim... ang sagot nila sakin? sa wakas nyahahaha! Ya, Happy Anniversary! A.R.T.I.L.Y.




My LO for our anniversary. credits later na lang naiwan ko sa bahay eh. its a lyrics ng favorite song ko ng color it red (Guhit Ng Langit)