Monday, November 24, 2008

coffeebreak ver 1.45 / richwell loots

Jan's coffeebreak


tapos na kami mamili ng pang xmas gifts namin for our inaanak. dati nung wala pa kaming baby kung ano ang uso yun ang nireregalo namin sa mga inaanak namin. pero ngayon may baby na kami medyo tipid na hahahaha! pag bata pa yung inaanak namin mga toys ang binibili namin, ngayon malalaki na sila damit na or anything magagamit nila.

~0~

speaking of xmas gifts. tapos na kami mamili ng mga gifts for our inaanaks. lahat galing sa richwell = ) merry christmas inaanaks!


Friday, November 21, 2008

Pahirap ng Pahirap...

...umalis ngayon ng bahay. hay! ewan ko ba anong meron ngayong linggo na to at 5 days straight ng umiiyak si waki pag aalis na kami. as in! automatic na pagsara ko ng pinot ng sasakyan eh biglang mag papalit yung mood nya. ang bilis! fromhappy to sad face with matching iyak pa na walang luha. hay! nakaka awang tingnan. kung mayaman lang kami eh sa bahay na alng ako at mag alaga kay waki. kaya anak please stop crying na. para sayo naman kaya kami nag wowrk ni dad eh. pag weekends naman magkakasama tayo. papasyal na lang tayo sa grocery. we love you baywaki. = )

Wednesday, November 12, 2008

coffee break ver 1.43 and 1.44





2 coffeebreaks... na miss ko yung last time ngayon ko na lang sasagutan.

ito yung first...



siguro para sakin yung milestone sa buhay ko nung naging mommy na ako. diko talaga ma explain yung naramdaman nun. takot ako na sobrang saya naman. laking nagbago sa buhay ko nung nagkababy nako. complete na ang life ko = )

hehehe. the only reality tv shows na pinanood ko eh PBB (teens and celebrity) at yung PDA 1st season. baduy ko no? hehehe. di kasi talaga ako mahilig manood ng tv. i work for a tv station kasi kaya feeling ko buong araw na nga akong puro tv tapos pag uwi ko ng bahay eh tv nanaman. kaya ayaw ko na manood ng tv. makikipag laro na alng ako sa anak ko. = )

thanks Jan!

Toy Kingdom Toy Sale

last nov 7 pumunta kami ni jim sa mega mall kasi meron dun toy sale. ang traffic nung friday kasi umulan. mga 8pm na kami nakarating. kumain muna kami sa kfc bago umakyat sa mega trade hall 2. nov 7 exclusive for sm advatage card holders so akala ko eh konti lang ang tao. sus! ang daming tayo.wala ng push carts or basket para lagyan ng bibilhin. pero umikot pa rin ako naghanap ng magandang ipang reregalo sa mga inaanak namin ni jim. after 30 mins nag paalam si jim sakin na lalabas na lang sya kasi naiinis sya sa dami ng tao. so ako naiwan sa loob at nag ikot ikot. ok sana yung mga toys mura na kaso ang haba ng pila! uumagahin kami ng uwi pag may binili ako. kaya ang ending eh umuwi na lang kami. wala akong nabili.

Tuesday, November 04, 2008

TV 5 Halloween Party










last oct 31 Halloween party dito sa office. ang costume ni waki is little devil. si waki ang pinaka bata sa lahat pero sya pinaka makulit. buti na lang kasama ko ang aking angel kundi di nako nakapag trabaho. dami naming candies na nauwi. diko na nakunan ng pic kasi antok nako tapos kinabukasan eh binigyan ko na yung mga pamangkin ni jim kasi hindi daw sila nakapag trick or treat. sana sinama ko na lang pala sila. sharing some pics.