Monday, April 16, 2007

Divi

last saturday pumunta kami sa divi... hehehe... kahit ayaw ni jim eh pumunta pa rin kami kasi dumating sila mama at papa sa bahay kaya wala na syang choice kundi sumama. bibili kasi kami ng tela para sa kurtina namin. hay! pag si jim talaha ang pipili ang tagal tagal tagal tagal talaga. sumakit na paa ko sa kakaikot, ang pili nya masyado... ayaw ng makapal kasi madilim, ayaw ng lace kasi masyadong manipis kita daw kami sa labas. so after ialng ikot may napili na rin sya (hay salamat!) so binili na namin bale 1.2k yung tela para sa main na curtain tapos 300 naman yung para sa design. not bas na siguro kasi nakita ko 400 to 600 per panel yung design na gusto ko. nag ikot ikot pa kami, si mama binilhan ng liguan yung baby namin at ilang mga tie sides na damit plus yung mat. dami nyang binili niloloko nga namin si jc na nakalimutan na sya nila mama at papa hehehe... di bale binilhan naman sya ng organ ni mama at papa. galing nga eh kasi natuto sya agad tumugtog. tapos nun umuwi na kami kasi pagod nako. = )

Tuesday, April 10, 2007

Nakakapagod na Holy Week

5 days ang bakasyo pero feeling ko kulang pa rin yun... grabe! super nakakapagod yung bakasyon, feeling ko wala kaming pahinga ni jim.

april 5 - Birthday ko! hehehe... wala dapat handa kasi nga Maundy Thursday na. yung family ko plus the 3 angels to help us sa paglinis ng bahay dapat ang bisita ko... kasi house blessing namin sa April 8, eh hindi naman pwede na kami lang ni jim maglinis kasi nahiirapan nakong gumalaw. dahil madami naman silang dalang food niyaya na rin ni jim family nya na mag lunch sa bahay namin. binilhan ako ng cake ng MIL ko kaso di ko naman nakain kasi bawal ako sa sweets. (walang pics kasi nabura ata ni jim yung file =( sayang )

april 6 & 7 - nag overnight kami sa sariyaya, quezon. sa may Villa Del Prado kami pumunta. ok sana sya kaso dahil nga holyweek eh sobrang dami ng tao! hay! grabe yung tao. di nga ako naka ligo sa pool kasi ayaw ni jim kaya sa beach na lang ako nag babadad.
( click here para sa pics )

april 8 - easter sunday! ito ang pinaka nakakapagod... first, nag last minute linis kami ng bahay... so while nag lilinis kami si jim naman eh ni rush yung slide show para sa birthday ni MIL sa gabi. 430 dumating na yung pari para sa house blessing namin, nakakapagod kasi kailangan pala ikutin yung bahay eh ang bilis nung pari maglakad... eh 6 months nako di ako maka habol sa kanila... tapos umakyat baba pa sa bahay... sus! nakakapagod. after ng blessing kainan ng konti tapos bihis na ulit para sa birthday ni MIL. umalis na kami ni jim para sa party ni MIL, daming tao... mga 1030 natapos yung party tapos nanood muna kami ni jim ng ConAir kaya 1am na kami nakatulog. ( click here para sa house blessing pics... here naman para sa birthday ni MIL )

april 9 - holiday pa rin... naglaba ako ng mga damit namin, pero si jim ang taga buhat ng mga damit kasi di nako maka yuko. mga after lunch di ko na talaga kaya mag laba kaya nag nap muna ako hehehe akala ko short nap lang 5pm nako nagising... buti na lang tinapos ng mahal kong asawa yung labada ko. tapos umalis kami para mag grocery sa SM north. 10pm na kami naka uwi... nakakapagod... walang pahinga...

