Wednesday, February 27, 2008

a very long weekend

hehehe... a very long weekend talaga kami ni jim. kasi 3 days na nga walang pasok nag extend pa kami. ang reason? wala lang tamad lang talaga pumasok kasi gloomy day eh. sarap matulog lang. ano ginawa namin ng long weekend? saturday merong lakad si jim. dahil hindi pumunta sila ate sa bahay kinulit ko si jim na isama kami. so pumayag din kaya first sa office nya kami tumambay. tapos biglang tumawag yung boss ni jim at pinapapunta na sya sa makati sports something. so pumunta na kami dun agad. may raffle kasi dun ang rotary 3 barand new cars ang mapapanalunan kaya medyo makulit yung boss ni jim kasi baka daw sumablay yung program na ginawa ni jim. akala ko eh makaka alis agad si jim dun sa makati sport club kaya sumama kami eh hindi pala kaya nagpahatid na lang kami sa glorietta at namasyal kamng 2 ni waki. grabe! akala ko eh kakayanin ko na ako lang mag isa mag alaga kay waki susme! sumakit mga braso ko. hehehe daming beses ko umupo kasi sakit na talaga braso ko. nalibot na namin ni waki buong glorietta at sm. kakapagod pero ok lang kasi nakabili naman ako ng floater ni waki for our trip sa pansol on monday.

sunday tambay lang sa bahay ng morning tapos nag simba kami nung gabi. dinner at sweet insperation sa katipunan at hay! naka basag ng baso si waki hehehe. nilagay ko sa likod nya yung baso para di nya matabig. aba kamag anak yata ni lastikman itong anak ko at umabot sa likod ang kamay nya kaya yun natabig nya yung baso ng grape shake ko at nabasag. hehehe

monday 8am umalis kami papuntang pansol. gloomy ang panahon kaya akala ko hindi na makakaswimming si waki. pagdating namin ng pansol eh medyo mainit pa. so piang swimming ko si waki. nung una enjoy naman sya. nung nilagay na sya sa floater nya eh umiyak sandali tapos nung nakita nya si "friend" yung dolfin eh natuwa na sya ulit. sarap nung tubig kasi di sya malamig at di din masyado mainit. twice nga naligo si waki eh. saya sana if marami kami.


sitting @ daddy's chair


daming basura sa office mo daddy

sa elevator

going to pansol

with cousins... ate daphne and ate nadine

playing with my floater


with daddy


wag nyo akong iyan mag isa dito

Monday, February 18, 2008

happy valentines and our weekend kwento

belated happy valentines sa lahat. hehehe. anong ginawa namin ni jim nung valentines? wala hehehe. late na kasi ako naka uwi nun kaya umuwi na lang kami sa bahay.

~0~

saturday, pumunta kami ni waki (yes kami lang 2 ni waki kasi rest day ni jim ang weekend) sa novaliches. foundation day kasi ni jc sasayaw daw sya. 9am nandun na kami. late na nag start yung field demo. kawawa nga yung mga bata kasi ang init na di pa rin sila tapos sumayaw. medyo nag reminisce kami ni ate kasi yung theme nung foundation eh 80's hehehe. sumayaw pa yung isang group ng "shake body body dancer" hehehe. aliw talaga. diko type yung sayaw nila jc ngayon. parang ang simple lang. sumayaw sila ng "zaido" hehehe baduy. after ng sayaw ni umalis na kami agad, di na namin tinapos yung show. pumunta kami sa sm fairview. hay! i miss yung mall na yun. dati nung dalaga pako eh every week nandun kami. pasyal lang... if may pera kakain kami dun if wala naman eh pasyal lang talaga nagpapalamig lang kami dun hehehe. pag dating ng sm kumain kami sa goldilokcs tapos nag libot libot na kami. grabe aliw na aliw si waki sa toy kingdom! like nya yung mga toys na lumilipad sa itaas hehehe. tapos pina try ko sya sa mmga floaters. gusto nya yung parang boat. nag ikot pa kami nakita ko nanaman yung leapfrog na drums. hay! aliw si waki dun as in palo sya ng palo aliw na aliw sya kasi pag papaluiin yung drums eh tutunog. muntik ko na nga mabili yun kaso mahal eh mas mura sa states. (papabili ko na lang kay mama hehehe) after mag ikot ikot umuwi na rin kami. meriends sa bahay sa nova then nagpa sundo na kay jim. pagkasundo nag snack muna kami sa aming favorite bbq kay mang larry sa UP hehehe.



jc with friends


watching jc dance

zaido dance


@ goldilocks sm fairview


me, ate and waki


happy waki sa boat


leap frog drums


grabe ang laki ni jennifer



@nova pap-b and mom-z's house


with pap-b the nanny for the day


planggana chair

uncle jc naman umupo sa planggana chair

pa cute sa cam

Wednesday, February 13, 2008

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

na receive ko to sa email. grabe! naiyak talaga ako. na miss ko tuloy ang nanay at tatay ko = ( simula kasi nung nag asawa ako bihira ko na makita parents ko. lalo na nung nabuntis ako = ( ngayon 4 times a month ko lang nakikita tatay ko, nanay ko naman nung august ko pa huling nakita hay! na mimiss ko tuloy sila. hay! gusto ko ng umuwi ng novaliches waaaa!!!! basahin nyo rin...

~0~

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa
tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng 'binge!' paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang
gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan
ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong
pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo
na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi
sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng
aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo
sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang
kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na
lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Monday, February 11, 2008

12th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta!

kahapon pumunta kami sa 12th Phil. Int'l Hot Air Balloon Fiesta at Clark Field Pampanga. nabasa ko kasi to sa isang blog na lagi kong pinupuntahan. mukhang maganda kaya niyaya ko si jim na pumunta kami dun. sabi dun sa blog at sa website exactly 530am mag start na mag inflate yung mga balloons. 230am gising na kami ni jim. inayos ko na mga gamit ni waki. hirap mag biyahe ng may dalang bata daming bitbit. di ko muna binihisan si waki kasi natutulog pa. mga 330am umalis na kami ng bahay. sa NLEX nag hahanap kami ng mcdonalsa na pwedeng kainan. hay! naka 3 na kaming gas station puro jollibee lang tapos may nakita na kaming sign ng mcdonalsa syempre natuwa kami kasi gutom na kami. hay! bad trip talaga di sya 24hrs open sarado pa! isa pa nakakatawa lumagpas pa kami ng exit. dapat angeles ang exit namin sa dau kami napunta pero ok na rin kasi mas malapit sya. 5am nasa clark na kami. kumain muna kami sa jollibee no choice kasi yun lang open. binilisan na lang namin kumain kasi feeling ko madaming tao. di nga ako nag kamali ang dami ngang tao. layo na ng na parkingan namin. pagdating namin dun gising na si waki. pinalitan ko na lang sya ng diaper at binihisan. kainis nga kasi naiwan ko yung pulbo! hay! so after ko mabihisan pumasok na kami. grabe daming tao. pinahanap ko si jim ng magandang ma pwestuhan namin. napunta kami sa dulo pero ok naman kasi kita pa rin namin yung balloons. walang upuan kaya nakatayo lang kami ni jim. buti na lang dinala namin yung stroller kundi hay! pagod talaga ako sa pagbubuhat kay waki. 530am nag start na dumating ang mga balloons. 21 balloons lahat ang dumating. 1st balloon na lumipad eh yung sa SM clark. bilis lang nila e inflate nga balloons. bale out of 21, 3 lang hindi lumipad. mga 730 tapos na lahat ng balloons. sabi nung announcer next show will be the sky diving. sabi ko kay jim wait namin yun kasi 65 sky divers daw ang mag dive. nag ikot ikot muna kami. aliw si waki sa mga kites. nainis lang ako kasi delayed lahat nung shows. sabagay di kasi maganda yung panahon. medyo gloomy... mahangin daw masyado kaya di maganda para sa isang air show. mga 8am nag start na yung sky diving... cute nila para silang kabute sa langit hehehe. akala ko kasi mag form sila ng shapes sa sky kaya hinintay ko. tapos yun pala wala lang nag dive lang sila yun lang nothing special. kaya yun nag yaya nakong umuwi. sabi nga ni jim di na kami babalik next year. hehehe. pero nice naman yung balloons.


happy baby waki @ 530am


kami sa likod ng balloon na hindi lumipad


sleepy waki

ya! tigidig!


Friday, February 08, 2008

bonnet

last night pumunta kami ni jim sa mega mall para kunin yung package ni mama. sus! ang liit lang pala. ang laman lang eh yung psp ni jc (buti pa sya), 2 old cel phones, key holder, nail clipper (sus! pati ba naman ito ipadala pa?), batman bag at bonnetsss ni waki. hehehe. pinadalhan ni mama si waki ng bonnet kasi yung ginagamit nya eh maliit na sa kanya na pasalubong ni Kuya G galing Baguio dati. cute ng mga bonnet na pinadala ni mama kaso nakalimutan ata ni mama na wala naman snow dito sa pinas? hehehe... kaya pag dating namin sa bahay pina try ko agad ang mga bonnet nya kay waki at ang aking anak eh nag enjoy naman sa pag sukat at mega smile pa sa camera hehehe = )



merry xmas? hehehe late na


yo man! hip hop anak ko = )


lamig... grrrr... wala naman snow dito eh

Tuesday, February 05, 2008

sa wakas...

... binilhan na rin ako ni jim ng crocs nyahahaha! thanks ya! christmas gift to ha iba pa yung birthday gift mo hehehe. thanks din pala kay kuya G kasi sya bumili nito sa SG, sale daw 10% off = )

Monday, February 04, 2008

waki...marie!

last sunday first time ko pinakain si waki ng MARIE! hehehe nagustuhan naman nya. naubos naman nya yung 1 pack. dahil G6PD positive ang anak ko madaming food na bawal. kalungkot nga kasi bawal sya sa soya so bawal sa taho = ( para tuloy hindi sya batang pinoy! kaya masaya ako na nagustuhan nya yung marie atleast parang batang pinoy pa rin sya kahit paano. = )




mukhang masarap to ah...


masarap nga...


ma... ma.. help...


ma... im choking...


sarap = )

waki 8 months

jan 30- 8 months na si waki! di na kami nag handa kasi may sakit si waki =( bumili na lang ako ng cake sa red ribbon.



huh?!@#$


mukhang masarap to ah...


family pic...


happy 8 month to me! sayang walang feb 30 hehehe