Monday, April 02, 2007

Our Weekend

ito mga nangyari nung weekend namin...

mar 31 - pumasok ako sa office. dumating na yung kama namin... yahoo!!! sabi ni jim sulit naman daw binayad namin kasi solid wood naman yung ginamit. so pag may kama dapat merong foam syempre mega swipe nanaman si jim ng cc nya para maka bili ng foam. hehehe.
so pumunta kami sa sm mega mall para bumili ng sala set kasi sa april 8 na yung house blessing namin. nakita na main yung gusto namin design kaso ayaw ni jim yung kulay kasi kulay pink hehehe. so ask ko yung guy if meron pang ibang kulay, wala na daw so ask ko if meron sa ibang branch ng sm... so after few mins bumalik sa sa sm cubao alng daw meron.
so pumunta kami ni jim sa sm cubao... pagdating namin dun wala pa yung sales clerck nung ssala naka coffee break pa daw... then we saw there yung kulay na babagay sa bahay namin (rust) brown yung kulay ang kaso... meron isang family na naka upo sa sala na yun. nakakatawa kasi as in di na sila umalis dun sa sala
iniba iba pa nila yung pwesto nung sala as in feeling at home talaga hehehe. so para walang away eh ang settle na lang kami ni jim sa moss green... second choice namin yung kulay na yun. tapos nag bayad na kami ang problem eh nakalimutan ko yung pin ng bank card ko
so pin ako nag bakasakali lang ****** wrong code... anak ng ?/@!#$% try ulit ****** shiyeeeettttt!!!! mali nanaman hay! hirap ng buntis may memory gap!!! so sabi nung cashier pag mali pa ulit ma block na daw yung card ko. so yung isang card na lang yung ginamit ko atleast yung alam ko yung pin...
nag settle na kami kung kelan e-deliver April 1 daw... naisip ko baka niloloko kami kasi Fool's Day ang April 1 hehehe... nag ikot ikot muna kami ni jim sa cubao tapos ayun! may nakita akong ATM booth so na temp akong i try ulit yung card ko... aba! tumama din!! ayos ang account balance ako tapos yun di na nilabas yung card ko
shiiiiyyyyeetttt!!! tlg nakakainis!!! yun pa naman inaasahan kong atm na may pera hehehe... so ni report ko agad tawag ako heller?!@#$% talaga lang nakakainis 20 mins akong naka hold eh naka celphone ako?! ayun after ilang try at ilang minutong pag hihitay na report ko na din
tapos after 3 to 5 banking days pa daw... hay! after holy week ko na sya makukuha... umuwi na kami... nagligpit nako ng gamit namin kasi lilipat na kami ng bahay... yahoo!!! nung naka pack na lahat nag paalam na kami sa in laws ko... pagdating namin sa bahay namin nag unpack lang kami then natulog na agad... di ako makatulog kasi ang ingay nung dog nung kapitbahay at
ang liwanag ng ilaw sa labas... namamahay ata ako kasi 3am na di pa rin ako nakatulog hay!

april 1 - di kami makaalis ng bahay kasi dadating yung sala namin!!! yahoo!!! mga after lunch wala pa rin kaya natulog na lang kami ulit ni jim... wala naman magagawa sa bahay namin wala kaming tv hehehe. mga 330 narinig ko may nag park sa harap ng bahay namin maingay na sasakyan... sinilip ko SM Home World yehey!!! dumating na din yung sala!!!
ginising ko si jim para bumaba... after ma settle eh naligo na kami para maka attend ng mass kasi Palm Sunday. na late kami sa mass... daming tao nasa labas na nga kami eh... tapos nung matatapos na yung mass pumasok kami para ma bless yung palaspas namin... aba! sabi nung pari di raw sya mag bless ng palaspas
kasi before mass na daw sya mag bless eh 7pm pa nung next mass 1 hr pa kami mag hihintay... hay!!! kaya yun umuwi na alng kami sabi kasi ni jim magpapa house blessing naman kami kaya dun na lang namin ipapabless yung palaspas = )

ayan ang weekend namin nakakapagod = )